Chapter 3

33 9 2
                                    

CHAPTER 3

"Ay ang chaka naman ng ex mo! Bakit mo ba tinititigan ang picture nyan? Eh mas gwapings pa 'ko dyan kapag kinareer ko pagiging fafabelz ko!" nandidiring ani ni Bently at lumapit sa gawi ko.

Natatawa akong hinampas sya sa balikat at ibinaling ang mata sa litrato.

"Gaga, ide-delete ko! Gagawa ako ng mga new memories duhh!"

"Memories ng magiging jowa mong bago?"

Umiling ako at nag patuloy sa pagse-select ng mga picture namin. May mga selfie pa sya roon at ilang stolen pictures dahil sa akin.

"Ayaw ko na baks, tatanda nalang akong dalaga," natatawang usal ko.

"Pakiramdam ko kasi, hindi talaga sa akin ang mga love life-love life na 'yan. Sinubukan ko naman lagi na mag hanap ng matitino pero ang ending, waley. Parang ako pa lagi ang talo. Parang ako lagi ang dapat mag-adjust."

'Sinubukan ko naman 'di ba?'

'Nagmahal naman ako.'

Aaminin ko na lahat ng naging ex ko, sineryoso ko lahat. Kaso tingin lang pala sa 'kin ay malaking biro.
Sadyang hindi na talaga ako aasa sa mga ganyang keme-keme.

"Suss! Kaya ba? Eh baka nga bukas-makalawa ay may na pikot ka nang asukal de papa ka na riyan?"

"Ano ka ba! Kadiri ka! Gumagaya kana sa pagiging madaldal ni Rin!" nandidiring saad ko at inirolyo ang mata.

"Duhh, I'm a sisteret so okay lang maging loud!"

Humagalpak ako ng tawa at nag asaran pa kami bago tuluyang matapos sa pagde-delete ng picture.

*

"Baks labas lang ako! Pahiram kay Poochi ha?! Nasa akin na ang susi!" sigaw ko at inayos ang pagkakabuhol ng sinturon sa high waisted jeans na suot ko. Si Poochi yung pangalan ng kotse nya.

"Hoy! Ang galing mo naman! Saan ka pupunta aber?!"

Sinuri nya ang suot ko at tinaasan ako ng kilay.

"Bibili ako ng makakain! Nakaka-bored sa bahay mo! Wala na ngang free foods tapos baka hindi mo pa ipahiram si Poochi! Ayaw ko na sa luto mo," pang-aasar ko.

"Bibili ng makakain tapos ang suot parang a-attend ng bar? Huwag ako Anna Marie! Sasakalin kita!" sigaw pa nya.

Ngumuso ako at nagpapadyak.

"Bibili nga lang Bently Theodore! Gutom na talaga ako! Ang panget kasi ng lasa ng luto mo!"

"Aba'y nakikitira ka na nga lang! Basta may pasalubong ha?! Pizza tapos melktey!" bilin nya sa 'kin at hinintay ako makaalis.

Tumango na lang ako at lumabas na sa pinto. I inserted the key and started the engine as I drove in my favorite market.

*

I stopped when I finally reached my destination. Totoo talaga na bibili ako ng pagkain pero charrot lang na pangit ang lasa ng luto ni Berta.
Magaling ito mag luto at t'yak mafa-fall ang mga babae kung nagpakalalaki lang sana ito, kaso waley. Matigas ang muscle pero pusong mamon!
Iwinahi ko ang buhok bago hawakan ang seradura ng pinto at buksan iyon.

  "Ouch!"

"Aray!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makabunggo ng isang malaking bulto. Tumama pa ang bandang noo nya sa sliding door kaya napasapo ito sa parteng iyon.

"S-sorry! Sorry. Lutang pa kasi ako sorry talaga!" paghingi ko ng paumanhin bago iangat ang paningin sa nabangga kong lalaki.

Jusko! Kung minamalas ka nga naman!

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon