Chapter 25

6 5 0
                                    

Chapter 25

"Ate, hindi naman pwede 'yon! Ano? Mananahimik ka na lang kahit alam mo na may itinatago sya sa 'yo?!" Padabog na inilapag ni Rin ang hawak na libro at dinampot ang sign pen na naroon sa lamesa.

Bumaling naman si Shenna sa akin at tipid akong nginitian. "Ate, Rin is right. At least ask him what is his problem. Halatang may problema kayo ng asawa mo."

Bumuntong hininga ako at sumandal sa couch. Nasa bahay kami ni Bently na sa ngayon ay naghahanda ng makakain sa kusina. Alam kong naririnig din nya ang mga pinag-uusapan namin.

"Hindi nyo kasi maiintindihan eh. I-i know that something is off. Some thing is off from the start until now, p-pero alam nyo 'yung pakiramdam na hindi mo alam kung paano 'yun sabihin? Hindi mo maipaliwanag?" Naihilamos ko ang palad sa mukha. I feel so frustrated.

Angel never talk to me again. Kahit ang mga niluluto ko sa umagahan ay hindi nya na pinapansin at sasabihin na sa opisina nalang daw sya kakain. Hindi nya na ako sinasabayan sa umagahan at pati sa pagpasok sa trabaho.

I heard Bently's sigh as he walks inside the living room.

"Baka may kinalolokohang iba." That was not a question. Bently said that as he's sure about it but then he's not.

"Alam mong malabo 'yan. Angel doesn't even know the word 'girlfriend' when we first met," dipensa ko.

Wala na sa kanilang nagsalita. They kept quiet and just talk about some random stuff. Kinain namin ang niluto ni Bently na miryenda bago mapagkwentuhan ang kani-kaniyang trabaho.

"Pakiramdam ko ay gusto ka ng boss mo, Rin. Alam mo kung paano ko nasabi?" Inagat ni Bently ang kilay, pinapahulaan ang gusto nyang sabihin. Na-curious din tuloy ako sa sasabihin nya at isinantabi muna ang iniisip.

Umangat ang ulo ni Rin at bored na bored si Bently na tinitigan.

Bumuntong hininga sya at binaba ang aklat bago walang pake na tinitigan ang bakla.

"Wala akong pake."

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya at napangiwi nalang.

"KJ mong bruha ka. Syempre! Halata naman 'di ba? Sure thing na may tama ang lalaking 'yun sa 'yo! Por syur talaga day! Nagka-feels na ako nung sumama sa atin 'yun sa Central!" Pangtsi-tsismis nito. Naupo lang ako at nakinig lang sa pinaguusapan at pagaasaran nila. Okupado parin kasi ng nararamdaman ko ang iniisip ko.

I can pin the point out. Something in me feels so wrong but I can't figure what it was. Nasisiraan na ba ako ng bait?

Napailing ako. Kung anu-anong ideya ang pumapasok sa utak ko. Pero alam kong ni isa sa mga iyon ay malabong magawa ng asawa ko. Angel just can't cheat right? I trust him. I trust his personality more than sometimes, I trust my self. But still, a part of my brain is screaming. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang mga mabilis na pagbabago sa trato nya sa akin.

Something is definitely wrong. Pero mas nanaig sa puso ko ang lungkot na nararamdaman.

*

Our conversation ends when I decided to go home early. Dadaan ako sa restaurant na paborito naming kainan ni Angel. Maybe, nakakasawa din ang luto ko kaya hindi na sya kumakain sa bahay.

Pain.

Kahit kailan ay hindi nya sinabi na panget ang lasa ng luto ko. Maybe it is, ayaw nya lang saktan ang damdamin ko. Gusto ko magtampo sa kanya pero sa tuwing naiisip ko na wala naman syang pakealam ay parang mas gusto ko syang yakapin.

Inayos ko ang naka-ponytail na buhok at ang bag na nakasabit sa braso ko.

Hahakbang palang ako papasok sa restaurant ay isang pamilyar na bulto ang natanaw ko sa hindi kalayuan. Lumakas ang pintig ng puso ko bago humakbang ng ilang ulit para masigurado kung tama ang hinala ko.

"A-angel?"

I stilled as I saw him laughing. Ngayon ko nalang sya ulit nakitang tumawa dahil sa nakalipas na araw ay iniignora nya lang ako.

He's with someone. A lady with a jet black hair, tall and a slim body gorgeously laughing infront of him. Gusto ko umalis sa kinatatayuan ko pero mistulang nakadikit sa lupa ang mga paa ko.

Ramdam ko ang paninikit ng dibdib. Ramdam ko ang unti-unting pagkabasag nito pero sa huli ay tumalikod ako at walang lingon na pumara ng taxi.

Nag-unahang pumatak ang luha ko habang pilit na kinukumbinsi ang sarili na tigilan ang mga iniisip.

'Huwag ka muna mag-overthink, please. I need you to think rational. Hindi naman ibig sabihin ng magkasama sila ay may something na hindi ba?'

Pinunasan ko ang luha bago salubungin ang nag-aalalang tingin ni manong.

"A-ayos ka lang ma'am?"

Malumanay ang boses nyang 'yon kaya napangiti ako at ilang beses na umiling.

"Mahirap 'yan ma'am. Alam mo? Kapag ganyan ang itsura ng anak ko, alam ko na ang problema nya," anito at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Nakinig ako sa kanya habang nagkukwento sya sa akin.

"Pag-ibig ho ba 'yan ma'am?"

Kimi akong napangiti at tinanaw ang labas ng bintana. Napatango ako at humalumbaba bago pahiran ulit ang mga luha na natira sa pisngi ko.

"Halata ho kasi sa mukha ng babae ang nasasaktan 'pag dating sa nobyo o asawa. Kadalasan, mananahimik muna sila at hindi aamin na nasasaktan sila, kahit ang totoo ay binabalot na ang utak nila ng kung anu-ano." Tumigil sya bago imaniobra ang sasakyan paliko. May kalayuan pa kami sa bahay na tinutuluyan naming mag-asawa.

"Alam mo ma'am? Kapag ho nasasaktan na kayo ng sobra... Matuto po sana kayong humanap ng paraan para maayos 'yung nasira sa pagkatao n'yo. Ang babae ho kasi, magaling magtiis, hehe. Katulad ho ng anak ko? Sa sobrang pagmamahal sa asawa nya, ayown. Handang suwayin ang payo namin kahit minamaltrato na sya ro'n."

Napatingin ako sa salamin para titigan ang ekspresyon ni manong. Pinasigla nito ang boses kahit na alam kong nasasaktan sya sa kalagayan ng anak.

"A-ano na hong nangyari sa kanya manong? A-ayos lang ho ba s'ya?" Tanong ko at hinintay ang sagot nito. Tumango si manong ngunit ang mata nya ay napako sa manibela.

"Matagal na hong patay eh. Namatay ho ang anak ko sa kamay ng asawa nya."

Natigagal ako. Hindi ko inexpect na ganoon ang pinagdaan ng anak nya sa mismong asawa nito. Alam kong iba ang sitwasyon namin. Napaka laking pagkakaiba dahil mas malala ang sinapit nito kaysa sa akin ngunit hindi ko naiwasang mapaluha. Alam kong sobrang sakit ang naramdaman ni manong ng malaman nya 'yon.

"Kaya kayo ma'am? Piliin nyo ho 'yung pag-ibig na payapa lang. May pagkakataong nasasaktan kayo, pero dapat 'yung pag-ibig na masaya. Kasi kung nakakadurog na... Hindi na pagmamahal 'yun."

Natahimik ang loob ng kotse bago ako napakurap-kurap ng ilang beses

Ngumiti si manong sa akin ng makababa ako. I smiled genuinely before getting off the car.

"Thank you po, manong. Sana po kung nasaan man ngayon ang anak nyo, hindi na ho sya masaktan."

Manong smiled and wave me a goodbye. May tinik na nabunot sa dibdib ko pero ang kapalit noon ay ang kaba na sumiksik sa hibla ng utak ko.

Maybe it's true. Love will hurt but love makes us happy. But what if that love breaks everything inside you? What if it suffocates you until you can't breath anymore? What if you think to much and it started to pull you under? Is it right to call that love? Because right now... I'm still sure where I'll stand in my husbands life. And it's behind him. Kahit na masaktan ako. Kasi alam kong mahal nya ako. So I can't overthink too much. Magtitiwala ako sa kanya... Kasi mahal ko s'ya.

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon