What!? A Dare!?

231 2 4
                                        

Chapter 17- What!? A Dare!?

Gwen’s POV

Lalalalala… Walang magawa this day. Sunday ngayon at tapos na akong magsimba. Lalalalala. Nandito ako ngayon sa road ng subdivision namin, nagb-bike habang kumakanta ng “Mirror” by Justin Timberlake. Napapalayo na ako sa bahay namin pero alam kong safe ako dito sa subdivision namin. Hindi ko na yinaya sina Alderic at Seth kasi feel ko magbike mag-isa ngayon…

I don’t want to lose you now

I’m looking right at the other half of me

The Vacancy that sat in my heart

Is a space that now you hold

Show me how to fight for now

‘Cause I’ll tell you baby, it was eas---

Napatigil ako nung marinig ko ang isang pamilyar na boses.

“I told you, hindi ako susuko, dad!” Parang narinig ko na ang boses niya, noon pa.

“Bumalik ka rito!” sigaw ng isang lalake, yung dad siguro niya.

“Whatever! Psssh!” tapos tiningnan ko kung sino yung nagsalita. Nasa may corner kasi ako kaya pinaandar ko ang bike ko at tiningan nga siya.

O.O

A-alvar? Dito siya nakatira? I didn’t know. Ang rami- raming bagay na hindi ko alam sa mundo.

“Alvar!” tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon. “Hoi! Gwen here! Hoi! Gwen Harris here!” kaway ko pa sa kaniya kasi lumingon na siya sa akin. Nagsmile ako tapos, naglakad lang siya. Hindi pinansin ang kagandahan ko? Hmmm… how sad… pero, sinundan ko pa rin siya while riding on my bike.

“Hui, anong problema? You can tell me anything. I won’t judge.” Sabi ko kasi nagsisigawan kasi sila ng dad niya kanina. For sure, may problema.

“Umalis ka.” Sabi niya pero, alam niyo naman ako, sobrang kulit basta nakapagsalita.

“Huh? No… Dito lang ako sa tabi m—“

“Umalis ka sa bike.” –Alvar… What? Why? Pero, sinunod ko pa rin siya. Sumakay siya sa bike at … pinaandar ito. Wait for me! Pero, tinigil niya kaagad ito. Phew!

“Angkas.” Sabi niya

“Huh? Me?”

“Ay hindi! Siya!” sabi niya sabay turo sa isang aso na nakakulong sa gate ng bahay ng isa sa mga nakatira dito sa subdivision.

“Pilosopo.” Sabi ko sabay angkas sa likod. May something kasi sa wheels ng bike ko kaya pwede angkasan. Hindi ko alam ang tawag dun eh. Hehe. Tapos, hindi ko talaga alam kung asan hahawak kaya nilagay ko nalang ang kamay ko sa shoulders niya. Nakakailang.

“Are you sure with that?” tanong niya. Tinutukoy niya ang paghawak ko sa shoulders niya.

“Oo naman.” Sabi ko. Tapos lumingon siya sa akin at nagsmirk. Ang cute niya. “AAAAAAAAHH!!!!” Napasigaw ako kasi ang bilis ng pagpapaandar niya sa bike tapos may slope pa. I closed my eyes at I hold him tighter, nung hindi ko na nakayanan, kasi may slope pa rin, I wrapped my arms sa neck niya. Binabawi ko na ang sinabi kong cute siya. Grabe! Bike lang! Kung makapagpaandar ay parang faster than a shooting star… Hahaha… Hindi ako umimik, basta I just closed my eyes… sinandal ko ang ulo ko sa shoulders niya kasi napayakap na nga ako diba?

Then, at last, he stopped the bike.

“You can let go already.” Sabi niya. Nakahug pa rin pala ako sa kaniya. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkayakap sa kaniya. Nanginginig pa rin ang mga paa ko pagbaba ko kaya muntik na akong madapa, mabuti nalang, sinalo niya ako pero natumba ang bike. Nanginginig pa rin ako…

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon