The Game
Nagising ako sa isang malakas na bagsak ng isang bote. Ugh! Ano ba iyon? "Ugh! Please! Let me sleep!" Sigaw ko ng nakapikit. Kinuha ko ang unan ko at ginamit ito para takpan ang mukha ko at ang tenga ko. Narinig ko nanaman ang pagbagsak sa lupa ng isa nanamang bote. Dalawang basag na bote na ang kailangang ligpitin ng maid ko. Hindi ako umimik. Baka kung hindi ko siya pansinin, kung sino man tong nambubulabog sa araw ko, baka he or she will take the hint at pabayaan akong matulog muna.
"Gwen." Narinig ko ang malakas at galit na boses ni Alderic. I slowly took my pillow off my face. Nakita ko ang galit na galit na mukha ni Alderic. May hawak pa siyang isang bote ng vodka. Tapos, binitawan niya at nakita kong bumagsak ito sa floor ko. It shattered into pieces and I gave Alderic a glare pero napansin kong may iba sa suot niya.
"SHIT!" Nasabi ko habang inaalis ang kumot ko sa body ko. Tumayo ako at saktong may bubog pala. "Aray!" Nakita ko ang dumudugong paa ko. Kasalanan ito ni Alderic eh! Aiiishh! Suddenly, naramdaman ko ang kamay ni Alderic around me.
Tiningnan ko siya at halatang alalang-alala siya. "Gwenny, okay ka lang?" tanong niya. Tumawa lang ako.
"Mukha ba akong okay?" tanong ko na may halong sarcastic tinge sa boses ko. "Late na nga ako sa first day ng school after Christmas break, natusok pa ako ng bubog dala ng alarm effects mo!" sabi ko nalang at dahan-dahang tinanggal ang bubog sa paa ko. Tumayo na ako papunta sa bathroom para hugasan ang paa ko at maligo na. Tiningnan ko saglit ang orasan ko. Late na nga ako.
"Sorry." Sabi niya pero alam kong galit pa siya sa akin dahil sa carelessness ko. "Pero Gwen, it can't go on like this forever." Sabi niya gesturing to the broken bottles. Alam niyang pumunta ako sa bar kagabi at nagdala pa sa bahay ng tatlong bote ng iba't ibang alcoholic drinks.
Hindi ko nalang siya sinagot at dumiretso na sa bathroom. I sighed and undressed. I turned on the shower at nagstay sa ilalim nun. Nang nalaman kong makikita ko si Seth ngayon after the Christmas vacation, nagpakalasing ako kagabi. Alam ko kasing bagong dating lang sila kagabi galing sa Paris. Yes, I cried and cried the whole time simula nung break up namin at ang hirap pa ring isipin na iniwan niya ako but reality kicked in and left me bloody on the street quite literally.
After his break up speech, tumakbo ako papunta sa bahay ko at fuck, dala-dala ko pa pala ang box ng picks niya. Shit picks! Ni hindi ko nakita ang car na papunta sa akin kaya nabitawan ko ang box. I heard it crash before ako nawalan ng malay.
After a day, nagising ako sa hospital at nandoon si Alvar. Yes, si Alvar! Si Alvar na siguro ang pinakamagandang nangyari sa akin during the Christmas vacation. Sabi niya siya ang nakabangga sa akin at grabe ang paghingi niya nag patawad but, I was alright. I was fine. Nothing was injured that much.

BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Fiksi RemajaPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...