Napapikit ako ng mariin ng may tumamang kung ano sa noo ko.
Napalingon ako mula sa pinanggalingan nito at agad na napakunot ang noo ng makita ang isang bata na sabog ang buhok. Marungis ang itsura at ang damit ay may bahid pa ng kung anong kulay lupa. Napatigil ako sa paguhit ng mga damit ng mga baby dolls ko.
Ilang beses akong napakurap ng makitang ang binato niya sa akin.
Pellet gun.
Sa likod ng batang marungis ay isa namang batang mukhang anghel. Kabaliktaran ng naunang pumasok sa kwarto ko ay malinis ito at namumula ang mukha na halatang nahihiya. Ang kamay nya ay may hawak na manika na kasingkulay ng suot nyang pink na dress na may ribbon sa gitna at binagayan ng pink din na hairband.
"Ate! Raro tayo!"
Nakangisi na ang batang babaeng marungis. Sa tingin ko ay mas matanda lang ako rito ng ilang taon.
"Ayoko. Umalis kayo sa kwarto ko."
Hindi nakinig ang bata. Hinila nya pa s akamay ang kasama nya at pinaupo sa kama ko.
"Ako si Rin, sabi ni Tito Odong rararo raw kami dito." Ngumisi pa ang maduming bata. Walang pakealam sa sinabi ko.
Naiinis ako. Ayaw ko ng madumi. At sino ba sila para basta-basta pumasok sa kwarto ko? T'yaka bakit nya kilala si papa? Hindi ako sanay na may kasama sa kwarto ko.
Maya-maya ay sumilip si mama sa kwarto. Ngumiti sya ng makita kaming tatlo, samantalang ako ay nakasimangot.
"Napano 'yang noo mo?" Nilapitan ako ni mama. Bahagyang hinaplos ang namumula kong noo.
Masama ang tingin na tumingin ako sa batang may kung anong inaabot sa ilalim ng kama ko.
"Binato nya ako ng baril," sumbong ko. "Ayoko sila dito. Paalisin mo sila."
Bahagyang natawa si mama. "Pag pasensyahan mo muna sila anak. S'ya nga pala, s'ya si Rin." Hinanap ni mama ng batang marungis, ang nagpakilala rin sa akin kanina.
Napakunot ulit ang noo ko ng makitang nasa may cabinet ko na ito at tinitingnan ang mga naka-display kong guhit.
"Anak sya ng Tito Rick mo. Pinsan ng papa mo."
Nakatayo lang si Rin. Parang estatwang hindi gumagalaw at bakas sa mga mata ang pagkamangha sa mga nakikita. Napasulyap naman ako sa batang pinaupo niya sa kama ko. Ang mga mata naman nito at maamo at parang hindi sanay na magbuka ng bibig.
"S'ya naman si Shenna. Malayong kamag-anak niyo rin ang kwento ng papa mo. Anak s'ya ni Gov."
Ngumiti sa akin ang batang babae pero ng makitang masama ang timpla ko ay napayuko ulit ito.
"Bakit mo sila pinaakyat dito? May ginagawa ako mama."
"May pinag-uusapan sila sa baba nak. Naroon ang tiyuhin mo maging ang Tita Lezel mo. Remember her? The one who gives you your favorite bilo-bilo? The daughter she's talking to you about is Rin. So be nice to her okay? Your older than them so you are their ate." Hinawakan ni mama ang pisngi ko at mahina iyong kinurot. Nang iwan nya ay nakanguso ako.
Bakit maganda si Tita Lezel? Bakit ang anak n'ya...
Hihinanap ng mata ko si Rin. Nagulat ako ng nasa harap ko na s'ya!
"Ate ganda ng drowing mo. Kaya mo mag-drowing ng babaeng spy?"
Umiling ako.
Kakamot-kamot siya sa pisngi. Sukat ay tumingin s'ya sa damit nya at umiling kasunod ay si Shenna naman ang tiningnan.
"Ate," tawag nya ulit.
"Drowing damit ni Shenna. 'Wag akin kasi pangit suot ko eh."
Tinitigan ko s'ya at nilaro-laro n'ya ang hintuturo ng daliri nya. Hinihintay ang pagpayag ko. Nang tumango ako ay nagningning ang mata nya at madaling inayos ang dress ng batang babae. Lumayo pa sya at pinatingin sa kanya ang bata.
"Hoy, smayl ka! Drowing ka nya! Ganda mo eh tapos ganda dress mo!"
Napailing na lang ako at kinuha ang papel at lapis na nasa lamesa ko bago tumayo at ginawang lamesa ang kaninang inuupuan ko. Kunot na kunot ang noo ko habang nag-uumpisa gumuhit. Mabait lang ang naka bestidang bata at hindi talaga gumalaw kahit nakangiti. Si Rin ay nasa tabi ko at nakikinig ko pa ang bahagyang paghinga nya kapag lumalagpas ang pagkukulay ko gamit ang color pencil.
"Galing mo talaga!" Kinuha ni Rin ang hawa kong papel at pinakita kay Shenna.
"Ganda mo din! Ang galing! May kaibigan na akong magaling mag drowing tapos gordyus!"
Nagtatalon na sya kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Nakigaya na rin ang batang naka-dress. Nahihiya man ay napayuko ako.
Maganda daw ako gumuhit...
"Gusto mo i-drawing ko kayo pareho?"
Humarap slang dalawa sa akin, namumula ang mga pisngi pero kababakasan na masayang-masaya sila. Katulad ko.
Sabay silang tumango kaya ganoon na lang din ang kakaibang lukso ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...