Sundae Sunday Sundate?
Gwen’s POV
Pagkatapos naming nagkausap ng maayos ni papa, sabay naming binisita si mama the next day. Ganoon pa rin siya pero sabi ng mga doctor na bumubuti na ang kalagayan niya. Hindi ko nga alam kung paano nila nasasabi iyon kasi pagpinagmamasdan ko naman si mama, ganoon pa rin siya. Pagkatapos ng pagbisita namin kay mama, nagsimba kami ni papa.
Umuwi na kami sa bahay pagkatapos nun at nagpaalam si papa na pupunta siya sa company. Sinabi niya rin sa akin na bumubuti na ang kalagayan ng company namin simula noong nakipagdeal na ang kompanya nila Seth sa amin. Natuwa naman ako dahil hindi na siya ganoong maste-stress. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at humiga nang biglang may nagtext.
From: Richard
Ui! May sakit si Seth.
Ha!? Bakit naman kaya? Oh no! Naalala ko ang camping at ang nangyari. Yung basang- basang sahig… Hindi maaaring… Ugh! Tama nga ang hinala ko. Siomai naman oh! Sinulong lang naman niya ang ulan. Nag-reply ako kaagad kay Richard.
To: Richard
Nasaan ba iyong siomai na iyon?
Nagtext naman pabalik si Richard.
From: Richard
Nasa bahay nila. Nagpapahinga. Obvious naman diba?
Kahit kalian talaga eh… Napaka-sarcastic nitong Richard na ito eh. Dali- dali kong kinuha ang bag ko. Nagpahatid ako kay kuya driver sa pharmacy at bumili lang ako ng gamot. Dumiretso naman ako sa bahay ni Seth. Ang laki ng bahay niya. Nakakakaba. Baka nandito ang parents niya o si CAROLINE! OMG! Pero sabi ni Seth siya lang nakatira dito sa bahay na ito eh kaya hindi ko nalang inexpect na makikiata ko rito si Caroline. Nandoon kasi ang parents niya at ang kapatid niyang maliit sa ibang bahay nila. Si ate Sarah naman ay nasa America na. Pinapasok naman ako ng maids. Hindi ko naman alam kung bakit madali lang silang nagtiwala sa akin eh, hindi pa naman ako nakakapunta dito.
Tinuro nila kung saan ang kwarto ni Seth at umakyat na ako. Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang malakas na sounds ng isang laro sa play station. Parang familiar eh. Akala ko ba may sakit siya?
“Seth!?” sigaw ko ng malakas para naman marinig niya ako. Biglang tumigil ang sounds at nakita ko si Seth na lumabas galing sa isang kwartong nakaopen na. Bigla naman siyang nagsmile nang makita niya ako at niyakap niya ako kaagad. Huh?
“Anong nangyari sa iyo, huh? Okay ka na ba? Ilang beses ba akong nagtext at tumawag sa iyo, wala ka namang sagot eh.” Sabi niya sabay pout. Hala! Nakalimutan ko palang siyang i-unblock? Siomai! “Pumunta ako kanina sa bahay niyo, wala ka naman.”
“Hehe, sorry. Nakalimutan kong magcheck.” Pagsisinungaling ko nalang. Nakakaguilty. Ayaw ko na kasing makita ang text messages niya noon eh kaya I blocked him nalang. Easy way. “Sabi ni Richard may lagnat ka raw.” I added habang chinecheck ko kung mainit siya. Bigla naman siyang na tense.
![](https://img.wattpad.com/cover/5246903-288-k688386.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Novela JuvenilPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...