So Sick

41 3 0
                                    

Chapter 41 – So Sick



Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. The first thing i saw was a man's chest. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Shit! Ano bang ginawa ko kagabi? Bakit? Ano ito? Normal breathing lang, Gwen. Sabi ko sa sarili ko. Slowly, tiningnan ko kung sino ang nakayakap sa akin ngayon ng mahigpit at for Pete's sake! Half naked siya! Huhuhu!



"S-Seth?" nasabi ko pero hindi man lang siya nagising. Na try niyo na bang tumakbo ng napakabilis na para bang hinahabol kayo ng asong may rabies? Well, kung mabilis ang tibok ng puso niyo noon, mas mabilis pa yata ang tibok ng puso ko ngayon. Nakayakap siya sa akin at peaceful siya masyadong tingnan. Ayokong galawin siya. Sa ilang months na naging kami, never pa akong nakatulog sa mga bisig ni Seth ng ganito pero sa lagay namin ngayon, first time ito. First time pero break na kami.



Bigla akong natauhan. I pushed him away not too gently. "Aray!" sambit niya tapos he opened his eyes and looked at me furiously at biglang nagregister sa utak niya kung sino ako. Halatang nagulat siya. "G-Gwen!? "sigaw niya.



"Anong ginawa mo sa akin, huh!?" sigaw ko at kinuha ko ang pillow at itinapon ito sa mukha niya. Nakuha niya naman ito at ibinalik sa akin.




"Baka ikaw ang may ginawa sa akin." Aba't! Aiiiisssssh! Nakakainis pa rin siya kahit kailan eh! Tumayo ako at pinagmasdan ang surroundings namin. Nasa bedroom kami. Shit! Asan ito? Huhuhuhu! Niyakap ko ang sarili ko at gusto ko nang umiyak.



"Hoy! Kung iniisip mong nirape kita, hindi noh! I will never do that to you." Sabi niya at tumayo na. Naka boxers lang siya! Ahhhh! My eyes! Tumalikod ako at pinagmasdan ang sarili ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naka t-shirt ako at nakaboxers din. Mabuti nalang may suot ako. WAIT WHAT!? Tiningnan ko ulit ang suot ko. Hindi ito ang suot ko kagabi ah! Oh my siomai! Nooooo!!! Napasigaw ako.



Biglang tumakbo si Seth papunta sa akin. "Anong nangyari?" Concern was in his voice pero galit lang ang nasa loob ng puso ko. Paano niya nagawa ito?



Hinampas ko siya. "Ugh! Anong ginawa mo sa akin? Bakit nakaboxers lang ako at naka man's shirt?" sabi ko habang hinahampas ko pa rin siya. Parang na shock naman siya tsaka tiningnan niya ang suot ko. Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang pinagpawisan. Malamig naman sa room ah! Wait... Shit! Wala akong bra! Hinampas ko siya ulit at dali-daling kumuha ng unan para itakip sa body ko. Nakakaloka ka Seth! Aisssh! "Bastos!"



"Ikaw itong nasa condo ko eh, ako pa ang bastos." Sagot naman niya sa paratang ko. Aiiisssh! Nakakainis! Hinampas ko siya ng unan. "Wait! Gwen! Hindi ko rin alam kung paano ka napunta dito, okay? Ang naalala ko lang kagabi eh, nagsasayaw ako kasama ang isang babae na kamukha mo tapos, tinanong niya ako bigla kung bakit ko raw siya iniwan tapos," hindi ko na narinig ang sinabi ni Seth dahil na block na ng magaling kong tenga ang mga sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon