The Secret Circle (Ano iyon? TV Show?)

212 1 4
                                    

The Secret Circle (Ano? Iyon? TV Show?)

Nakakakaba naman ito. Ayoko na. Suko na ako. Ayoko na.

“Ma’am, bababa ka po ba?” tanong ni manong driver.

“Ahhh… Wait lang po, kailangan ko pa ng time.” Sabi ko.

Nasa tapat kami ng school ngayon at hindi ako makababa kasi nga bago na ang size ng school uniform na suot ko at ang hairstyle ko, pati na rin ang school shoes ko. Natatakot ako makakuha ng attention. I’m not an attention seeker kasi. Nandiyan pa naman halos lahat ng students kasi nga hindi pa nagsta-start ang klase kaya nagkukwentuhan muna.

KAYA KO ITO!!!

“Manong driver, dito muna ako.”

“Naku, ineng, dapat bumaba ka na at baka ma late ka pa.” Sabi ni manong driver.

Sige, bababa na ako! YeheeeY!

“Ayoko pa manong eh.”

Bababa na talaga ako…

.

.

.

.

.

.

.

“Okay, bababa na ako manong, Thanks!” sabi ko sa driver ko. Kawawa naman siya, naghintay pa.

Eto na… Breathe… Sana makita ko si Jessie kaagad. I opened the door of the car and swoooosh! Fresh air… Breathe in… Breathe out...

I walked towards the gate at pinagtinginan ako. Binaba ko ang  ulo ko pero “Ui! Gwen!” tawag ni Jessie. Bigla naman ako napatingin around me at sakto nga, nakatingin sila lahat sa akin. Ikaw ba naman, makakita ng nerd tapos naging ganito bigla. Haaay!

“Jessie…” sabi ko…

“Halika na!” sabi niya sabay pulupot ng kamay niya sa kamay ko.

“Gwen!!!???” Tawag sa akin ng isang familiar voice. Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses.

“Alderic!” sabi ko.

“Hui, ikaw ba si Gwen?” tanong niya.

“Ah eh, oo…”

“Creation ko iyan.” Jessie

“Wow. Grabe, ang laki ng pinagbago mo. Magpasalamat ka kay Jessie.” Alderic

“Nagpasalamat na.”

“Tara na bestie, Alderic!” Jessie

Naglakad kami papuntang classroom at umupo na sa seats namin.

“Tsk3x. Anong pumasok sa isip mo at bigla kang nagpaganda ha?” Lila

“Baka naman gusto niya tayong tapatan.” Shey

“Hindi mangyayari iyon kasi kahit anong paganda niya, malayo parin ang beauty natin sa beauty niya.” Adriana

Hindi ko na talaga kaya ang pinagsasabi nila. Noon pa nila ako inaasar! Minsan nakakasakit na sila!

“Oo nga noh? Ang layo ng beauty niyo sa akin. In a scale of 1 to 10… 10 being the highest. Nandun kayo sa 5 at ako, nasa 10… Happy na ba kayo?” Sabi ko… WAIT! Sinabi ko ba talaga iyon? Patay! Baka sabunutan nila ako… Siomai.

“Gwen, kalma lang.” Sabi ni Alderic holding my arm dragging me back, naka stand na pala siya. Ngayon, siya na ang nasa harap nung mga palakang babae.

“Can you please leave us alone? Kung maypagka insecure kayo sa best friend ko, huwag niyo nalang ipakita, nagmumukha kayong pathetic.” Sabi ni Alderic… Hehe, Thanks Alderic!

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon