Chapter 21
Nagising ako sa dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. I'm laying in a comfortable bed while the sun shines directly at my face. Muli akong napapikit at muling nagmulat ng mata.
Nasaan ako?
Pumihit ako patagilid para matitigan ng maayos kung nasaan akong lugar.
"A-ate? Ate gising kana," Rin said exitedly. Bakas sa mukha nya ang tuwa habang inaalalayan akong umupo ng maayos.
"R-rin? N-nasaan ako?"
Tumungo sya sa may bintana kung saan ay sinarado nya ang kurtina para hindi ako masikatan ng ganoong araw.
"Nasa hospital ka ate. Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako sanay sa aircon kaya binuksan ko nalang yung bintana."
Ngumiti ako bago hagilapin ng tingin ang buong kwarto.
"S-si Shenna? Ayos na ba sya?" May halong kaba ang boses ko. Hindi ko na alam kung anong unang iisipin dahil sabay-sabay ang pagpasok ng mga iyon sa ulo ko.
"Ayos na ang lagay nya ate. Hindi naman daw ganoon kalala ang tama nya. Nag-panic lang siguro ako dahil takot ako sa dugo," kalmanteng anito bago umupo sa tabi ko.
Napa-buntong hininga ako. Mabuti naman at ayos na sya. Hindi ko alam ang gagawin kung may isa sa kanila na malagay sa peligro dahil sa akin. Tama na na nailagay ko sila sa ganoong sitwasyon. Ayaw ko na ulit silang idamay sa kapahamakan.
Napatingin ako sa mga galos ni Rin ngunit iniwas nya iyon. She just smiled at me again.
"Nagpahinga ka na ba?"
Tumango sya bago pumunta sa maliit na lamesa para kumuha ng makakain.
"Nakapagpahinga na ako ate. Sa dalawang araw na tulog ka at walang malay dito ay sapat na ang oras na iyon para maging energetic ako no. Sayang kaya kapag sleeping beauty lang. Mamaya may sugar daddy dito tapos absent ako no! No way!"
Natawa ako sa kadaldalan nya. Kung ganoon, dalawang araw na pala akong tulog?
"Si Angel? M-may balita ka na ba sa kanya?"
Umiiling ito bago kumagat sa apple na na kinuha nya. Ang buong akala ko pa naman ay sa akin iyon. Ngumuso ako, tyaka nya lang naintindihan na nagugutom ako.
"Joke lang hahaha. Wala akong balita sa asawa mo ate. Pinaimbistagahan na rin ang nangyari doon sa pagsabog. Hindi sa kotse ni Angel nang galing ang tunog na 'yon. Sadyang stress ka lang kaya kung ano-ano na ang pumasok sa brain mo," nakangiwing ani nya bago sandukan ako ng kanin. Nangunot ang noo ko.
"Bakit may rice cooker dito? Saan galing 'yan?" maang na tanong ko.
Ngumisi sya bago lagyan 'yon ng kanin.
"Sa bahay mo," usal nya. Napanganga ako. Ang dami ko nang iisipin dumagdag pa sya. Tyaka ko lang narealize na pati ang isa kong drawer ay naka-display sa hospital. Ginawa nyang mukhang bahay namin ang disenyo nito.
"Ang galing mo Rin. Shuta ka talaga," sarkastikong wika ko bago sumubo sa pinggan na may laman ng ulam at kanin. Nag-thumbs up lang sya bago kumuha ng para sa sarili nya.
"Babalitaan nalang kita kapag nagawi dito ang asawa mo. Wala ba yung plano na dalawin ka 'te? Sigurado naman ako na nakaligtas 'yon."
Napatanga ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
Sinulyapan nya ako at parang timang na tinitigan.
"Alam mo ate— tanga ka talaga. Hindi mo napansin? May naamoy ako sa mga goons na 'yun. Sa palagay ko ay hindi si Angel ang gusto nilang mabura sa earth," kwento nya. Tumaas ang kilay ko at napahalukipkip.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...