Chapter 38
Nagising ako ng masakit at pumipintig ang ulo.
"Arghhh, anong nangyari?" Naibulalas ko ng ilibot ang paningin sa paligid. Wala ako sa bahay ni Bently. Sanay ako na ang unang babati sa akin ng umaga ay ang mala machine gun na boses ng kaibiga , but now? Init ng araw ang nagpabangon sa kaluluwa ko.
Nasaan ako? Saang lupalop ba ako nakarating?
Ipinikit ko ang mata at hinilamos ang palad sa mukha bago bumangon. Luminga-linga ako sa palagid at napansing malaki ang kama na hinihigaan ko.
The color of the room reminded me of something. Dinama ko ulit ang lambot ng comforter at nahulog sa malalim na pag-iisip.
Baka nasa ibang kwarto lang ako ng bahay ni Bently.
Tumango-tango ako habang hawak ang ibabang labi. Marahan akong naglakad patungo sa pintuan at magaang binuksan 'yon ngunit napaatras ako nang mapansing wala talaga ako sa bahay ni Bently. Tumaas ang tahip ng dibdib ko at napahawak sa pintuan ng makita ang hagdan na pamilyar na pamilyar sa akin.
B-bakit ako nandito! Anong ginagawa ko sa bahay namin dati ni Angel?!
"Ah! Ano bang kagagahan ang ginawa mo na naman Anna Marie!" Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa panggigil sa sarili ko.
Pilit kong inalala ang nangyari kagabi. Kung paano ko ubusin ang ilang bote ng beer at nakuha pang magbanyo pero maliban doon ay wala na akong naalala.
Inis na pinukol ko ang sarili at napaigik dahil napasakit 'yon. Walang choice na napababa ako dahil gusto ko na rin umalis. I stepped forward, holding the rail of the stairs as I look down below. Naibuga ko ang hangin habang dahan-dahang bumababa.
"GISING ka na pala."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at napa-atras.
"U-uhh yeah. Aalis na rin ako pasensya sa abala—"
"Eat first." Naputol ang sasabihin ko ng seryoso sya sa aking tumingin. Napayuko ako at walang alangan na umiling.
"H-hindi na. Aalis na rin ako kasi nag-aala na rin sila Bently," katwiran ko. He just look at me, trying to read what's on my mind. Ngumiti ako ng pilit at winagayway ang kamay.
"Kung nag-aalala ka sa kotse ni Bently, don't worry kasi ako na ang magbabayad noon. Bayad na rin sa pagpapatuloy mo sa 'kin dito sa bahay mo." I smiled and turned my back before heading through the door.
Nabigla ako ng hawakan nya ako sa kamay at walang imik na hinila ako patungo sa kusina.
"No. You'll stay here and eat with me—"
"Ako ang magdedisisyon noon at hindi ikaw—"
"But I cooked just for you!" Biglang sigaw nya.Natahimik ako sinamaan sya ng tingin.
"Do you know that we have 9 planets? Considering pluto, kasi gusto ko isama," biglang ani ko.
"And why are you telling me that?" Takang aniya.
"Isa-isahin mong puntahan at hanapin mo sa ibang planeta ang pake ko!"
Marahas na binawi ko ang kamay sa kanya pero hinigpitan nya ang kapit doon.
"Don't waste my effort Miss Escyda. It's your fault that you're here with me. You fucking drunk too much and collapsed infront of me so I brought you here. You are in my house so fvcking follow what I said!" gitil na sigaw nya.
I responded with a smirk before pulling his right ear hardly.
"Ano ka batas? Aalis ako kung kailan ko gusto. Wala kang magagawa dahil ako ang desisyon."
Binitawan nya ang kamay ko kaya tagumpay akong napangiti.
"Ayaw kitang makasama sa iisang bubong Mr. Trinus," I spatted coldly before eying him.
"Tapos na ang tayo kaya huwag kang umasta na may pakealam ka dahil ang totoo ay wala. You're just a mere stranger since the day you act like you don't know me at all."
Inis na tumalikod ako at lumabas sa bahay nyang iyon.
I didn't expect something from him. I didn't want him to come near me at all. Kasi kahit gawin ko 'yon, papatayin ko lang ang sarili ko sa kakaasa.
Bumuntong hininga ako at tinanaw ang bahay na dating naging tahanan ko.
I buried your memories a long time ago. Pero bakit unti-unti na naman akong binabangungot ng nakaraan ko sa' yo?
*
"ANONG nangyari? Nag-away ba kayo?"
Sumama ang tingin ko kay Bently na kumakain ng pandesal. Humigop pa sya ng kape at tumingin sa akin, naghihintay ng sagot.
"Wala. Gusto nya lang akong pakainin," simpleng ani ko at sumandal sa couch na naroon.
"A-ano? Hindi ba masyado kayong mapusok? Kakarating mo lang Anna Marie tapos baka masundan na ang inaanak ko," bulalas nya. Nanlaki ang mga matang napatitig sa kanya at ilang beses na nasamid ng laway.
"Bakit ba puro kabastusan 'yang nasa bunganga mo? Hindi ganoon ang ibig kong sabihin!" Angil ko.
"Gusto nya kumain muna ako sa bahay nam— n-niya. Tumanggi ako kasi ayaw ko sya makasama sa iisang bubong," nakanguso na wika ko.
Seryoso syang napatingin sa akin bago iabot sa akin ang tinapay.
"Well, wala naman sanang masama kung kakain ka sa bahay mo dati. I mean, nagtataka lang siguro ako kung bakit ka pinagtulakan noon ni Angel."
Natahimik kami ng ilang segundo.
"Whatever happened back then, limot ko na 'yon Bently. Wala ng rason para magkasalubong ang landas namin uli. A-ayos na kami ng anak ko hindi ba? Kaya ko syang buhayin. Hindi ko rin tinago ang anak nya sa kanya kasi sya ang mismong umalis sa buhay namin ni Dwyne," litanya ko. Huminga ako ng malalim at humigop ng kape.
Tumikhim si Bently at napasandal sa upuan.
"Ayaw mo bang marinig ang explanation nya? Kasi kahit ako Anna Marie, nalito rin ako noon. Sa tingin mo, kung alam mo ang dahilan nya sa panahong 'yon, iiwan mo pa rin ba sya."
Napa-iling ako at pekeng ngumiti.
"'Yun lang kasi ang kailangan ko noon sa kanya. Alam mo 'yun?" natatawang ani ko. "Pero hindi nya ginawa Bently. Mas pinili nyang kusa akong lumayo sa kanya sa panahong gusto ko syang makasama."
"I don't want him in my life again. If he wants to explain, save it. Telling the truth or lies about the past doesn't mean that I can easily forget the pain he made."
Tumayo ako at iniwan si Bently para makapag-empake. Luluwas na kami sa Central dahil sisimulan na ang proyektong ipapatayo ko doon.
Bumuntong hininga ako at tinitigan ang litrato namin ng aking anak.
Masama ba akong mama, baby? Masama ba kung pipiliin ko muna malayo ka sa papa mo dahil hindi ko pa sya kayang harapin?
I sighed as I stood up and continued what I'm doing.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...