Mr. Sung's comeback (Confused)

35 0 2
                                    

Mr. Sung’s comeback

Sana hindi ko nalang nakita si Mr. Sung kanina! Nakakainis na Mr. Sung na iyon! Mr. Sung aka Alvar. Pssssh!  Alam mo bang pagkatapos niya akong yakapin, pagkatapos niyang sabihin sa akin na kukunin niya ako kay  Seth kung papaiyakin nanaman ako ni Seth, makikita ko lang siya na may kalandiang iba? It’s not that nagseselos ako. Pride eh… May pride pa rin ako noh! Ano iyon? Sasabihin niya lang sa akin tapos, the next day, nakalimutan na niya? Pssssh!

(Eh, ano namang gusto mo? Magpakatanga siya sa iyo?) Tanong sa akin ng good side ko.

(Eh, gusto mo bang maagaw siya ng iba?) Tanong naman ni evil side.

Hala! Anong maagaw ng iba? Siomai! Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Hindi ko na kasi maintindihan eh.

(Sino ba talaga gusto mo? Si Seth o si Alvar?) Tanong sa akin ng dalawa.

“Wala!” Pagkasabi ko nun. Napatingin sa akin ang lahat ng classmates ko. Siomai! Bakit ko iyon sinabi? Nakakahiya eh! Alam kong nakatingin na rin ngayon si Seth at Alvar sa akin. Hindi ko nga alam kung kanino ako mas nahihiya eh. Bakit ba ang landi ko na? Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko eh.

“Yes, Ms. Harris? May problema ba?” tanong ni Mr. Rabaya. Gusto ko sabihing “oo.” pero nakakahiya naman ata kung sasabihin ko pa iyon.

“Wala po.” Sabi ko. Tsk. Nakakahiya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko eh. Nagagalit ako kapag may kasamang iba si Seth pero naiinis din ako kapag may kalandiang iba si Alvar. Kanina kasi nakita ko siyang nakikipagflirt kasama ni Adriana. Sa lahat pa talaga ng tao ha, si Adriana pa. Kasama siya sa mga taong nambully sa akin noon. Hmmmppph!!!

Kring!

 

Ay! Lunch time na pala. Sige ate! Lutang kasi isip mo eh! Hindi pa ako nakapagfocus sa lecture kanina. Tumayo ako pero hinawakan ni Seth ang kamay ko. Bigla akong may naramdaman na sudden electricity. A-ano b-ba ito? Bakit kahit sa isip ko, nauutal ako? Siomai!

“May problema ka ba?” tanong niya. Oo, Seth. Ikaw lang naman ang problema ko. Hindi. Si Alvar pala. Hindi. Ikaw. Ay! Sino nga ba?

“W-wala.” Sabi ko nalang tsaka pumunta na ako kay Jessie na kasama si Alderic. Dun muna ako sa kanila. Mas masaya pa.

.

.

Joke lang pala… Sa sobrang ka sweetan nila, napasuka nga ako eh. Ew. Joke lang. Si Seth naman, kasama si Troy at Richard parang may pinag-uusapang napakaimportante.

“Naaalala mo pa ba ang mission mo?” tanong sa akin ni… Aish! Walang iba kung hindi si Alvar. Bigla akong nakaramdam ng inis. Che! Doon na siya sa iba niyang girls. :P

“Are you going to ignore me?” Really? Hindi pa ba obvious, kuya? Hmmmppph! “May kasalanan ba ako? Why are you acting like this?” Teka! May kasalanan ba siya? Wala naman diba? Eh, bakit ako nagkakaganito?

“Wala. Bad mood lang. What’s with the mission?” tanong ko para maiba ang topic. Nakahanap na kaya siya ng iba? Si Adriana kaya? Nakalimutan na kaya niya ako? Sapat na ba yung mga araw na hindi niya ako nakita para makamove on siya? Aish! Ang dami ko namang questions… Pero, baka… baka kalimutan nalang niya ako at kung anong mayroon sa amin…yung friendship namin. Baka bigla nalang akong maging nothing sa buhay niya.

“Kasi… sabi ni dad na dalhin daw kita sa bahay ko later. You’re my girlfriend in front of his eyes, remember?” sabi niya. Ah… oo nga pala. Siomai! Nakalimutan ko naman! Ang bad kong friend.

“Sige, Alvar. I-text mo nalang sa akin kung anong oras.” Sabi ko. Nagsmile naman siya sa akin. Isang malungkot na smile.

“I’ll text you when to go to the parking lot.” Sabi niya at umalis na pero before siyang makaalis, nakaramdam ako bigla ng lungkot. Paano kaya kung ikaw ang nagustuhan ko? Teka, hindi nga ba ikaw? Aish! Bakit ba parang nalilito ako ngayon. Diba gusto ko si Seth? Pero parang may naramdaman ako bigla nung nakita ko si Alvar na may kasamang iba.

Pumunta na ako sa table namin ng secret circle pero pagdating ko, wala ang boys. Haay! Hindi ko makikita si Seth :( Ang sad naman. T.T

“Hoi, bakit ganiyan ang mukha mo? Parang ang dami mong problema.” Sabi sa akin ni Jessie. Nako! Kung alam mo lang. Umupo nalang ako sa tabi niya. Nasa harap ko naman si Shey kumakain ng fries. Naghesitate pa akong sabihin noong una pero napagdesisyunan ko nalang manghingi ng advice.

“Kasi… ano eh… Paano mo nalalaman kung sino ang mas gusto mo sa dalawang tao?” tanong ko sa kanila. Napatigil naman si Shey sa pagkain niya tsaka yung eyebrows ni Jessie napaangat. “K-kasi… hindi ko maintindihan yung sarili ko eh.” I added. Bigla namang naging seryoso si Shey tsaka siya huminga ng malalim.

“Mahirap iyan, Gwen pero ikaw lang ang makakasagot niyan.” Kumain muna siya ng fries before siya nagsalita ulit. “Ito ang itanong mo sa sarili mo: Gusto mo ba talaga siya dahil masaya ka kapag kasama mo siya? Gusto mo ba talaga siya dahil sa tingin mo napakagaan ng pakiramdam mo sa kaniya? Gusto mo ba talaga siya dahil feeling mo napapabuti ka niya O feeling mo lang gusto mo siya dahil lang ayaw mong iwanan ka niya? Na gusto mong may naghihintay sa iyo kung sakaling, mali ang pinili mo?” napaisip ako bigla. “Gwen, sometimes we think we like a person just because we don’t want them to leave pero sometimes, yung feeling na iyon, epekto lang ng once pagiging lonely natin. Ayaw nating malayo sa kanila dahil takot tayong baka makalimutan nila tayo. It’s very evident for people like you, Gwen. Yung minsang nakaranas ng sakit at pag-iisa. Sometimes, we think we like two people at the same time para kung nasaktan tayo sa isa, there's another one waiting there.” Napaisip ako bigla…

Sino nga bang nagpapasaya sa akin?

Sino nga ba ang mas matimbang?

Sino nga ba talaga ang gusto ko at sino nga ba talaga ang pinapaasa ko lang?

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon