Music Day

278 3 0
                                    

 Jessie's Picture --->

Seth’s POV

Friday ngayon! Yehey! Walang klase bukas! I’m going to be early AGAIN today. Hihi… Aasarin ko nanaman yung babaeng yun. Gwen Harris… Teka, dare lang pala toh. Ano? Time na ba? I should ask her kung pwede mangligaw tapos, tapos na tong lahat? Sorry Gwen pero, bad boy ako ngayon. Don’t worry, babawi ako…

And then, I saw her… There again. That tree. “Hey!” Sabi ko. Hindi nanaman siya nagsasalita… “Don’t worry, hindi ka na dapat magsalita pa, I could get used to this.” Sabi ko while sitting down. “Ano bang kailangan mo?” Sabi niya harshly. Maybe she’s really confused why on earth did I just talk to her suddenly. “Gusto ko makipagkaibigan?” Sabi ko na parang question na… “Why is that a question?” she asked me…

“Kasi… parang ayaw mo kasi.”

“You know what? I was thinking kagabi… Maybe it’s a time for a change… but you have to earn my trust first… I don’t to be hurt again…” Gwen

Hoooo! Nakaka guilty…! Ayoko na…

“Uh, okay…” I smiled… Eh, mabait naman pala siya eh. “Yun yung pinakamataas mong line since we met. Haha” sabi ko

“We met a long time ago… I think.” Gwen

“Baka nga… Hindi ka naman kasi nagsasalita. Paano ko matatandaan?” Sabi ko… Mayroon nga ba? And next thing I know, she was giggling. I smiled… Parang nawala ako sa kinatatayuan ko… Wait, kinauupuan ko pala… She’s so beautiful… kapag tumawa…

HA? Ano ba itong pinagsasabi ko?

“Ummm… May narinig ako noong Wednesday.” Sabi ko. There’s still that hope na magsalita siya..

“hhmmmm?” Gwen

“Narinig ko kayo ni Ms. Veronica… Nag-uusap kayo about your social skills?” I told her na parang question nanaman.'

She looked at me. Staring na pala… Parang matagal na rin siyang nakatitig sa akin ah… Doon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga mata niya… The sun was behind me making her face clearer… WHAT? Ano ba naman tong pinagiisip ko? “Bakit ka nakatitig?” Tanong ko

“Wala ka ba talagang ibang pakay? May mga kaibigan ka naman… Si Rich at si Roy nga ba yon? Bakit ka ba talaga nakipagkaibigan sa akin?” she asked me.

“Richard at Troy…Ahhh…I am here To help you.” It just came out of my mouth…

“Huh? Sa ano?” Gwen

“As I said, sa social skills mo.”

“Paano?” Gwen

“Haha… Just follow me… Be cool, like me!” Sabi ko sabay tawa.

She looked around and I looked around too. Nakita kong pinagtitinginan kami habang nagbubulungan naman ang ibang mga babae doon. Sila nga yun! Yung nangbubully sa kanya noon… (I remembered seeing her bullied by them pero hindi ko siya natulungan kasi Richard and Troy pulled me to play in the gym. I came back to where she was bullied noon pero all I saw was juice on the floor.)

“Hey!” Sabi ko… As I grabbed her hand… Hindi ko sinasadya yun ah! Bigla nalang… “Huwag mo silang isipin. Mayroon ka namang friend ngayon, hindi ba?” I asked… She was teary eyed parang papaiyak na talaga siya maybe she was remembering it all, all the bullies and there nalaman ko na kailangan niya ng protection. She raised her head and looked into my eyes. Teardrops fell from her eyes… and at that time, I realized that I don’t want to see her crying. I don’t know why pero I was affected by her this much. Ayokong aminin pero maybe I just care for her parang how I care for my little sister when she was bullied noon. She came home crying din. “Friend?” Gwen asked. I smiled. “Yes.” And I gave her my handkerchief. “Oh, huwag ka nang umiyak, I’ll teach you how to fight.” I said. “Ang panget mo kapag umiiyak.” Sabi ko haha, hindi naman totoo. Maganda pa rin siya kahit umiiyak. “Kapal mo!” sabay hampas sa right shoulder ko. “Oh, di ba? Namamansin ka na! Hinahampas mo na rin ako! Yehey! I made you talk!” Sabi ko… “Just shut up… Pagiinitan nanaman ako nila oh!” Sabi niya. “Just ignore them. Your life is yours.” Sabi ko… insipiring words just came out of my mouth again. Bakit ba ako nagkakaganito? Bad boy nga ako di ba!? Hay nako… “Music day ngayon hindi ba?” she asked me. Wow, she started the conversation. “Oo, one hour sa auditorium, every Friday kaya yun.” I said. She smiled. “Bakit? Do you love music?”

“Ah oo.” Gwen

“Found. Yun yung pinarinig ko sa iyo kahapon.”

“Alam ko. I googled it.” Gwen

“Gusto mo?”

“I-se-search ko ba kung ayaw ko?” Gwen

“Pilosopo ka rin nuh?”

“Nakikiuso lang.” Gwen

“Hindi ka na si Ms. Masungit ngayon.”

“Gusto mo maging masungit ako? May switch ako.” Gwen

“Huwag nalang.”

She giggled again.

“Gusto mong tumabi sa amin ng friends ko?”

“Ha?” Gwen

“Sa auditorium.”

“Hindi nalang. May seat na ako parati doon.” Gwen

“Ah ok” Nadismaya naman ako doon.

(Auditorium)

            Yehey! Music Day! Gusto ko toh! Kakanta ang mga classmate naming mga magaganda ang boses upang makapagpalabas ng skills nila sa pagiging artist. Every Friday tuh nangyayari. One hour lang toh pero napapasaya nito halos every student ng school. May ibang students na dinadala pa ang banda nila para dito. Extra points din tuh sa MAPEH. Hindi na ako nag join. Hindi ko naman kailangan yun. Mataas na grades ko sa MAPEH.

“Hoy! Madalas ka nang tumatabi dun sa Gwen na iyon ah. Kahapon ka pa.” Sabi ni Troy. “Eh Dare niyo yun eh.” I answered back. “May patawa tawa ka pang nalalaman diyan. Mabuti kinausap ka. Baka ma fall ka dun.” Sabi naman ni Richard. “Ma-fall? Baduy mo pre.” Sabi ko at nakinig nalang sa mga kanta. May sumasayaw din. Sikat ngayon ang gangnam style kaya lahat napasayaw maliban sa aming tatlo at ibang walang gana.

Bigla ko namang naisip si Gwen. Asan kaya yung babaeng yun? Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. “Teka muna pre ha, may kukunin lang ako sa locker.” Sabi ko kay Troy at Chard. Asan kaya iyong seat na sinasabi niya. I walked around at nakita ko na may babae sa hagdanan. Malaki kasi auditorium namin nasa ground floor pero may stairs at both ends sa likod para sa students na papuntang 2nd floor or 3rd or 4th or sa rooftop.

Nandoon siya sa stairs. Walang ibang tao doon, siya lang. Naka smile naman siya habang nanonood. Umakyat na ako para kausapin siya.

“Hoi! Bakit ka nandito? Akala ko may seat ka na.” Naka smile pa rin siya at hindi nagsasalita. Kumakanta na si Jessie Fernandez. Hindi niya ata ako napansin. “Ang galing talaga ng best friend ko.” Sabi niya. Best friend? Sila ni Jessie? “Hui!” Nagulat naman siya. Halatang nagagalit na. “Best friend mo iyan? Huwa assuming!” Sabi ko. “Pake mo!” Sabi niya at patuloy ng nanonood. “Pero, best friend mo ba talaga siya?” tanong ko, hindi naman siya sumagot hanggang natapos na kumanta si Jessie at yun na ang last act ng isang oras, tumayo na si Gwen at nagsalita. “Noon.” Sabi niya. Ha? Anong noon? Napaisip ako kung anong ibig sabihin ng ‘noon’ tapos naalala ko ang tanong ko. Ahhhhh! Best friend niya si Jessie noon.

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon