Mess

30 0 2
                                    

Gwen's Point of View

Nagising ako sa isang napagandang araw. Haaaay! Ang saya naman ng buhay ko. Ang saya saya! Sabi nga nila, There’s always a rainbow after the rain… pero… pwede ba ma-interchange iyon? Sana naman hindi. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa table sa gilid lang ng kama ko. Pagtingin ko…

SHIT! Shit lang! Sorry po… Hindi ko mapigilang isipin iyon eh! Siomai! Paano ko nakalimutan ang usapan namin? Napakasama ko talagang kaibigan. Ugh! Ito na po ang ulan pagkatapos ng rainbow.

Alvar… Sorry… Sorry…

Tinawagan ko kaagad siya para humingi ng tawad. Alam kong hindi sapat ang patawad lang. Nag-alala kaya yung tao kung bakit ako hindi nakasipot sa usapan namin. Ilang texts at tawag ang nakita ko sa cellphone ko galing sa kaniya. Ugh! Napakawalang hiya ko naman. Iyon lang ang hinihingi ng tao pagkatapos niya akong ipaubaya kay Seth. Hindi naman ako manhid para magbulag- bulagan na walang nararamdaman si Alvar para sa akin. Tanga lang ang hindi makakita non. Paano ko nagawa ito? Paano ko siya nakalimutan?

He was my soldier…

And I was just his dumb damsel in distress...

Ayoko ng ganoon. Gusto ko rin siyang matulungan kahit sa pinakamaliit na paraan.

Hindi pa rin siya sumasagot tawag ko. After another try, nakapatay na ang phone niya. Siomai! Bakit siya ganoon? Ugh! Ang sama ko talaga! Kasalanan ko ito eh! Wala na akong magagawa pa kung ayaw man akong kausapin ni Alvar kaya naligo nalang ako at pagkatapos nagbihis papunta sa school.

Nag-aayos na ako at naka uniform na nang nagrinig ko ang ang ringtone ng cellphone ko: Found. Siomai! Tiningnan ko agad kung sino ang tumatawag. Biglang lumundag ang puso ko! Joke lang. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

“Hello?”

[C, nandito ako sa labas ng bahay mo.] Siomai! Nandito siya? Bakit?

“Ummm… Anong ginagawa mo sa labas?” Pagtatanong ko.

[Isn’t it obvious? Susunduin ko ang girlfriend ko. Hindi ba pwede?] Siomai naman oh! Simula palang ng araw ko. Pinapakilig mo na ako, Seth.

“Ha? Ah… Sino ba ang girlfriend mo?” haha, gusto ko lang matanga kahit saglit. Tanga lang!

[Yung babaeng nagnakaw ng puso ko.] Humiga nalang ako sa bed at nagpagulong- gulong.

[Nagiging cheesy na ako dahil sa iyo. Nababakla na ako] Ay ganoon pala? Tumayo ako at sumilip sa window ko at nakita ko siya doon na nakapangalumbaba sa sasakyan niya. Nakatingin siya sa akin at parang tinamaan nanaman ang puso ko. Cupid naman! Tigilan mo na ang pagpana. Natamaan na ako noon pa.

“Tss… Minsan ka lang magkakagirlfriend ng katulad ko. Lubus- lubusin mo na.” sabi ko, pampakalma lang sa puso kong parang kumakawala na sa katawan ko. Medyo matagal ang naging response niya at seryoso niyang sinabi,

[Minsan lang? I don’t think so. Wala akong planong hiwalayan ka.] Ayoko na! Umaga pa lang, Seth. Huwag mo na akong pakiligin, please lang. Nakangiti pa siya at nakatingala sa akin habang sinasabi iyon. Umalis na ako sa may window at baka makita niya pa ang mukha kong pulang pula na.

It Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon