Not A Bad Thing
Pagkatapos ng lunch time, lutang pa rin ang isip ko. Grabe and impact ng mga sinabi sa akin ni Shey. Parang alam ko na ang ibig sabihin ng mga nararamdaman ko pero grabe lang. Kailangan ko pa ng confirmation. (ikaw na ate!) Pumunta ako sa next subject namin at parang nanlumo ako nang nakita kong wala si Seth. Bakit wala siya? Wala rin si Troy and Richard. Nagcutting ba sila? Eh, akala ko pa naman gusto akong lamangan ni Seth when it comes to our grades. Parang wala naman siyang ginagawa eh… teka! Oo nga pala. Mabilis lang siyang maka memorize at makagets ng mga lessons. Ang daya! Ako? Kailangan ko pang balik balikan ang mga lessons para lang ma understand ko by heart.
Pumasok na si Ms. Veronica pero wala pa rin sina Seth, Troy at Richard. Talagang hindi sila darating sa class huh? Minus points siya sa akin kapag nalaman ko talagang nagcutting siya pero… As if on cue, dumating silang tatlo na hingal na hingal. Nagsorry sila kay ma’am sa pagiging late tapos umupo na si Seth sa tabi ko. Tatanungin ko sana siya kung saan siya nanggaling pero… Siomai! Kinindatan ako ng mokong. Ang gwapo pa niya. He’s sweating tapos ang hot pa niya sa disheveled hair niya. Ugh! Ano ba itong naiisip ko? Nakakahiya naman. Kumuha ako ng face towel sa bag ko tsaka ko binigay sa kaniya. Hindi ko pa naman ginamit iyon.
“Oh! Mabuti pang magpunas ka diyan.” Inabot ko sa kaniya ang face towel. “Nakakadistract eh.” Dagdag ko pa pero mahina lang yung boses ko hihi.
“Ahhhhh… Nakakadistract pala?” tanong niya. Haha! Alam niya pala eh. Wait… Teka… teka… Nanlaki bigla ang mga mata ko. Narinig niya iyon? “Haha! Grabe Gwen. Pinagnanasaan mo ba ako?” Feelingero! Pero Siomai naman! Narinig niya yun? Nakakahiya! Ugh!
“Mali ka ng dinig.” Sabi ko nalang tsaka tinuon ko nalang ang pansin ko sa teacher namin. After how many hours of discussion, biglang nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito ng patago at nakita kong nagtext si Alvar. 6p.m. sa parking lot. Okay.
“Gwen, sa photo journalism ka ba sasali?” bulong ni Seth. Siomai! Bakit ang lapit lapit niya? Hindi tuloy ako nakasagot agad.
“Uh, oo. Of course.” Sabi ko at lumayo ng konti. Konti lang naman. “Ikaw?” tanong ko rin sa kaniya. Malapit na kasi ang School Level Press Conference namin kaya kailangan na namin pumili ng category.
“Sa sports writing eh. Sayang, hindi kita makakasama bukas. Nagsad face siya. Haha! Ang kyot! “Dibale, makakasama naman kita mamaya eh.” Sabi niya pero hindi ko naman naintindihan.
“Huh?” tanong ko. Anong makakasama mamaya? Anong ibig sabihin niya dun? Kinindatan niya lang ako. May sakit ba siya sa mata? Panay kasi ang pagkindat eh.
Pagkatapos ng classes, tumakbo bigla si Seth dala- dala ang gamit niya papunta sa labas. Anong nangyari dun? Napansin ko ring tumakbo rin sina Richard at Troy. Nag-ayos lang ako ng mga gamit ko sandali pero pagtingin ko sa room, wala ng taong natira. Ako nalang tuloy ang naiwan. Hindi man lang ba ako hinintay ni Shey or ni Jessie? O kahit man lang ni Alderic? Hmmppph! Na hurt ako.
Naglakad nalang ako mag-isa papunta sa labas. Mags-six na pala kaya nagmadali ako pero… Biglang may nagtakip ng bibig ko at may humawak sa dalawa kong kamay. Tinakpan din nila ang mga mata ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong. Pero, walang makakarinig sa akin. Hindi rin naman ako makasigaw sa lagay kong ito. I tried kicking them pero they kept me still. Lord! Tulungan mo naman ako. Kahit sino. Kahit sino… Tulungan niyo naman ako…
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...