Chapter 32
Nakarating kami sa apartment ni Bently pasikat na ang araw. Kinailangan pa na sya ang magbuhat ng mga maleta na nasa likuran ng kotse dahil ako ang magbubuhat sa anak ko na tulog pa rin hanggang ngayon.
I carried my son carefully bago paunahin si Bentley para buksan ang pintuan ng kaniyang bahay.
Wala ka pa sa mismong gate ay tanaw na ang bahay nya sa hindi kalayuan at kapansinpansin ang ganda ng disenyo nito. Hindi ko napigilan ang mapahanga at umawang ang labi.
Ito pala ang sinasabi nya sa akin dati na pinakapaborito nya sa lahat ng disenyo. A very beautiful house indeed. Hindi na ako nagtataka dahil lagi nya sa aking pinagmamalaki ang litrato noon ng bahay.
Sinamahan nya ako sa isang kwarto para duon ihiga si Dwyne.
Inilapag ko ang anak ko sa kama at inayos ang higa para makapagpahinga ito ng tuloy-tuloy. I kissed my son's forehead before I exited the room and closed the door lightly.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
Nadatnan ko sa kusina si Bently na umiinom ng wine habang diretsong nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat ako.
"Namamahay ata ako baks. Akalain mo 'yun? Ang laki nang ipinagawa mong bahay? Parang isang pamilya ang titira dito kasi napansin ko yung dalawang kwarto sa taas." Nakangiwing nagpasalin ako sa kanya ng inumin. Napapikit pa ako ng maramdaman kong gumuhit ang pait niyon sa aking lalamunan.
"Pamilya naman talaga dapat ang ititira ko dito. Alam mo 'yun? 'Yung hanggang plano nga lang." Seryosong inubos nya ang laman ng baso. Umawang ang labi ko at napatakip sa bibig dahil sa nalaman.
"T-totoo? Weh?!" Hindi makapaniwalang usal ko.
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ng tumango sya.
"Hindi ba umuuwi ako dito sa Pilipinas kapag bakasyon nyo ng anak mo?" Ilang beses akong napatango at kyuryoso syang pinakinggan.
Natawa sya ng pilit at napa-iling.
"Si Kiah talaga ang sadya ko dito noon." Walang alinlangan na banggit nya sa pangalan ng kababata namin. Natulos ako sa kinauupuan at hindi nakapagsalita.
"Si Kiah na kapitbahay ko noon sa dati kong tinitirhan." Tuloy nya.
Nanlalaki ang mata na napapalakpak ako sa hangin.
"Naging kapit-bahay mo si Kiah?! You mean, noong umalis ako dito ay lumuwas pala sya sa Manila?"
Tumango sya at tipid na ngumiti. Manghang napatitig ako sa gwapo nyang mukha at ilang beses syang hinampas.
"Ilang taon tayong magkasama sa iisang bahay tapos hindi mo 'to sa 'kin nabanggit! Hulaan ko! Naging kayo ano?" Nanghahamong usisa ko. Napatili ako ng malakas ng tumango ulit sya kaya dali-dali nyang tinakpan ulit ang bibig ko.
"Ano ba? Matagal na 'yon, bruha."
"A-anong matagal! Bakit matagal? Asawa mo na ba sya ngayon? Nagpakasal kayo ng hindi ako invited? Nako Bently ha? FO na tayo. Akala ko mahal mo ako tapos hindi mo ako inivite? I mean kahit may trabaho ako gagawa ako—"
"Kasal na sya sa ibang lalaki," he said smiling. Napatigil ako sa pagsasalita at napatulala.
"May pamilya na syang iba Anna." Dumaan ang kirot sa mga mata nya habang nakatingin ng diretso sa akin. Iglap ay gusto kong tanggalin ang bibig sa sobrang kadaldalan.
"Nangako ako sa kanya na ako ang gagawa ng pangarap nyang bahay..." Luminga sya sa paligid at nangingiting pinagmasdan ang mga ito.
"Pero ang pangako nyang pamilya sa akin... Sa iba nya tinupad."
Ramdam ko ang lungkot ng katagang binitawan nya ng sandaling iyon. Napahawak ako sa dibdib ng may maalala ngunit isinantabi ko iyon at niyakap nalang ang kaibigan ng mahigpit.
Bently is a loud person. Malalaman mo 'yun at first look but when you actually knows what's hiding beneath those smile and loud laugh, malalaman mo na hindi sya open sa nararamdaman nya. He never shared something when it comes to his family. Kung anong pinagdaanan nya noong childhood days nya ay wala kaming alam. Kasi, ni minsan ay wala syang shinare kung hindi puro jokes nya na nakakapagpawala ng stress sa 'min.
"Pero ayos na 'yon. Kiah's happy now. 'Yung kwarto sa itaas? Ang plano kasi namin ay para sa dalawa naming anak. Tapos 'yang nasa baba ang masters bedroom kasi gusto nya ay malapit sa main kitchen para makapagluto..." Tumigil sya kapagkuwan at inilapag ang baso sa lamesa.
"Sayang kasi... Hindi namin nagawa ng magkasama 'no?"
Napalunok ako ng mapatitig ako sa mata nya. The pain that I felt before, nakikita ko 'yun ngayon na para bang sya ako dati. 'Yung dati na pinipilit maging okay kahit alam ko na hindi hanggang sa masanay nalang ako magsinungaling sa sarili ko.
Tinapik ko ang balikat nya at nginitian sya ng tipid.
"Maybe someday beks, someday we will find that 'someone' na sasamahan tayo sa pag-abot ng mga pangarap natin." Matamis syang ngumiti at inakbayan ako. Humilig ako sa braso nya at natatawa syang hinampas ng mahina.
"Matulog ka na nga! Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig mong bruha ka!" Kunwaring inis na tinulak nya ako. Tumalima ako at binigyan sya ng halik sa pisngi.
"Good night bakla! Bukas! Idaan sa walwalan ang pagkadurog ng heart!"
Lumaki ang singkit nyang mata at dinuro ako.
"Linya ko 'yan! Napakahampas-lupa mo!"
Humagalpak ako ng tawa at tumalikod.
"Bawal ka uminom Anna Marie! May anak ka at sasabunutan talaga kita!" Habol na sigaw nya na parang nasa kabilang bundok ako. Nag thumbs-up ako at kumaway bago dumeretso sa kwarto ng anak na payapang natutulog.
Humiga ako sa tabi ni Dwyne at pinagmasdan ang mukha ng anak ko. Napangiti ako dahil kuhang-kuha ng itsura nya ang mukha ng ama. Maging ang abo nitong mata ay kagaya ng nasa anak. Ang matangos na ilong at ang biloy na tuwang-tuwa akong pagmasdan dati.
I sighed and smiled again.
Hindi ni minsan tinanong ng anak ko kung nasaan ang tunay nyang ama. Yes, he treated Bently as his daddy but alam nya na hindi ito ang tunay nyang ama. Noong ikwento ko sa kanya iyon dati ay wala syang imik. He just smiled reassuring me that its fine with him. His five years old but it looks like he can understand what I am saying that day. Alam ko na bata pa sya, kaya siguro wala pa syang balak itanong ang bagay na iyon.
Napapikit ako at niyakap ang anak hanggang sa dalawin ng antok.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...