Chapter 26 – It still can’t change the fact that his love for me started with a damn dare…
Gwen’s POV
Aishhhhhh! Nakakainis! Nakakainis na talaga ang panget na Seth na iyon! Ayoko na sa kaniya eh! Bakit kasi!!!! Bakit??? Aissshhhh! Mamatay na sana siya kakatext diyan! Pinupuno niya inbox ko! Aissssh!
Kasi naman po mga people, puno na ang inbox ko ng mga quotes about not giving up. Nagpaparinig iyong mokong sa akin. Pake ko ba! Kasi… Kasi…
FLASHBACK
Umuwi na ako sa bahay after nung nakatulog ako sa shoulder ni Alvar…. Nakakahiya kasi pagmulat ko sa mga mata ko… Nandun na ako sa kwarto niya. Tapos, siya pinagmamasdan ako… WEIRD kaya sa feeling… Parang… Ewan basta!
So, ayun nga, umuwi na nga ako…
“Ai! Kayo po pala ma’am Gwen.” –kuya guard
“Kuya! Ilang beses naba natin napagusapan iyang ma’am mo. Huwag mo ako matawag tawag na ma’am. Para akong old lady eh. Tsaka, Gwen nalang po. Tsss…” Sabi ko habang papasok sa gate.
“Ay! Ms. Gwen! May lalake po kanina. Hinintay po kayo sa labas ng gate. Ang tagal nga naghintay nun eh. Pursigido… Hahaha…” –kuya guard
“Pabayaan niyo po siya kuya. Wala akong pakealam sa kaniya.”
“Eh Ms. Gwen. Nakatulog pa nga eh. Tapos, nilalamig na pero ayaw parin umalis.” –kuya guard
“Ano!? Eh tanga pala siya eh! Kung magkasakit siya run! Aisssh!”
“Wala raw pakealam.” –kuya guard
“Aba at!!! Wala nga po! Tss. Papasok na po ako sa loob.” Sabi ko tapos nagmadaling pumasok sa loob. Nakita ko kasi ang kotse ni papa sa garage. Nandito na iyon. Mapapagalitan ako kapag hindi ako nakauwi ng maaga. Tsk.
“Asan ka nanggaling?” Haay! Eto nanaman po tayo. Si papa iyan.
“Galing po ako C.R. isn’t it clear? Galing ako sa labas.” Sagot ko
“Hoi! Huwag mo akong pilosopohin bata ka!” –papa
“Tss… Galing ako sa bahay ng kaibigan ko. Wala naman po kayong pakealam diba? Bakit hindi iyong kabet niyo ang pakealaman niyo?” Sabi ko… pero, hindi ko sinasadya iyon kasi bad mood na nga ako, papalalain pa niya. Aish!
“Gwen! Tama na nga iyan! Ilang beses ko na bang nasabi sa iyo na-“ sabi ni papa ngunit hindi ko na siya pinatapos.
“Sorry dad, pero, I’m tired. I’m tired. Please, just let me sleep.” Sabi ko tapos, pinagmasdan niya ang mukha ko.
“Bakit namumugto iyang mata mo? May nagpaiyak ba sa iyo?” tanong niya. So, ngayon lang niya napansin.
“Wala kang pakealam.” Sagot ko at aktong aakyat na sa stairs pero pinigilan ako ni dad.
“Ano nanaman ba?” irita kong tanong.
“Lalake iyan noh?” tanong niya.
“Uggh! Dad! Please let me go. I’m tired.”
“Tired? Tired of crying? Who made you cry? I’ll kill him!” –papa
“You’ll kill him? Kung nalaman mo ba kung sinong nagpaiyak kay mommy, papatayin mo ba ang sarili mo? That’s what I hate about you boys. Puro lang kayo salita! Salita na wala namang nagagawa! Please lang! Tigilan niyo na ako! Kaya ko nga iniwas ang sarili ko pesteng pag-ibig na iyan eh! Pero anong nagawa? Nahulog parin ako sa bitag niya! Tapos, ngayon *hik iiyak- iyak ako? Tanga kasi ako eh! Tanga kasi kami ni mommy! *hik Pero tandaan mo ito dad! Hindi na ako ulit papauto sa pag-ibig na iyan! Walang kwenta iyan! Hindi ako mabubuhay sa pag-ibig na iyan!” sigaw ko habang tumutulo ang luha ko. Nakita ko namang nagulat si papa pero wala akong pakealam. Ang sakit ng puso ko! Inaamin ko! Mabilis akong nahulog sa kaniya pero, ganun eh! Nagmahal ako! Kaya iiiwas ko na ang sarili ko diyan. Masasaktan lang ako.
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...
