Tanga... Bulag... Manhid

177 2 1
                                    

Chapter 15 = Tanga... Bulag... Manhid...

Richard’s POV

“Richard, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Shey pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko na rin alam kung saan kami papunta ngayon.

Galit na galit ako kanina. Kung ako nga, natanggap ko si Shey, bakit sila? Hindi ba nila matanggap iyon? Mga packing sheeeet of paper nga naman sila oh! Sino nga bang sasaya kapag sinabihan ka ng bitch? Tsaka user? Sila ang bitch!

Ang alam ko lang ngayon, kailangan kong protektahan si SHEY…

“Richard! Ano ba!?” kumalas siya sa paghawak ko. Tiningnan ko siya. Sariwa pa ang mga luha niya. Ayaw kong umiiyak siya because it hurts me me too. Doble-doble pa ang sakit. Tumigil na kami sa paglalakad. Nandito na pala kami sa labas, specifically, sa school park.

“Richard! Why did you do that to them!? Alam mo bang mas lalo silang magagalit sa akin dahil sa sinabi mo?” –Shey

“Tanga ka ba? Hindi ka na nga tinanggap, kinakampihan mo pa rin sila!” sigaw ko sa kaniya. Nakakainis eh! Hindi ba niya alam na wala silang pakealam sa kaniya?

“Bakit mo ba ito ginagawa? You don’t even have to care for me because I know, your heart is as hard as a stone! Kaya mo iyon nagawa! Kaya mo ako hiniwalayan! Tapos, tutulungan mo ako? Ano ba talagang balak mo!?” –Shey

No! No , Shey! My heart is not a stone. Kung alam mo lang kung paano mo ito pinalambot.

“TANGA KA BA TALAGA? BULAG? NAG-BUBULAGBULAGAN? O SADYANG MANHID KA LANG!? HINDI MO BA ALAM NA-“ Mahal kita… Hindi ko nasabi iyon kasi may babaeng biglang humila sa akin at tsaka hinalikan ako, Fvck! Sino ba ito? agad ko naman siyang inilayo. Takte! Casanova nga pala ako!

“Sino ka ba!?” eh sa hindi ko talaga siya kilala eh. PANIRA NG MOMENT!

“Baby, don’t you remember me?” Sh!t… panira ng moment! Pakamatay ka na please? Tapos parang sineseduce niya ako sa tingin niya pero hindi ako madadala kasi si Shey lang ang makakaseduce sa akin.

(Author: Bumabanat! Sa ganitong sitwasyon!?)

“I don’t! Kaya pwede, umalis ka na?” Paglingon ko, wala na siya. Wala na si Shey. Umalis na.

Pero, I think I know where she is right now.

Shey’s POV

I hate you! I hate you talaga! I hate you, Richard! Grabe ka! Harap-harapan talaga! Tumakbo akong umiiyak papuntang rooftop.

“Ui, diba si shey iyon?” Impakta #1

“Alam mo ba, she’s poor daw.” Impakta #2

“Ha? Really?” Impakta #1

“Yup! And she’s only using Adriana, Kayla, and Lila daw.” Impakta #2

“Grabe girl! The nerve!” Impakta #1

Mga leche! Hindi ko na napigilan. Umiyak na talaga ako, I mean humagulgol. Finally, nakarating na rin ako sa rooftop. Ibubuhos ko rito lahat ng galit ko.

“NAKAKAINIS KA! BWISIT KA RICHARD! SA LAHAT NG MASASAMANG NANGYARI SA AKIN! IKAW ANG PINAKAMASAMA!” sigaw ko. Hindi ko na mapigilan eh.

“Tumigil ka, pwede? Ang ingay ingay mo!” Ay! May tao! Pagtingin ko.

“A-alvar?”

“Pshh… Huwag ka masyadong mag-ingay. Natutulog ako.” –Alvar

“Ummm… Okayy…” sabi ko pero gusto ko talagang sumigaw. Pake ko ba sa kaniya! Matulog siya sa ibang place! I don’t really care kung dahil sa pagsigaw ko, ay pwede niya na akong ihulog dito!

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon