Chapter 31

8 5 0
                                    

Chapter 31

Kumuyom ang kamao ko bago titigan ang papel na nasa lamesa. Attorney Layosa smiled at me after I signed the divorse paper already.

"'Di ba wala namang divorse sa pinas teh? Anong mangyayari ngayon dyan Attorney?" sabat ni Rin na nasa likuran ko habang sila Shenna naman at Bently ay nasa harapan.

"Gaga! Limot mo na bang may ultra powers yan si Layosa? Buti na nga lang ay napapayag ni Shenna na sya na ang humandle eh." Umirap si Bently at humalukipkip.

Attorney Layosa chuckled before turning her gaze towards me.

"I can work things out lalo na at hindi naman legal ang rason ng ikasal kayo. And, marami na ngayong pwedeng gawin para mapawalang bisa ang kasal. If sa tingin ng couple na wala ng saysay ang pagsasama nila, why should they stay together right?"

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Wala na bang saysay? O hindi lang ako ganoon katatag pag dating sa isang relasyon?

"I should be get going. Tatawagan nalang kita kapag ayos na or kung may information ako na itatanong," nakangiting saad nya. Napatango-tango kami habang si Shenna ay hinatid si Attorney palabas ng bahay.

Mabilis akong tumayo at dumeretso sa kwarto. Humiga bago napatitig sa kawalan at bumuntong-hininga.

"Ano bang mali sa 'kin?"

Iniisip ko kung bakit parang deja vu nalang lagi ang nangyayari. Iiyak... Iiyak... Tapos iiyak hanggang sa mapagod na ako kakaiyak. Pero iba kasi ngayon.

Ang sakit na dapat ay ang puso ko lang ang nakakaramdam, ngayon ay buong pagkatao ko.

Why do I always end up here? In my room, questioning my worth and trying to answer the questions they left behind when they also leave me?

Pinahid ko ang luha na namuo sa gilid ng aking mata bago bumangon at tumungo sa telepono. I dialed the number that Ma'am Catherine gave me. Siguro... Siguro tama ang mga kaibigan ko. Angel is not healthy for me anymore.

I sighed again.

Mahal na mahal ko ang lalaking 'yon. Sadly, he never felt the same. Sa ngayon mamahalin ko nalang ang sarili ko para sa amin ni baby. Kailangan ko magpakatatag kasi magkaka-anak na ako.

Hinaplos ko ang tiyan bago napangiti.

Baby... Gagawin ni mama ang lahat para maging masaya ka... K-kahit na tayo lang dalawa.

*

MANY YEARS LATER...

"Tangina naman! Agang-aga ang hilig mang-istorbo ng tulog! For your information Anna Marie alas-tres palang dito ng umaga! Kailangan ko ng beauty rest!"

Napahagikhik ako bago mahigpit na hawakan ang kamay ng aking anak na takang-taka na nakatingin sa akin.

"Mama? Who's that po? Is that Daddy?" Kyuryosong tanong nito bago kapitan ang kamay ko gamit ang cute nyang mga palad at huminto sa paglakad.

"U huh baby. It's your Daddy. Magpapasundo sana tayo sa kanya pero parang ayaw nya naman tayong makita 'di ba? Paano kapag naligaw tayo dito sa Manila?" Kunwaring malungkot na saad ko, sinasadyang marinig ni Bently ang mga iyon.

Narinig ko ang pagkahulog ng kung ano sa kabilang linya kasunod ng sunod-sunod nya pagmumura.

"W-what the fuck? What the fuck?! Anna Marie what the fuck!"

Maagap kong tinakpan ang speaker ng cellphone dahil nakikinig ng anak ko ang pagmumura nya.

"Ano ba? Bakit ka nagmumura? Nakikinig ka ng anak mo!" Inis na saad ko.

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon