Spending Time With My Ex

28 2 0
                                    

Chapter 40 – Spending time with my ex





                (Insert favorite song mo). Alam mo iyong masarap na feeling kapag nakikinig ka ng mga kanta na naka headphones ka? Alam mo iyong masarap na feeling kapag walang nang-iistorbo sa iyo na kung ano-anong kampon ng kadiliman habang nakapikit ang mga mata mo? Ang sarap diba? Pero paano kung alam mong nasa likod mo lang yung ex mo?



                WALANG PEACE!!!



                Every once in a while, nakakaramdam ako ng pagkairita, wait, burahin mo iyon. Everytime pala! Ugh! Bakit ba kasi may sariling utak itong brain ko? Ha? Ano? Hindi ko gets! Sariling utak ang brain? Tama! Nababaliw na siguro ako! Diba nakakabaliw ang sitwasyon ko? Spell awkward please! Aiiishhh!!!



                Hindi ko namalayang nasipa ko ang armchair na nasa harap ko at sheeeet! Ang sakit lang!!!! "Fuck!" nasabi ko nalang habang hinahawakan ko ang injured foot ko. Peste kasi itong si Seth! Kanina pa dumadalaw kay brain, eh, ayaw umalis. Pinagtabuyan ko na, ayaw pa rin! May sariling utak nga si brain! I'm getting dumber every passing minute. Wait, may sariling utak ang bibig ko kanina! Hindi sariling utak si brain! Aiiissssh! Gets niyo ako? Hindi ko kasi gets sarili ko.



                Naramdaman ko bigla ang kamay ni Seth sa balikat ko at nilingon ko siya. Tinanggal ko ang headphones ko at tinaasan siya ng kilay. Oo! Natuto na akong magtaas ng kilay! Anong say mo? Pero pakshit! Hindi pa rin maiwasan ng heart kong magpalpitate everytime na mahahawakan ako ni Seth! Hindi makamove on si heart eh! Pagpasensyahan niyo na! Aiiissshhh! "Okay ka lang?" sincere na tanong niya. Sincere mo mukha mo! Ni hindi mo naisip kung magiging okay ba ako sa break up speech mo! Pinaka the best break up speech bro! Le claps...



                Pinilit kong paggalawin ang kamay ko papunta sa kamay ni Seth. Hinawakan ko iyon at sa expression ng mukha niya, halatang nagulat siya. Chineck ko muna ang pulse niya. Bumibilis ang pulse niya. May effect pa ako sa kaniya? Imposible! He was just nervous because of what I might do to his stupid hand, right? Aiiisssshhh! Nagsmile ako sa kaniya. "Okay lang!" sinigawan ko siya at inalis ang kamay niya sa akin, napawi na ang smile sa mukha ko. Tumayo ako at pumunta sa seat ni Jessie with weird steps dahil masakit pa ang paa ko. Doon ako umupo. Hehe. Malayo sa kampon ng kadiliman.



                Nilagay ko ulit ang headphones ko at ipinikit ang mga mata ko. Please brain, alisin mo si Seth sa utak mo. After a few seconds, I found peace tapos may naramdaman ako sa paanan ko. Pagdilat ko, nandoon si Seth na nakaluhod at chinecheck ang paa kong na injured.



                Tinanggal ko ulit ang headphones ko and I glared at him. Nakatingin pa rin siya sa paa ko kaya hindi niya makita ang nanlilisik kong mga mata. Aiiiishhh! Siomai naman oh! "Anong ginagawa mo!?" sigaw ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at nagsmile pero it was clear na malungkot siya. Bakit siya malungkot? I mentally slapped my face. Baliw na siguro ako. Caring for someone who just broke my heart, way to go me!

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon