Chapter 9

165 7 1
                                    

Nineth Kiss

*Tiktoktiktok

Time check 10:30pm Sunday.

Wahhhhh I kenattttttt T.T

Bakit ba kasi kailangang may periodical test pa?! Di ba pwedeng pagandahan nalang? Inaantok na ko! May pasok pa! Grrrr.

"Nak,matulog ka na nga. Ang ingay mo e." si Mama talaga, imbis na i-cheer ako sa pag aaral e'pinapatulog pa ko.

"Mama! Nag aaral ako, istorbo ka e."agad naman akong binatukan ni Mama, tsk. Ansakit kaya..

"Che! Kala mo naman totoong nag aaral. Matulog ka na, sayang yung kuryente. Nakabukas lang yung ilaw e." grabe si Mama! Dine-degrade nya ang pagkatao ko! Sikreto lang yun e. Pero totoo naman yun. Walang pumapasok sa utak ko. Pinapag hele lang talaga ko ng libro ko e. Sana may utak nalang akong kagaya ni Louie... *ting!

Louie??? Hehehe

May plano nanaman ako. Matulog na nga ako para maaga ko bukas.

.

.

.
6:20am.

Eto nanaman tong mga estudyante, nag tatakbuhan nanaman. Bakit ba di nalang nila i-feel yung kagandahan ng umaga? Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa quadrangle e.

"Ms. Daza! Ayan ka nanaman! Para kang namamasyal sa Luneta! Puntahan mo na yung room mo! Naku! Mga kabataan nga naman" at iyan nanaman si ma'am,Inii-stress ang sarili nya. Hmpf, makapunta na nga sa room.

Nasa hagdan palang ako ay rinig na rinig ko na yung ingay ng mga kaklase ko. Tsk, walang teacher. Haist.

"Nandito ka na pala! Tara, miss ka na namin!" para talagang ewan tong mga kaibigan ko, parang noong nakaraan e nagaaway-away. Tapos after non,bati na sila. Ang tikas din ano? Lagi'ng may action sa barkada, may biglang mag aaway tapos suntukan. Astig.

"Na-miss ko kayo guys! Pa hug nga!" akala nila sila yung ihu-hug ko. Kaso syempre kay bebeloves lang ako yumakap! Mwehehe pogi-pogi talaga!. Kaso, hindi manlang gumanti ng yakap, if I know kinikilig yan!

"Hindi mo ba kami Na-miss? Lagi nalang si Louie e! " pag mamaktol ni Jessalyn, binato ko nga ng lapis. Drama e, di nalang gayahin yung boyfriend nya.

"kala mo namang nag bakasyon ako, hoy! two days lang tayong hindi nagkita! Saturday at Sunday!" si bebeloves ko lang talaga ang miss ko e. Chansing ko na yung yakap. Mwehehe.

Walang teacher ang pumasok buong araw sa room namin, natamad siguro. Tutal mag e-exam na kami ng Thursday at Friday kaya ganun. Maalala ko lang, may ipapakiusap nga pala ko sa boyfriend ko.
*kalabit-kalabit

"Bebeloves? Diba magaling ka naman sa acads? Patulong naman oh? " sabay beautiful eyes. Sana naman pumayag kundi baka bagsak ako. Hindi naman ako bobo! May ilang hindi lang ako maintindihan. Sadyang nobodies perfect. Tama ba grammar ko?

"..." ayan kami, balik sa no reply syndrome nya. Haist. Ganun ba ko kaganda para lagi syang speechless? Hirap naman ng ganun.

"Basta mamaya, hihintayin kita sa may convenient store sa labas ah? Turuan mo ko."sabi ko habang hinahatak yung laylayan ng uniform nya.

"At kung hindi kita puntahan?"sabi nya. Nakatitig lang ako sa mata nya, kailangan ko syang iblackmale.

"Sabi mo babawi ka, eto na yun. Basta hihintayin kita. Tutal maaga namang mag papauwi yan e" sinabayan ko nga ng takbo. Mwehehehe, ganun yun para walang angal.

Hindi nga ako nagkamali. Maaga nga kaming pinauwe, nauna na kong lumabas para hindi ako maabutan ng ulan, madilim kasi sa labas. Ayokong magkasakit. Bumili nalang ako ng soft drinks at umupo sa labas. Lumalakas yung ulan. Wala pa naman akong payong. Nabas na din ako. Konting hintay pa lulu. Hehe.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon