Mr. Harris
Gwen’s POV
“Dun tayo!” sigaw ko as I grabbed him and dragged him papunta sa may isang maliit na swimming pool dito sa park. May mga malalaking bola kung saan pwede kang pumasok tsaka magfloat sa tubig. Parang hamster ka lang na nasa loob ng balloon hehe. Balloon talaga tawag eh noh! Hihi!
“C! Ayoko diyan!” sabi niya sabay pout. Arte-arte eh! Bakit naman ayaw niya? Ang cute kaya tsaka gusto ko i-try. Nakakabad trip naman tong kasama ko eh. Ang daming arte.
“Kung ayaw mo, eh di ako nalang.” Sabi ko at akmang aalis. Pinigilan niya naman ako. Alam ko namang gagawin niya iyon. “Oh, ano? Gusto mo ng pumunta doon?” tanong ko sa kaniya pero ganoon pa rin ang mukha niya. Parang ayaw pa rin.
“Ah, eh. Ayoko C.” sabi niya sabay tingin sa likod ko. Ano kaya ang tinitingnan niya? Titingin sana ako pero, “Huwag kang titingin! Panget lang makikita mo.” Sabi niya tsaka niya ako dinala papunta sa sasakyan niya. Kung sabagay, kanina pa naman kami nandito eh. Nasakayan na siguro namin ang lahat ng mga rides dito eh. Mayroon din kasing peryahan dito. Malapit lang sa park. “Punta na tayo sa tatay mo.” Sabi niya at bigla naman akong kinabahan. Hala!
Seth’s POV
“H-huh? Hindi ko kasi alam kung nandoon ba siya sa bahay namin eh.” Sabi ni Gwen. Halata namang kinakabahan lang siyang mameet ko ang papa niya eh. Takte! Kinakabahan din ako noh pero kung liligawan ko talaga siya, kailangan ko ring respetuhin ang pamilya niya. Dapat malaman nila ito. Takte naman oh! Kailan pa ba ako natutong rumespeto?
“Okay lang, maghihintay nalang ako kung wala pa siya sa bahay niyo.” Sabi ko. Ang plano ko noong una, dito lang kami ni Gwen hanggang 5p.m. pero nakita ko iyong karibal ko. Yung Alvar na panget, nakita ko! Mabuti nalang hindi siya nakita ni Gwen kanina. Haaay! Nice one!
“Bakit ka naman nakasmile diyan?” tanong niya sa akin. I smiled wider. Hehe.
“Kasi kasama kita eh.” Boom! Hindi ka pa kaya kiligin diyan Gwen? Ang cute mo pagkinikilig ka eh! Haha! Tiningnan ko siya at sakto! Namumula ang pisngi niya. Haaay! “Ngiti naman diyan oh?” haha! Ang ganda kasi niya kapag ngumingiti eh! Takte! In love nga talaga ako. Akalain mo iyon? Ma-iin love pa ako?
“Tumigil ka! Tara na nga!” pagmamaldita niya pero halata namang kinilig. Haha! Napansin ko namang napangiti siya. Ang sarap talaga ng araw ko kapag kasama ko siya lalo na kung nakikita ko siyang ngumingiti dahil sa akin.
Ilang minuto lang, dumating na kami sa bahay nila Gwen. Kinabahan naman ako bigla. Takte! Sana hindi ko nalang ito ginawa eh. Baka magalit pa ang papa ni Gwen. Takte! Nakakakaba pala noh?
“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Gwen tsaka siya nagsmile. Ano kayang nasa isip nitong babaeng toh. “Haha! Pinagpapawisan ka yata eh ang lamig naman dito sa kotse mo haha!” sige! Ako na nga ang kinakabahan eh! Ganiyan ka pa! Pagtawanan mo lang ang future boyfriend mo. Magsisisi kang pinagtawanan mo ako. Haha! Joke lang naman.
“Ang sama mo naman C.” I mumbled tapos lumabas na siya. Pagbubuksan ko sana siya ng pinto eh. Naunahan pa ako… Takte! “Ang sama mo sa akin pero mahal naman kita.” Kung narinig niya lang iyan. Kikiligin na iyon. Bumaba na ako at nakita ko naman siya sa labas ng pintuan nila. Biglang naging worried yung expression ng mukha niya. Bakit kaya? Ganiyan ba kabangis ang tatay niya at dapat talagang maging worried siya? Parang mas lalo akong kinabahan ah.
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...
