Skype

133 0 0
                                    

Chapter 28 - Skype

Gwen’s POV

Nasabi ko na. Nasabi kong pinapatawad ko siya pero hindi ko alam kung magiging tulad ng dati parin… Pero ang alam ko lang, pagsambit ko ng mga salitang iyon, nagsimula na rin ang paghihiganti ko sa kaniya.

“Bestie, mabuti naman at napatawad mo na si Seth. Hindi magandang magtanim ng sama ng loob.” Sabi ni Jessie. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Galing kami sa school. Pagkatapos ko sabihin kay Seth na pinapatawad ko na siya, kumawala ako sa yakap niya at tumakbo kung saan ako mapadpad.

-Flashback-

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ako magpapalinlang sa lalakeng iyon! Hindi!

Nabigla nalang ako nang may humatak sa akin at niyakap ako patalikod. Teka! Sino ito? Bakit ba sobra kung makayakap ang mga tao ngayon? Ugggh! Pilit kong kumawala pero ang higpit talaga ng yakap eh.

“Sino ka ba huh? Bakit ka ba biglang yumayakap!? Alis!” sigaw ko tapos…

“Just this time… Please… Let me hug you… I’ll never ask for this again.” Sabi ng isang boses na kilalang kilala ko na.

“Alvar, bakit? Ano bang problema? May nang-away ba sa iyo? Tara resbakan natin!” sabi ko pero alam ko namang hindi ko iyon magagawa. May hiya pa rin ako noh. Hindi pa rin umimik si Alvar.

“Alvar, baka naman brokenhearted ka… Naku! Ano ba iyan?” tanong ko tapos hinigpitan niya ang yakap. Hindi ako makahinga… Joke, exaggerated ako masyado hahaha.

“Maybe I am really brokenhearted... and the reason why I am broken is this girl I am hugging right now. I hope this is not the last time but basing on what I saw earlier. How Seth hugged her and how she reacted, the fight is already over. I will not go after a person who loves someone else, especially when that boy loves her too. He loves you and you love him…” sabi niya tapos hinarap niya ako sa kaniya. I saw the sadness in his eyes. He’s hurting… because of me?

“But remember this, if I hear any news about him hurting you, I will not stop this fight. I will take you away from him anytime and anywhere. I will not let him touch you again. I will show him that what he took away from his grip is the most precious girl here on this earth.” Sabi ni Alvar kaya napatunganga nalang ako. He looks so serious. He’s really not joking about this. Pagkatapos nun, hinalikan niya ako sa noo at umalis na.

He is gentleman. He is handsome. He will never hurt me. He is sincere. He can be my best friend and my lover at the same time. He is the perfect guy… but… why did my heart beat for someone like Seth?

Tapos, biglang nagplay ang kantang ito… “That’s the way I loved you” by Taylor Swift ... Music day nga pala ngayon... May music sa buong school if ever na may magrequest ng song...

Perfect!

Perfect para sa sitwasyon ko ngayon…

“Kung sino ka mang tao kang nagpaplay ng kantang ito, nananadya ka ba huh?” sabi ko nalang… Tapos…

He is sensible and so incredible 

And all my single friends are jealous 

He says everything I need to hear and it's like 

I couldn't ask for anything better 

He opens up my door and I get into his car 

And he says you look beautiful tonight 

And I feel perfectly fine 

Si Alvar ang dinedescribe ng kantang ito para sa akin… Siya talaga…

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon