BULLIED AGAIN
Seth's POV
Ang tanga tanga ko talaga! Ano bang pumasok sa isip ko at bigla nalang tumabi kay Gwen sa klase? Pwede namang sa mga kaibigan ko nalang, tapos nakita ko naman siyang pumasok sa school tapos ako itong, feeling babalik siya para sa akin under that tree. That Stupid #@$@#% TREE!
Hinagis ko ang bag ko sa sahig at humiga na sa kama ko habang nakapatong ang braso ko sa noo ko. Nakakapagod na araw. Mayroon pa silang bulong bulungan kanina. Mga taksil! Teka, anong nasabi ko? Taksil? Haaay! Buhay nga naman! Tapos, nung lunch, maypa pahid pahid pa ng tissue sa mukha ni Gwen. PDA..!!
Ako naman itong feeling close na sa kaniya, eh bago lang naman kaming magkaibigan. Natatandaan ko nga noon eh kung gaano ka wild iyong babaeng iyon.
-FLASHBACK-
Grade 6
“Akin na iyang bag ko!” Jessie
“Bahala ka!” Richard
“Ano ba! Panget na baliw na unggoy! Akin nga sabi eh!” Jessie
“Hindi! Ayaw!!!” Richard
Tapos, nakita naman ako ni Richard na nakaupo sa gilid.
“Hoi! Seth! Kunin mo to!” Sabi ni Richard sabay hagis ng bag.
“Hoi! Akin na nga iyan!” Jessie
At dahil mataas ako, hindi nalang ako tumakbo kundi, I stretched my arms up upang hindi niya makuha.
Ako :P
Siya: >:(
“Hindi mo iyan makukuha.” Richard
“Che! Ano ba kasi kailangan niyo?” Jessie
“Fun… Hahahaha.”
“HOI!!!!!!” Napatingin kami noong may babaeng sumigaw.
“Bitawan niyo bag ng best friend ko!” sabi nung babae.
“At, sino ka naman?” Richard
“I am your worst nightmare.” Sabi nung babae sabay kuha sa braso ni Richard at kinagat ito, pagkatapos niyang kagatin napa aray naman si Richard at ako eh napatunganga lang. “AT IKAW!” sabi niya at biglang sinipa ang tuhod ko. “ARAY!” sabi ko at napaluhod nalang ako. Kinuha niya ang bag ni Jesse galing sa kamay ko.
“Before we leave, I just want to tell you both that if ever I see you hurting my best friend again, makakatikim kayo ng lupa! Inunudnod ko ang mga pagmumukha niyong parang unggoy diyan sa tinatapakan niyo!” at umalis na silang dalawa.
Bigla namang may dumating na lalaki para tulungan kami.
“Oi, anong nangyari sa inyo?” tanong ng lalake.
“Iyong babaeng iyon!” Richard
“Troy nga pala.” Troy
“Seth.”
“I'm Richard. Salamat. Sino ba iyong babaeng iyon?” sabi ni Richard sabay turo sa babaeng kaaalis lang pero nakikita pa namin.
“Ahhhh! Kasi naman kayo. Si Gwen iyon. Black belter sa taekwondo. Hahaha.” Troy
At dahil kay Jesse at Gwen, nagkakilala kami nila Troy at Richard.
~PRESENT~
Natawa nalang ako sa mga nangyari dati. Grabe! Malay ko bang si Gwen iyon. Hahaha. Kinuha ko ang cellphone ko sa backpack ko at pinaplay ang recorded voice ni Gwen. Haha. Ano bang nangyayari sa akin? Ginawa ko na rin itong ringtone.
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Novela JuvenilPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...