Chapter 38 - Teleios
"Guess who?" Hmmm... Isang tao lang naman ang palaging ganito pagdating sa akin.
"Hmmmm." I mumbled, kunwari nagiisip pa ako. I put my finger on my mouth. "Ito ba si siyokoy?" I asked at bilang nawala ang kamay na nakatakip sa mga mata ko. I faced Alderic at nagpout ang best friend ko. Hahahahaha. Hilarious!
He suddenly dragged me papunta sa baba. Kakatapos ko lang kasi mag shower at magbihis. "Sorry?" sabi ko pero patanong.
"Okay lang, Gwenny. Namiss ko na rin ang pang-aasar mo eh. Simula noong naging kayo ni Seth, hindi mo na kami pinapansin ni baby ko." Baby ko? Ew? Ang weird ng bagong endearment nila ni Jessie. Mabuti pa kami ni Seth 'C' lang. "Pero, may naisip kaming paraan." huh?
Nakarating na kami sa baba at nagulat ako nang nakita ko ang whole gang ng secret circle. I squealed. Nandito sina Troy, Richard, Jessie, Shey at kahit si Evan. "Evan!" I yelled and ran to him. He chuckled and embraced me. "Oh My God! Kailan ka bumalik?"
"Kahapon lang." tapos tumawa siya. "Tsk. Baka masapak ako ng boy friend mo oh!" turo niya kay Seth. Seth looked so annoyed. Natawa naman ako.
"OA lang, C?" I asked at tumalikod lang siya papunta sa isang Christmas tree. It was bare. Wala pang designs. Mukhang may ideya na ako sa plano nila Jessie at Alderic. It was Christmas vacation already at totoo ang sinabi nila. Wala na akong time para sa mga best friends ko these past few months simula nang naging kami ni Seth. Parang kahapon lang, eh, nililigawan palang niya ako. Bigla tuloy akong naguilty. Namimiss ko rin naman sina Jessie at Alderic pero masyado yata kaming naging focused ni Seth sa isa't isa.
I made my way to Seth habang nag-uusap pa ang iba. "C naman eh. Namiss ko lang si Evan." I said and hugged him. I could tell by the way his shoulders tensed na something was wrong kaya hinarap ko siya. "May problema ba?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya. Pansin ko rin na may shadows under his eyes. Parang walang tulog at... I scrunched my nose. "Were you drinking?" I exclaimed.
His eyes widened tsaka nagsmile siya pero halatang pilit. "Gwen, it's nothing. It's just some family problems." he took several steps away from me, papunta sa christmas tree. "Besides, there's nothing you can do." Napahawak ako sa chair near me when he said that. There was nothing I could do? Maybe yes but ugh! Hindi ba pwedeng sabihin nalang niyang masaya na siya na nandito ako? Or he could tell me what's going on then, maybe, I'd listen. Ugh!
"Fine! I couldn't do anything for you. Ganiyan naman diba?" I said and stomped toward the others. I was hoping na Seth would grab me back and say sorry pero wala! He just stood there na parang mangha na mangha siya sa Christmas tree! Aisssh! Nakakainis talaga yung mokong na iyon! Okay naman kami diba?
Biglang napansin ni Jessie ang nakasimangot kong mukha. "Anong nangyari?" pagtatanong niya but I just shrugged indicating na ayaw kong pag-usapan. "Okay. Let's start?" sabi niya. Alam kong gusto niya akong i-cheer up kaya tumango lang ako.
Nagstart na kaming magdesign. Napagplanuhan naming gawing white christmas ang theme so ang pinili naming colors ay blue, white and silver. We changed the Christmas tree. May white rin kasi kami eh. We placed the designs. May different shades of blue. We put some Christmas lights.

BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Teen FictionPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...