CHAPTER 1
I JUMPED EXCITEDLY as I reached my boyfriend's apartment. Nakasuot ako ng isang nude croptop na ibinagay ko sa black blazer at maiksing designer short. Naka-ponytail din ang mahaba kong buhok na abot hanggang bewang at hawak-hawak ng isang kamay ko ang cake na binili ko pa mula sa Red Ribbon nang mapagsaluhan namin ni James mamaya.
I look perfect!
"Babe! Nandito na 'ko!" Malakas na sigaw ko bago buksan ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob.
Ibinaba ko ang pagkain sa maliit na island counter doon. Nangunot ang aking noo ng ilang minuto ay walang tao na sumagot man lang sa aking tawag.
'Baka naliligo.' Napatango ako sa naiisip.
'Oo nga, baka nasa banyo lang si James. Ala-sais na rin kasi ng gabi at alam ko namang ganitong oras sya naglilinis ng katawan.'
Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama, kampante na ko kay James. Sigurado ako na hindi ito katulad ng mga nauna kong naging boyfriend na iniwan ako dahil hindi ko raw napupunan ang pangangailangan nila bilang lalaki.
Ano sila? Gold? I know my worth as a woman at kung hindi nila kayang irespeto iyon, mas mabuti nga na hiwalayan ko sila.
Mahal ako ni James at nararamdaman ko iyon kaya sigurado akong hinding-hindi niya ako magagawang lokohin.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago pagpasyahang dumeretso sa kaniyang kwarto. Walang kaso sa kaniya kung mag lilinis muna ako sa loob dahil nakasanayan na namin ang ganoon tuwing dumadating kami pagkatapos ng trabaho.
I'm a fashion designer and currently working at CA's, isang kilalang fashion institute sa Pilipinas at pagmamay-ari ng idol kong designer na si Miss Catherine Abellano. Masuwerte ngang natanggap ako kahit alam ko na wala ako sa kalingkingan ng ibang fashion designer, pero alam ko na matututo rin naman ako at malay ko, balang araw ay mahihigitan ko pa sila.
Napangisi ako dahil sa lakas ng fighting spirit ko. Epekto siguro 'to ng stress.
Napatigil ako sa paghakbang nang makarinig ng mga tunog.
Animo'y may kung anong aso na umuungol kaya lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.
'Kailan pa nagkaroon ng alagang aso si James?'
Napangiwi ako sa naiisip. Alam kong hindi mag-aalaga ng hayop si James dito sa unit nya, maliban kasi sa bawal ang mga pets dito, may allergy sya sa balahibo ng mga aso at pusa.
Ipinilig ko ang ulo at inalis ang mga negative vibes sa isip. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa utak ko dahil sa stress sa trabaho. Marami kasing nagpapagawa ng designs nitong mga nakaraang araw kaya naman pina-rush kami ng head sa mga bagong ideas. Nakakainis nga at akala siguro nya ay naglalaro lang kami ng piko kapag nag-iisip ng designs.
Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang pintuan pero ganoon nalang ang gulat ko sa nasaksihan. Nagbukas-sara ang bibig ko kahit walang ni isang salita ang lumabas doon.
Umatake ang ilang libong punyal sa dibdib ko at napa-atras ng ilang hakbang. Si James, nakapatong sa babaeng walang saplot ang katawan at parang isang mabangis na hayop na bumabayo.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
AcciónR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...