Chapter 25 – Don't Settle For Less
Troy’s POV
Naglalakad nanaman ako sa hallway. It’s been a week since that day when I saw Caleb kissing Lila. I don’t know what to do kaya as much as possible, iniwasan ko si Sarah kasi baka maisigaw ko sa kaniya ang lahat ng nakita ko.
“Wait, hahahaha, wait, nakikiliti ako.” Tsk. Who the hell was that? Kung isumbong ko kaya sila sa principal…
“Shhh… Someone might hear us and that someone might be Sarah.” Sabi ng isang lalake na kilalang kilala ko ang boses. Sino pa ba edi yung gagong Caleb na iyon! Walang magawa sa buhay kung hindi makipaghalikan.
“Why are you still with her ba? I thought you’ll break up with her.” Sabi nung babae
“I can’t. Siya nagpapahigh ng grades ko.” Sabi ni Caleb na ikinagalit ko kaya pinuntahan ko na sila. I pulled the girl away from her.
“Sino ka para i-take siya for granted ha!? A girl like her shouldn’t settle for less like you!” sigaw ko
“Aba! Gago ka ah!” tinulak niya ako at hindi ako magpapatalo sa kaniya. Tinulak ko rin siya. Kung pisikalan ang gusto niya, edi gawin niya.
“Ikaw ang gago! Ang babaeng katulad niya ay dapat ginagalang. Mahal ka niya at bakit ikaw pa!? P*ta!” sigaw ko sa kaniya. Akmang susuntukin na niya ako ngunit, nakailag ako at sinuntok ko siya sa mukha.
“Sana matauhan ka diyan.” Sabi ko at umalis na. Nakakainis yung gagong iyon! Ginagamit lang si Sarah para sa assignments? F*ck!
Dumiretso na ako sa cafeteria. Nandun ngayon sina Seth at Richard. Nagkaayos na sina Richard at Shey pero si Seth at Gwen, hindi pa. Galit pa rin si Gwen hanggang ngayon. Inaamin ko, marami kaming panggagagong ginawa noon, pero, noon iyon. Wala kaming inaatrasan ni Richard kahit panliligaw sa mga babae, pero, ako? Bago ko sila ligawan, nililinaw ko sa kanila na dare lang ang lahat. I cheat on this dare game because I know, kung kay Sarah gagawin iyon, magagalit ako.
“Musta na?” tanong ni Seth. Nasa ibang table kaming tatlo habang sina Gwen ay nandun sa dating table ng secret circle. Ngayon, naging broken circle na.
“Ikaw dapat ang tinatanong niyan.” Sagot ko.
“Tsk. Galit pa rin siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Napsubsob nalang si Seth sa table. Ginawa na niya halos lahat gaya ng… … … Si Gwen nalang ang magkukwento sa inyo.
“Kainis naman oh!” Sigaw ni Richard
“Oh! May away rin kayo ni Shey?” tanong ko. As far as I know, wala na.
“Wala!” Sigaw nanaman ni Richard
“Eh ano ang ikinagagalit mo?” tanong ko.
“Eh kasi naman eh! Hindi ko malapitan si Shey!” –Richard
“Psssh! Alangan namang dito siya kumain. Kailangan din ni Gwen ng tutulong sa kaniya, bro.” sabi ko. Kumain nalang kami dun hanggang…
Dumating si Sarah. Ano kayang kailangan nito? Teka! Bakit galit na galit nanaman ‘to?
“How dare you punch Caleb!?” sigaw nito. Sus! Yun lang pala. Yung gagong iyon.
“Gusto mong malaman ang dahilan?” sabi ko ng nakangisi.
“It’s not funny! Don’t smile like that!” –Sarah
“It’s not funny, yes, but it’s gonna hurt you, so, I f I were you, stay away from me and tell your f*cking boyfriend to stay out of my way if he doesn’t want to get punch and be like a baby crying for help.” Sabi ko at tumayo. Aalis na sana ako nang, batuhin niya ako ng sapatos sa likod ko. Lumingon ako sa kaniya, the cafeteria was very quiet. We’re making a scene now, but I don’t care.
![](https://img.wattpad.com/cover/5246903-288-k688386.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...