Richard’s ex and the transferee
Richard’s POV
Haaay! First time ko ‘tong magka-POV kaya lulubus-lubusin ko na ito. Ako si Richard Mendez, ang playboy/Casanova/heartbreaker ng school. Marami silang tawag sa akin. Pake ko ba sa kanila. Wala talaga akong sineseryoso na babae sa buong buhay ko… pero joke lang… Sa totoo lang, mayroon. Siya lang ang nakapagpalambot sa puso kong bato… Nagiging cheesy ata ako kasi nga naman ganun ang nagagawa ng pagmamahal.
Pero bago ko siya ikuwento sa inyo, a brief story about my life muna. Hiwalay ang parents ko kasi hindi na raw nila mahal ang isa’t isa, long story na yung about sa parents ko pero weird eh, naghiwalay kasi hindi na nila mahal ang isa’t isa? Biglaan kasi.
May kapatid akong babae, si Trisha. Magkahiwalay kami kasi sumama siya kay mama at ako sumama kay dad. Ikakasal na sana si dad sa ibang babae nung mag fifirst year ako kaya natuwa na rin ako sa kaniya pero isang araw, dumating ako sa bahay namin. Nagpapakalasing na siya at isa lang ang sinabi niya sa akin, “Sawa na ako sa mga babae. Pare-pareho lang sila. Huwag kang magpapaloko sa kanila.” Kaya simula nun, hindi na ako nag seryoso ng mga babae. Hindi natuloy ang kasal ni dad kasi ginamit lang siya ng babae para sa pera…
About naman dun sa babaeng minahal ko…
3rd year na kami nun at nakita kong may bagong babae nanaman sa campus. Ang pangalan niya ay Shey. Wala pa siyang kaibigan nun at napaka loner. Niligawan ko siya kasi I find her interesting. Winarningan naman siya ng mga ex ko na huwag daw makipagrelasyon sa akin because I will break her heart daw. Pake ko ba! Ganun ang gawain ko. Naging kami pero may nalaman ako sa kaniya na sa akin lang niya sinabi. She’s a scholar sa school namin. Hindi siya ganun kayaman pero she kept it a secret.
Hihiwalayan ko na sana siya nung isang araw pero she dragged me para mag date daw kami. Sumama naman ako. She even made me eat foods like kwek-kwek, fishball, at tempura…for short, Street foods… Napasaya niya ako sa araw na yun. Dinala niya rin ako sa isang place na kami lang. She told me to scream at the top of my lungs. I did it and it felt good. Tinawanan niya lang ako at sinabing, “Alam ko kasing may problema ka, I can see it in your eyes. Ilabas mo lang.” Tinitigan ko siya nun at nawala ang gana kong makipag break sa kaniya.
Lumipas ang mga araw na naging okay na kami pero naguguluhan na ako. Ayaw ko kasing magmahal kasi alam ko sa huli, masasaktan lang naman ako kaya hindi ko na hinintay na mahulog pa ako sa kaniya. I broke up with her. Umiyak siya nun. Naging kaibigan niya rin ang mga ex ko. Sila Lila, Kayla, at Adriana. Naging bully rin siya katulad nila and one sa mga binubully nila ng grabe ay si Gwen kaya naman nagawa kong i-dare si Seth na ligawan si Gwen para naman magkaroon siya ng magtatanggol sa kaniya laban kina Shey at hindi ako nagkamali. Seth protected Gwen.
I did not do that because I like Gwen or something. Ginawa ko ito para kay Shey, para naman malaman niya na mali ang ginagawa nila kay Gwen at sa iba pa nilang binu-bully. Gusto kong ibalik ang Shey na nakilala ko. Ang Shey na masayahin at mabait. Ang Shey na marunong magmahal. I don’t want her to be like me. I don’t want her to hurt someone else because of a sad past. Katulad ng ginagawa ko.
Mahal ko parin siya hanggang ngayon and I kept her secret for a long time kaya naman nagulat ako nung nalaman ni Jessie ang tungkol sa scholarship ni Shey. Nung after classes nun, sinabihan ko lang ang “secret circle” na umuna lang ng paguwi kasi may pupuntahan ako. May pupuntahan din daw si Gwen kaya ayun pinuntahan ko si Shey kasi alam kong tinutulungan niya ang mga teachers. Nakita ko siya sa hallway. Kami nalang nun. Nung nakita niya ako, she stared at me pero umiwas siya ng tingin. She was going to walk pass me pero pinigalan ko siya at hinawakan ko ang braso niya.
“Shey, we need to talk.” Sabi ko
“What do you want to talk about?” Shey
“Nalaman nila ang about sa scholarship.”
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...