Seth's POV
Ang boring naman, pwede kayang hindi nalang pumasok sa school? Hindi naman magagamit itong algebra sa totoong buhay eh, nakakapagod lang, pero kahit ganoon, kailangan pag-aralan.
Tiningnan ko yung wall clock ng classroom namin. Ha? 10:45am pa? Sana may time machine nalang ako. Naghintay ako ng matagal hanggang umabot na nga sa 11:30. “Yes!” Napasigaw ako at pumunta na sa mga kaibigan kong sina Richard at Troy. “Hoi! Asan kayo kakain?” Tanong ko sa kanila.
“Sa school park tayo!” sabi naman ni Richard. May masamang kutob ako sa mga mangayayari. Sa tuwing pumupunta kami sa school park, ibig sabihin lang nun, bored si Chard at may gusto siyang unexpected na mangyari pero iiwas nalang ako sa mga gagawin niya, tsaka tung si Troy sinasakyan lang ang mga lokong ginagawa ni Richard.
I’m not saying I’m a good guy pero ayoko lang talaga masangkot sa gulo, gusto ko ng tahimik na buhay eh paano ko lalayuan tung dalawang toh, kaibigan ko naman din sila. Naglakad lakad na kami papuntang school park, medyo malaki rin naman school namin eh. I admit it, medyo mayaman naman kasi kaming lahat dito, mahal kaya tuition hahaha… Pero may napansin akong kakaiba kay Richard, patingin tingin siya sa mga tao sa hallway at pati na rin sa paglabas namin sa park pero itong si Troy naman cool lang na naglalakad. Hay nako.
Nakarating na rin kami sa spot namin always sa park. “Kainan na!” sigaw ni Troy. Wala kasi kaming pakialam sa mga pakialamero diyan kaya sigaw lang kami kung gusto namin.
“Ui, napansin ko Chard, kanina ka pa parang may hinahanap.” Sabi ko kay Richard na parang, giraffe parin sa kakahanap ng ewan. Nagtingin tingin na rin ako pero wala naman.
“Wala lang.” sabi ni Richard. Binuksan ko na lunch ko at kumain na, yes! Favorite ko, caldereta! Kumain na ako at bigla nalang nagsalita si Richard. “Oi, DOD tayo!” sabi niya, DOD nanaman pero medyo matagal tagal na rin kami hindi nakakalaro nito. DOD means Dare or Dare… Dare lang talaga at ang larong ito ay sa isang tao lang sa isang game.
Kinuha na ni Troy ang coke bottle na bilis naman niyang inubos at inikot niya na ito. Kinabahan naman ako bigla. Grabe kasi ang mga dare nila, may bigyan mo ng jacket si ganito, magpacute ka sa isang video at I-post mo sa youtube, magsayaw ka na parang engot sa harap ng mga tao diyan, at ang pinakaayaw ko, ay ang ‘ligawan mo siya’, hindi naman sa ayoko ma basted, gwapo rin naman ako nuh, pero, ayaw ko lang talaga mangloko, although, na try ko na dati, pero dati pa yun, DOD din and dahilan nun.
“Oi! Seth! Just the right person.” Sabi ni Richard. Ano naman kaya itong iniisip niya. “Dare or Dare????? ------- Eh! Siyempre DARE! Ligawan mo yun oh.” Eto na nga sinasabi ko sa isip ko eh… Ligawan nanaman.
“Ha? Ayoko na masampal tulad nung dati.” Sabi ko nalang at tsaka sumubo ulit sa pagkain ko.
“Bro! Sampal lang? Paano kung sapakin ka na.” Sabi ni Troy. "Duwag." tuloy pa niya. Aba't!
“Wala… Ayoko lang talaga masangkot sa gulo.” Sinabi ko nalang ang totoo.
“Hoi pre, eto, kapag nagawa mo iyan sa loob ng 30 days, ok na sa akin na ligawan mo kapatid ko, di ba? Gusto mo iyon?” Offer naman ni Richard sa akin, pero ayaw ko talaga, pero gusto ko rin si Trish eh, noon pa, bata pa kami pero hindi ako maka score kasi binabawalan ako palagi ni Richard. “… hindi na rin kita isasali sa DOD kahit kalian.” Sabi niya. O.O eto mukha ko. Eto kasi talaga ang gusto ko.
“Sige!” nasabi ko pero hindi ko iyon sinasadya.
“Iyon oh!” turo ni Richard. Tiningnan ko naman. HA!!!??? Napasigaw ako sa isip ko.
“Si Gwen?!” Tanong ko sa kaniya.
“Yup.” Richard
“Eh, napaka silent nun.” Me
“Challenging iyan bro. haha” Troy
“Cge na nga.” Sabi ko nalang.
Pinagmasdan ko si Gwen nung araw na iyon pero as always, silent siya palagi. No fun tung babaeng toh. Magpapaka bad boy ako ngayon, patay talaga ako sa mama ko nito haha. Basta, para hindi na ako i-dare muli nung lalakeng iyon tsaka maliligawan ko pa kapatid niya. Si Gwen na yata sagot sa mga tanong ko. YES!
Pauwi na sana ako sa bahay nang naalala ko ang mga notebooks ko sa desk ko… Hala! Patay kang bata ka! Nagmadali akong pumunta sa classroom pero before ko nabuksan ang pintuan, may narinig akong nag-uusap sa loob. Si ma’am Veronica at si Gwen. Ito lang narinig ko:
M. V.: Gwen, do you realize what you’re doing?
G: Huh? Alin po doon ma’am?
M. V.: You’re really good. Halos perfect na nga ang mga home works mo at quizzes pero pagdating sa group presentations at oral recitation, parang nawawala ka. You’re really one of the candidates para maging valedictorian but I can’t assure you that kasi as you can see, you have a really poor performance pagdating sa social.
G: So, dapat ko po maging active?
M. V.: Parang ganoon na nga. You can also have friends. Noon, di ba? Sabi nila noong grade 6 pa kayo, eh you are really friendly, pinagtatanggol mo pa friends mo, pero----
G: Ma’am, noon pa po iyon. Can I go home now?
M. V.: Okay, pero think of what I said.
G: Okay ma’am.
They ended the conversation. Patay! Nagtago ako ng mabilis sa likod ng pintuan… Hindi niya naman ako napansin noong papaalis na siya kasi patungo siya sa kanan at ako naman ay nasa kaliwa behind the door. Lumabas na rin si ma’am at nakita ako dahil papunta siya sa direksyon ko. “Oh, Mr. Laviña, why are you here?” tanong ni ma’am, mabuti hindi siya nagulat.
“Ah, naiwan ko lang po yung notebooks ko.” And I proceeded to my desk thinking of that girl. Ganyan ba talaga siya? She’ll keep her mouth silent and her mind weak kasi ayaw niyang maki join sa lahat? Mahihirapan yata ako dito. Kung pwede lang siyang i-dare na sabihin yung laman ng utak niya, I will definitely dare her to do it.
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...