"I am just too close to love you"

188 2 0
                                    

Chapter 14 – “I am Just Too Close To Love You”

Gwen’s POV

BORING.

Yun ang madedescribe ko sa mga nangyari these past few days. Bakit? Kasi……. Nakakainis na si Mr. Sung eh. Tinuro ko na lahat ng babaeng papasa sa listahan ng mga type niya pero ganun parin. WALA Paring napili. Gusto niyo ng sample?

-SAMPLE (Flashback)-

“Ui, siya, maganda oh!” sabi ko sabay turo dun sa babaeng naka cheerleader uniform. Ang ganda kaya niya! Pwede siya!

“Too skinny.” Alvar

“Eh… AYUN!” turo ko kay tall girl na naka skirt with white long sleeve top.

“Too tall.” Alvar

“Yun!” turo ko nanaman sa another girl na maganda… As in sobrang ganda.

“Too ...” Alvar

“Too what!?” Sigaw ko kasi naiinis na ako.

“Too pretty.”

Siomai naman oh! Siomai!? Gutom na ako… Ano ba talaga ang gusto niya? Ayaw niya ng maganda? Bakla ba ito? Sayang! Gwapo pa naman.

“Hoi, Mr. Sung, ano ba talaga type mo?”

“Mr. Sung?” Alvar

“Ahh… Ehh… Wala…” sabi ko tapos nag smile.

Mr. Sung = Mr. Sungit = ALVAR

-End of Sample-

Tingnan niyo na? Ayaw talaga niya sa lahat ng ituturo ko. Simula pa nung Tuesday hanggang ngayon, eh Friday na kaya. Sometimes nga, napapaisip ako na baka gusto lang niya talaga ako kasama ng matagal hahahha. Feelingera ko naman hahaha.

Eto ako ngayon naglalakad papuntang school, dala-dala ko ang mga gamit ko para sa performance namin mamaya. Grabeh. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nerbiyos! Layuan mo ako! Baka mahimatay pa ako sa stage.

Nakarating na ako safely dito sa school ngayon. Wala pa masyadong tao. Umupo muna ako dun under the tree kung saan ako palaging nakaupo. I checked my things. Andito naman lahat.

“Oi!” AY PALAKA! Sino ba ito at nanggugulat. Pagtingin ko, ay! Si Evan lang pala.

“BAKIT KA NANGGUGULAT!?” sigaw ko sa kaniya.

“Eto naman hahaha pero bigla ka yatang nagsisigaw na. Noon, ang tahitahimik mo. Hahaha.” Sabi niya. Hindi naman siya masyadong Masaya nuh?

“Eh kasi, NANGGUGULAT KA!” sigaw ko nanaman sa kaniya kaya napatakip nalang siya sa ears niya… Hahahahahha.

“Handa ka na ba mamaya? Sa performance natin?” Evan

“Ewan ko nga eh. Nakakakaba. Paano ba ito mawala?”

“Haha, ganiyan rin naramdaman ko dati, nung first time ko pa mag perform sa music day. Ang ginawa ko lang ay tinry kong ienjoy at inisip ko lang na ako lang ang tao dun sa auditorium haha. Close your eyes nalang kung kinakabahan ka masyado.” Evan

“S-sige. Try ko. Kaya ko ito!” tapos nagtawanan kami. Parang Masaya ata itong lalakeng ito ngayon.

“Hui, Masaya ka ata.”

“Ah, kasi makikita ko na rin  siya.” Evan… Who is SIYA?

“Sinong siya?”

“(He smiled) Si Karen.” Sab ni Evan… Grabeh… lumalablayp na rin pala ito. Sabagay, ako lang walang love life eh hahahaha.

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon