CHAPTER 5
HINDI KO inalis ang tingin sa aking plato. Nararamdaman ko rin ang titig sa akin ng aking pamilya kaya na conscious agad ako sa paraan ko ng pagkain.
Napansin kaya nilang pumayat ako masyado?
O hindi kaya ay ayaw nila sa paraan ko ng pagkain?
Kaunti lang kasi ang inilagay ko sa aking pinggan dahil busog pa ako sa mga kinain ko kanina sa byahe. Balde-baldeng tulog ang kailangan ko dahil alam ko naman ang mangyayari kinabukasan.
Inangat ko ang tingin ko kay Papa ng tumikhim sya, muntikan ko na tuloy maibuga ang kinakain ko kasi halos lahat ng bisita, kung hindi sa akin nakatingin ay sa mga kaibigan ko na bahagyang nakayuko at tipid na kumakain.
Well uhmm...
Almost.
Si Rin kasi at si Bently ay kuha ng kuha ng litson at kanin. Busy rin sila sa kani-kanilang pagnguya habang si Shenna naman ay mahinhing sumasandok ng salad.
Tumingin pa sa gawi ko si Bently Theodore at itinaas ang tinidor na may nakatusok ng karne, parang inaaya na kumain ako. Umiling lang ako sa kanya at iginala ang paningin sa mga tao na nasa kabilang lamesa.
"Mukhang malaki ang ipinayat ninyong magkakaibigan sa Manila anak."
Napalunok ako.
Grabe ang boses ni Papa, parang hindi alam na on-diet ako. Maliban kasi sa maninibago ako sa size na tatahiin ko kapag naging-chubby ako, ang hirap ibagay sa akin ng damit! Ako lang ata ang fashion designer na alam ang fashion ng iba pero aabutin ng ilang oras bago makahanap ng pak na pak sa OOTD ko.
Napahinga ako ng maluwang nang sagutin ni Rin ang tanong ni Papa.
"Alam niyo naman Tito sa Manila 'di ba? Dapat magtrabaho bago makakain, kaso kasi ay naging busy talaga si Ate! Ang dami pong may gusto ng design nya! Pinaghirapan nya naman po kasi talaga ang mga iyon!" Sumubo pa ito ng kanin at hinarap si Papa at Mama na nakangiti.
"Talaga anak? Parang kailan lang ay pangarap mong mag-design ng mga damit at mga gowns! Nakakatuwa naman at unti-unti mong natutupad ang mga iyon," ani Mama. Lihim akong napairap.
"Hindi ko naman na magagawa ang mga gusto kong gawin Ma," malamig na ani ko. Iniwasan ko silang tingnan kahit batid ko na ang lahat ng atensyon ay nasa akin.
"Eh bakit naman anak? Narito naman kami para suportahan ka ah! Kaya nga pina-"
"Kaya nga ipinapakasal nyo ko?" maang kong tanong. Mapait akong ngumiti bago titigan silang dalawa. Natahimik ang buong lamesa. Maging ang mga kaibigan ko na kanina ay nagkukulitan ay huminto.
"Sa tingin nyo ba... matutupad ko ang mga pangarap ko dahil gusto nyo ako ipakasal?" Natawa ako ng bumadha ang gulat sa mata ni Mama. Si Papa naman ay hindi nakasagot at napatungo.
Ibinaba ko ang kubyertos at isinandal ang likod sa upuan. I laugh coldly, pailing-iling habang ang mga tao sa paligid ay nasa aming lahat ang atensyon.
"Hindi pangarap ko ang gusto nyong matupad Mama. Pangarap mo lang... pangarap nyong dalawa."
My father creased his forehead. His face reddened in anger as he tried to control his self from bursting because of my sudden reply.
"Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bunganga mo Anna Marie," he said in a low, yet dangerous voice.
I just laugh it off as it was nothing. Sa totoo lang, ngayon lang ako hindi kinabahan sa ganoong tono ni Papa. Everytime he'll use it to me when I was a kid,I actually got scared, but now? I felt nothing but anger.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...