Inirapan ko si Bently ng mapansin ang nanunuksong tingin nya sa akin papasok sa sasakyan."Taray 'teh! Ang snob." Parinig pa nito kaya naman natawa ako ng wala sa oras.
"Tigilan mo ako Theodore at mababalatan kita mamaya gamit ang nail cutter." Nagbibiro kong banta at tinanaw ang dalawang babae na inabot na ng syam-syam sa pag-eempake pabalik sa Manila. Kung tutuusin naman ay pwede magpaiwan ang mga iyon kaysa sumabay sa aming mag-asawa.
Napahagikhik ako.
'Taray! Feel na feel teh?!'
Napabungisngis ako sa mga naiisip. Hindi na masama na tawagin itong asawa. Mabait naman si Angel. Matulungin din ito, mabango at higit sa lahat ay masara—
"Shutangina Berta?! Bakit ka nang hahampas?!" Inambahan ko ng suntok ang baklang nakaupo sa back seat ng sarili nitong sasakyan. Natanaw ko pa si Rin na halatang sumisigaw sa kabilang kotse kaharap ang kaibigan ni Angel.
"Ang taray mo kasi bwaka ka! Halatang nagde-daydream ang tanders na 'to! Nako Anna Marie! Nadiligan ka na ba kagabi?!"
Eksahaderang kumumpas pa ito at dinuro aki. Inis kong kinuha ang kamay nito at pinilipit para matigil sa kakahampas sa akin.
"A-aray naman! Gaga ka!" angal nito.
"Hindi pa ako matanda Berta! I'm just 23 no! Eh ikaw? Ilang taon ka na nga ulit?! 26? Eh malapit ka na mawala sa kalendaryo eh!"
Ngumuso ito at nilingon si Kiah at Shenna na nag kukwentuhan. Gusto kong matawa ng malakas ng makitang ngumiti ito ng bahagya at binalik ang tingin sa akin.
"Ano na namang tingin 'yan?" Maang-maangang nagkibit-balikat sya. Hindi kita ang nasa loob ng kotse kaya siguro hindi napansin ng mga ito ang pagbabardagulan namin sa loob.
"Oh ano? Ready na ba kayo? Si Rin?" Sabi ko bago ayusin ang seatbelt ng matanawan si Angel na papalapit sa gawi namin.
"Nandoon sya kay Charles ate. Hindi naman papayag yung boss nya na dito sa atin sumabay, mainit ata ang ulo dito kay Berta. Kaya nga galit sya kanina eh," ani ni Shenna na tumabi kay Bently.
Bumaling ito sa katabi at isinenyas si Kiah na nakangiti at hinihintay ang pag-alis nila. Nanunuksong tinuro ni Shenna ang dalaga. "Hindi ka magpapaalam?" tanong pa nito.
Ngumuso lang si Theodore at iniwas ang tingin.
"Wife! Are you hungry? Mama wants me to give this to you." Angel hands me a medium size lunchbox bago umayos ng upo sa tabi ko. Nakangiti kong binuksan iyon at nakita ang paborito kong ube na tinamisan.
Angel looked at me as I sighed heavily. Hindi ako maayos na nakapagpaalam sa mga ito pero naalala pa rin nila akong padalhan ng paborito ko.
"Ahh... a-ayaw ko muna sila kausapin. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap noong mga nakaraang araw. Baka may masabi pa akong hindi naman maganda." Bumuntong hininga ako at tinitigan ang binata.
Angel bent over and kiss my cheeks lightly. Animo ay sa paraang iyon ay mababawasan ang lunkot na nararamdaman ko. Tumili naman ang dalawa na nasa back seat at na kinikilig.
"Ackkk! Shet lang bes! Naglalandian sila without knowing na nandito tayo sa likod?" ani ng bakla at niyugyog ang upuan nya.
"Yahh! Hashtag 'I'm so envious' . Hashtag capslock na 'SENEELL'!"
Natatawa kong sinaway ang mga kaibigan.
"Ang iingay nyo! Mag seatbelt na at mag roroller coaster ride tayo palabas sa mahiwagang baryo ng Central!"
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...