Cookies and Cream

176 2 4
                                        

Chapter 16 = Cookies and Cream

Wow. Nakasakay ako sa isang cookie habang nasa cream ang cookie parang river lang ang cream. Hehehehe. Kumakanta ako ngayon ng:

Row, row, row your boat gently down the stream nang biglang tumigil ang sinasakyan kong cookie.Ay! May land na pala. Napatingin ako sa baba, may mga steps dun, cookies ang mga steps… Ang kyuuuuut! Tapos, biglang may shadow. “I am the cream that will complete your day.” Sabi nung lalakeng nagmamay-ari yata sa shadow pero pag-angat ko…

“HOY! Gwen! Gumising ka na!” AY! Sino toh!? Kitang natutulog ako eh, WAIT! Dream lang lahat!? Walang land of cookies and cream? Huhuhuuhuhuhu.

“Hmmm.” Sabi ko kasi sobrang antok ko pa.

“HOI!” Sino kaya ito? Kung hindi dahil sa kaniya, nakita ko pa sana yung guy na kokompleto daw sa araw ko.

“CHE!” sabi ko

“Hoi!” Tapos tinulak niya ako away from the bed, dahilan ng pagkahulog ko sa floor.

“Ouch!” sabi ko habang hinihimas-himas ang likuran ko.

“Kasi kanina pa ginigising eh.” Teka! Si Jessie yun ah. Siya pala yung kanina pa panay ang tawag sa akin. Hindi ako tumingin sa kaniya, nagunat- unat muna ako nang may nakita akong shadow sa sahig. Parang Déjà vu lang ito ah. Pag-angat ko ng ulo ko para tingnan ang may-ari ng shadow, nakita ko si Seth. Wait! Seth? Sa kwarto ko?

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” Sigaw ko.

“Hui Bakit?” –Seth

“Bakit ka nandito?” tanong ko habang humihiga ako ulit sa kama while kinukuha ko ang kumot ko para itakip sa sarili ko kasi naman naka nightgown pa ako kasi kagabi while finding clothes para isuot pantulog, wala akong makita. Hindi pa pala sila natatapos sa paglalaba. Gosh! Above the knee kaya ang nightgown ko… Huhuhuhu, tsaka, sleeveless.

“Tinutulungan itong si Jessie gisingin ka.” Sabi ni Seth sabay turo kay Jessie. Pagtingin ko kay Jessie, naka smile lang siya, tapos, may napansin ako, wait ha.

Processing…

Processing…

Processing…

HALA! Bakit lahat ng members ng “The Secret Circle” nandito? Napatingin ako sa kanila, isa-isa. Wait! Kasama nila si Shey!!!!!!!????????

What!!!???? End of the world na ba?

“Hoi! Bumangon ka na kasi may lakad tayo ngayon.” Sabi ni Evan

“Oo nga, tagal mo talagang gisingin kahit kalian.” Sabi naman ni Jessie

“Kung hindi school day, matagal talaga iyang gisingin.” Sabi naman ni Alderic

Che! Kaya ayun! Tumayo na ako at pumunta sa comfort room pero before ako makapasok.

“Gwen, hindi mo pala sinabi na nagsusuot ka ng ganiyan.” Sabi ni Richard. Oh My Siomai! Oo nga pala. Napatingin ako sa kanila. Binatukan naman siya si Shey! Mayroong something fishy sa kanila. Swear! Wait! Oo nga pala. Tumakbo ako papuntang C.R. tsaka naligo na.

Natapos narin ako sa pagbibihis at pinuntahan na sila sa sala.

“Anong meron? Bakit kailangan natin maggala ngayon?” tanong ko sa kanila

“Kasi kailangan natin I-welcome si Shey sa group natin!” Masiglang sabi ni Jessie

“Ahhh.” Sabi ko nalang. Wala naman akong hatred kay Shey eh.

Tapos umalis na kami at sumakay kami sa isang van. Kila Evan ang van na ito. Nakarating na kami sa mall tsaka ang una naming pinuntahan ay ARCADE!!! Ang saya-saya. Bumili na kami ng card at nagswipe na sa mga lalaruin namin.

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon