Chapter 36 – Until You Came
Hindi ako mapakali dahil sa narinig kong news galing kay dad. Hawak- hawak ko ngayon ang cellphone ko at nagcocontemplate kung tatawagan ko nga ba si Seth o hindi. Pwede namang hindi diba? Tiningnan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Biglang bumalik ang sinabi sa akin ni dad kanina. “I cancelled all my appointments for today. Tell Seth we’re meeting today.” Grabeh! Hindi na mawala sa brain ko ang sinabi niya. Nagrereplay sa brain ko. Hindi ko mapigilan ang mapasinghal.
I looked at the screen of my phone. Napasmile naman ako dahil doon. Ang screensaver at wallpaper ko lang naman ay ang pagmumukha ng pangit kong boyfriend. Faster than the shooting star. Siomai! Bigla kong nabitawan ang cellphone ko. Tumawag lang naman si Seth. Dali-dali ko itong kinuha. Kinakabahan ako. Sasabihin ko ba? O hindi?
[“Good morning, C.”] ang husky ng voice niya. Parang bagong gising lang. Bigla namang naging jelly ang legs ko kaya’t naupo na ako sa kama ko. I sighed.
“C, g-good morning..” nauutal kong sabi. Siomai! Kahit hininga lang niya, eh, nagwawala na ang butterflies sa stomach ko. “B-bakit ka napatawag?”
[“Ayaw mo ba? Namiss lang kita. Saturday eh. Puntahan kita diyan, okay lang?”] Nabigla ako dahil sa sinabi niya. Napatayo tuloy ako.
“A-ah. Namiss din kita pero kasi a-ano.” Siomai! Hindi ko masabi. Ano ba? “K-kasi si d-dad.”
[“Oh! Anong problema sa dad mo? Ayaw niya ba sa akin? Kailangan ko na ba siyang suyuin? Kailangan ba kitang ligawan ulit para lang mapa oo ko na rin ang daddy mo? Hindi ko kasi siya makausap this week. Laging wala diba? Sinubukan kong puntahan sa office niya but his secretary told me that he’s got some important things to do. Sabi mo rin palaging nasa trabaho. Galit ba siya? Alam na ba niya?”] Walang putol na sabi ni Seth. Grabeh naman itong boy friend ko. Effort na kung effort. Pinuntahan pa niya si dad sa office niya.
“A-ah. H-hindi eh. Ummm... Actually,” putol ko tsaka mabilis na sinabing, “gusto ka niyang makausap. Dinner’s at 7 sabi niya.” At binaba ko na ang phone. Sabi ni dad okay lang naman daw sa kaniya na magkaboy friend ako basta’t okay lang ang pag-aaral ko. Ang tanong: Okay lang ba sa kaniya ang boy friend ko?
Tapos na akong kumain ng tanghalian nang narinig ko ang doorbell namin. Pagbukas ko, nandoon lang naman ang gwapong mukha ni Seth. Nabigla ako ng yakapin niya ako. Napaatras ako kaya’t nakapasok na siya sa bahay. He closed the door using his foot at nakayakap pa rin siya sa akin. “C.” He said, his breath was touching my neck kaya’t napayakap na rin ako sa kaniya. Kung hindi ko siya niyakap for support, malamang natumba na ako dahil sa jelly kong legs. Ugh.
“S-Seth. Bakit ka andito?” tanong ko at bumitiw na siya sa pagkakayakap.
“May pupuntahan tayo.” Sabi niya at bigla akong hinigit papunta sa labas. Sinigawan ko nalang si Kara, ang maid namin, na aalis ako. Nagbye nalang din ako kay kuya guard.
“Seth naman eh! Hindi pa ako bihis! Nakajogging pants lang ako tsaka t-shirt na pambahay.” Sabi ko nang nakasakay na kami sa sasakyan niya. Tumawa lang siya at hinalikan ako bigla sa pisngi. Siomai! Seth naman eh! Huwag mo akong biglain ng ganiyan!
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...