The Makeover
Knock! Knock!
“Come in.” Sabi ko habang nagbabasa para sa test namin on Monday. Huwag niyong sabihing nerd ako, wala lang kasing magawa. Actually, last minute nga ako magstudy eh. Hahaha. Secret lang natin iyon.
“Ms. Gwen, may naghahanap po sa inyo.” Sabi ni Kara, one of our house maids.
“Sino raw?”
“Jessie raw po.” Kara
“Ahhh… Ok… Bababa na ako."
Si Jessie? Bakit siya nandito ng ganoon kaaga? Ano kayang matinong gawain ang nasa utak niya? (Note the sarcasm)
Bumaba na ako ng naka pajamas parin, sanay na ako eh, hindi kasi ako maarte.
“Hi bestie!” sabi ni Jessie sabay takbo sa akin.
“Hello bes, bakit ka nandito ng napakaaga?” tanong niya
“Napakaaga? Really? 11:00 am na oh.” Sabi niya sabay turo sa watch niya.
“Ahhh… Ano ngang ginagawa mo dito?”
“Makikipagbonding sa iyo through shopping and…” she looked at me head to toe… “tsk3x makeover!”
“What?”
“Makeover nga! Sige na, maligo ka na at magbihis. Dito lang ako, manghihingi ng pagkain sa mga maid niyo hahaha.” Sabi niya at un naupo na nga at tinawag ang maid. Sige, bahala siya.
Naligo na ako at nagbihis ng t-shirt at pants lang pero branded rin. Hahaha. Nag headband nalang rin ako at syempre ang eyeglasses ko. Bumaba na ako at nakita ko si Jessie na kumakain ng strawberries. Favorite niya kaya iyon. Mauubos nanaman ang strawberries sa bahay namin.
Again, she looked at me from head to toe and again… “tsk3x.” sabi niya
“Oh, ano na?”
“Tara na!”
Sumakay na kami sa sasakyan nila na i'm sure, eh bago, at pumunta na kami ng mall. Siyempre kain muna ng lunch at nagmalling na.
“Dito tayo! Forever 21!” Sabi niya.'
“Ahh. Eh… Hindi bagay ang fashion nila diyan para sa akin. Doon nalang tayo sa YRYS.”
“No. Dito tayo. Pagagandahin nga kita diba?” Jessie
“At bakit naman?”
“Para hindi ka na tuksuhin sa school at para na rin sa performance natin on Friday.” Jessie
“Ahhh, hahaha.” Patakbo na sana ako pero kilalang kilala talaga ako ni Jessie kasi may kumuha ng kamay ko, mga men in black. “Bestie, alam kong gagawin mo iyan kaya andito ang mga cool body guards ko para pigilan ka.” Sabi ni Jessie
“Pero Bes-“
“No buts… Sasama ka ng maayos o ipapakaladkad kita sa kanila?” tanong ni Jessie
“Sige na nga!” sabi ko.
At ayun! Binilhan niya ako ng maraming- maraming damit. Take note: marami.
Pumunta kami sa iba pang stores at nadaanan namin ang penshoppe… OMS! Si Ian Somerhalder!!!!! Kasama siya sa Penshoppe All Stars!
Hanggang sa namili na kami ng shoes. At alam niyo ba? Puro high heels ang binili niya sa akin. Hindi pa naman ako sanay dun at ang sinabi niya lang? “Masasanay ka rin.”
Natapos na kami sa shopping at nakakapagod talaga. Binilhan niya rin ako ng bagong uniform kasi sabi niya, too big daw ang uniforms ko, dapat iyong sakto lang.
BINABASA MO ANG
It Started With A Dare
Подростковая литератураPaano kung isang araw nalaman mong pinaglaruan ka lang ng taong pinagkatiwalaan mo? Paano kung sa panahon na iyon ay minahal mo na siya? Paano kung sa sobrang mahal mo siya ay sobra rin ang sakit na nararamdaman mo? Will you have your revenge? or wi...
