Chapter 39
"MAMAYA PA BA KAYO MATATAPOS?"
Taka kong pinagmasdan ang mga kaibigan habang nakasandal sa may pintuan. Hindi nila ako pinapapasok sa loob dahil kaya naman daw nila. Hawak ni Rin ang mga libro na halatang bago pa at isinilid iyon sa isang bag. Si Shane naman ay may pinapagpagan sa tabi ng drawer.
"Ilang taon ba kayong hindi nagawi dito sa bahay?" Tanong ko at pinanood na maubo si Bently dahil sa alikabok habang may pinapagpag sa taas ng tukador.
"Anong taon? Kahapon lang ay bumisita ako rito ate. Si Shenna lang naman ang hindi napunta kasi busy sa buhay," nakangiwing aniya. Tumaas ang kilay ko.
"Hindi ka naglilinis?" maang na tanong ko. Tumango sya at balewalang binuhat ang bag na may lamang libro para dalhin sa van na gagamitin namin sa pagluwas.
"Hindi lang ako nakapaglinis kasi sunod-sunod ang pinapagawa sa akin sa opisina. Mabuti na nga lang ay naka-leave ako eh," katwiran nito. Tumango-tango ako
Noong umalis daw kasi ako, nilagyan nila ang mga kwarto namin ng mga gamit na balak sana iluwas sa Central. Ang kaso ay hindi sila nakakabisita at kung oo man, nalilimutan din nila.
Maraming damit na naipon doon para raw sa mga bata at naisipan naman ni Rin na magbigay ng libro. Tanda ko pa kasi ang sinabi nya noon na 'what if may future writer' din daw sa Central na katulad nya. Kung hindi man ay may mababasa raw ang mga ito lalo na ang mga tita na mahilig sa pocket books.
"Wala ka pa bang plano mag-settle down Rin? Alam mo 'yun? Ang tanda mo na," asar ni Bently habang busy ang kausap sa pagtulong kay Shenna.
"Wala ka bang plano stapleran ang bunganga mo? Alam mo 'yun? Mas matanda ka sa 'kin pero lagi kang iniiwan?" Ganti ng dalaga. Napasapo ako sa noo at napagdesisyunan lumabas para makahinga. Masyadong maalikabok kasi sa loob ng kwarto namin.
Napatingin ako sa bahay na kalapit lang ng amin at hindi ko napigilan mapakunot ang noo. Hindi ko iyon napansin kanina dahil exited sana akong tumulong sa paglalagay sa bag ng mga gamit, ang kaso ay bawal ako sa loob dahil may asthma ako. Bata pa ako nang magkaroon ng ganoong sakit pero maging ang mga kaibigan ko at sila mama at papa ay ingat na ingat para hindi bumalik ang sakit kong 'yon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at patakbo na lumiko sa bagong bahay na nakatayo sa mismong harap namin. Napaaray ako ng mabunggo ko ang isang bulto. Tumama ang noo ko sa matigas na bagay kaya napaatras ako at napa-upo. Hinawakan ko ang gilid ng noo at napapikit dahil sa sakit niyon.
"A-aray..." daing ko. He handed me his hand before pulling me upwards.
"Ayos ka lang?"
Agad na nabura ang sakit na iniinda ko at napalitan ng inis ng marinig ang boses nito.
"Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito!?" Galit na wika ko at dinuro sya gamit ang hintuturong daliri. Hawak nya ang panga na ang hula ko ay kinabunguan ko dahil namumula iyon. He lick his lower lip before tilting his head.
Parang tanga.
Umismid ako bago sya samaan ng tingin .
"Calm down woman. First of all, stop pointing that sexy finger to me. Kakagatin ko 'yan," pilyong aniya. Ngumisi sya sa akin kaya agad na binawi ko ang kamay ko. Gumapang ang pamumula sa aking pisngi.
"A-aba't... B-bastos!" singhal ko. Umatras ako ng ilang hakbang bago panlakihan sya ng mata.
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako ano? Sabi ko na nga ba! Alam mo bang pwede kitang isumbong sa pulis? First of all, dinala mo ako sa bahay mo without my consent. Second, you're stalking me!" Nagbabantang sabi ko at pinanatili ang tingin sa kanya.
"I'm not following you at all, woman." He responded with a smirk before putting his hand in his pocket.
"Wow! So ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?" Nanghahamong ani ko.
Humakbang sya papalapit sa akin kaya lalo akong napaatras.
"Hindi kita sinusundan, Anna. Sadyang nasa likuran mo lang talaga ang pintuan ng bahay ko."
Mabilis na napalingon ako sa likod at napatanga ng makitang totoo ang sinasabi nya.
'Bahay nya? I-ito?!
"Block 201." basa nya pa kunwari at natawa.
"Feel free to knock everytime you wanted," mayabang na aniya.
Walang imik na mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay namin ng mga kaibigan ko.
Bwiset! Bakit sa lahat ng pwedeng patayuan ng bahay, dito pa talaga?
Napatili ako sa sobrang kahihiyan.
Ayaw ko na makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Jusko naman lordie, tama na po muna ang pagsasalubong ng daan namin. Nakaka 2-0 na po kayo ha.
Nakinig ko ang pagtawag ni Angel sa pangalan ko pero hindi ko na ito nilingon at dirediretsong nagtatakbo.
*
"BAKIT hindi nyo man lang sinabi sa akin na pinatayuan na pala ng bahay ang tapat natin?" Reklamo ko habang nasa van kami nang matapos lang maghakot ang mga iluluwas na gamit.
"Hindi naman kasi namin alam na interesado ka pala sa dati mong asawa," nakangiwing sita ni Rin.
"I always saw him in that house before ako maging busy. I witnessed how that house is built nang umalis sj Shenna kaya ako lang ang natira rito. 4 months after you left ate," she explained. Umismid ako at napabuga ng hangin.
"Hindi ko lang napansin kanina. Tyaka ko lang nalaman noong makasalubong ko sya at isampal sa mukha ko na ang tanga ko kasi kanya pala 'yung bahay."
Nangunot ang noo ni Bently.
"Ano ba kasing sinabi mo? Alam mo kasi bestie, napapahiya ka kasi tanga ka since birth."
Tinaasan ko sya ng gitnang daliri bago ibaling kila Shenna ang paningin.
"Malay ko ba? Akala ko kasi sinusunda nya ako."
Binalot ng malakas tawa ni Rin at Bently ng kwarto habang si Shenna naman ay napangiti lang.
"Hala ang assuming oh! Hahahahaha."
Natawa na rin ako ng maalala kung paano ipahiya ang sarili kanina. Bumaling ako kay Rin na naka-crossed arms at nakasandal sa likuran ng van.
"Bakit ka nga pala nag-retire sa boss mo? Buong akala ko pa naman ay magkakatuluyan kayong dalawa." Sinubukan kong baguhin ang topic bago ngumiti ng matamis.
"Ayaw ko syang katrabaho ate. Hindi ko nga kayo maintindihan kung bakit shiniship nyo ako dun eh hamak na gwapo naman doon ang character ko sa novel." Natatawang aniya at inayos ang suot na malaking damit.
Ngumiti sya akin at tumingin sa malayo. Napatingin ako kay Shane at umiwas rin sya ng tingin. I sighed before smiling again.
"May hindi kayo sinasabi sa 'kin pero maghihintay ako na tsismisan nyo 'ko. Like duh? Ate here!" Pinasigla ko ang boses at sumenyas na yakapin nila ako.
I respect them as much as they respected my decision back then. I know that iba-iba kami ng paraan para harapin ang problema. At kahit hindi nila sabihin sa 'kin 'yun ngayon. I'm sure that they'll open up what's up with their lives. Not now but maybe soon.
"Na-miss ko kayong yakapin," biglang ani ko. Sumang-ayon ang dalawang dalaga at mas hinigpitan ang yakap sa isa't isa.
"Hindi ako naniniwala sa inyo. Gusto nyo lang talaga madama ang yuminess ko," pag tutol ni Bently.
Sinamaan namin sya nang tingin at malakas na itinulak papalayo. Napahakbang sya pabalik ng ilang ulit papalayo sa amin. We laugh hard as we saw him glaring at us intently.
"Alam nyo? Hindi na talaga kayo tatanggapin ni St. Peter," aniya at ngumuso. Natawa ako at kumalas pa pagkakayakap sa kanila bago pasakayin silang tatlo sa loob.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...