Jealousy Strikes!

173 1 2
                                    

Chapter 18 = Jealousy Strikes!

Seth’s POV

Hinabol ko si Jessie at pinaharap siya sa akin.

“Jessie, please listen. You don’t understand.”

“Yes, Seth! You’re so right! I don’t understand. Hindi ko maintindihan kung bakit mo iyon nagawa kay Gwen! Gwen was so nice to you. She even TRUSTED you!” -Jessie

“I know! Kaya nga I stopped this nonsense dare thing a long time ago.”

“What do you mean?” -Jessie

“It was after she said to me that it was a risk trusting me, and I know about Gwen’s parents. I also know that she has trust issues, pero she chose to trust me kaya sinabi ko kina Richard na ayaw ko na gawin ang dare, ayaw ko na rin kasi ng gulo and besides panatag na ang loob ko noon dahil nandoon na si Alderic para sa kaniya kaso…”

“Kaso?” Tanong ni Jessie. Ano bang sasabihin ko?

“Kaso…”  Takte!

“Kaso, nagseselos ka kay Alderic?” -Jessie

“H-hindi noh!” Bakit niya ba tinatanong ang mga bagay na ito?

“Defensive ka ata masyado, Seth.” -Jessie

SILENCE… Defensive ba iyon? Ahhh, hindi ko kasi alam eh.

“Pero… kung tinapos mo na ang dare, bakit lapit ka pa rin ng lapit kay Gwen?” -Jessie

“H-ha?”

“Bakit ka pa rin nakipag kaibigan kay Gwen?”  -Jessie

“A-ayaw ko kasi ng gulo, baka magalit siya kapag bigla ko nalang hindi pansinin.” Yun lang maisip kong palusot eh. Teka, palusot? Ano ba itong sinasabi ko?

“Really? Diba gulo iyan kapag nalaman ni Gwen ang about sa dare?” tanong niya sa akin. Ano ba talagang plano ng babaeng ito?

“H-hindi naman niya malalaman kung hindi ka m-magsasalita eh!”

“Are you lying? I know you have another reason, Seth.” -Jessie

“N-no! ... O-of course not!”

“Eh, bakit kanina ka pa nauutal?” -Jessie

“FINE! I like Gwen. I feel like I want to protect her and YES! Nagseselos ako nung nagkasama sila ni Alderic! Yun ba ang gusto mong marinig?” Nasabi ko iyon? Umamin ako? Takte itong babaeng ito ah! Napasalita ako ng hindi oras.

“Yun lang ang gusto kong marinig para magbago ang takbo ng utak ko. Hindi ko na sasabihin kay Gwen…” sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag. Ayaw kong mawalan ng tiwala si Gwen sa akin at tsaka g-gusto ko siya. Ano ba ito? Nauutal pa rin ako kahit sa isip lang!

“Talaga? Thanks!!!!!!” tapos yinakap ko siya sa sobrang tuwa.

Then, umupo lang kami dun under ng isang tree in silence, pero hindi yung tree na inuupuan namin ni Gwen… Para lang sa amin yun noh! Walang iba! Special yung place na iyon eh.

Biglang nag flashback sa utak ko ang nangyari noon.

-Flashback-

Hinagis ko ang backpack ko sa sahig pagkapasok ko sa kwarto ko. Binully lang naman si Gwen ng mga babaeng iyon. Ano ba talagang problema nila? Shit. Siguro nagalit sila kay Gwen dahil kinakausap ko siya. Ganun kasi sila kapag may kinakausap akong babaeng hindi kasama sa fan clubs nila. Tss.

Kung layuan ko kaya si Gwen, tutal, nandiyan naman si Alderic eh. Kinuha ko ang phone ko at dinial sina Richard at Troy. Tatanggapin ko ang mga parusa nila basta huwag lang masaktan si Gwen nang dahil sa akin.

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon