Chapter 9

23 8 0
                                    

Naka-ilang pikit ako bago ikurap-kurap ang mga mata.

Naulan.

Napabuntong-hininga ako. Hapon na pero wala parin ang sundo ko. Normally kasi pag umuulan ng malakas, susunduin ako ni Papa at dadalhan ng malaking payong...pero wala sya ngayon.

Iginala ko ang paningin sa lumang waiting-shed. Butas na ang bubong noon kaya napasok ang ilang tubig sa loob.

Napasigaw ako ng may dumaang truck at nawisikan ako ng tubig.

"Ano ba yan! Ang pangit ka bonding ni manong!" I uttered rolling my eyes. My uniform is now wet and brown liquid is gushing down my feet, some of it ay nasa mukha ko pa.

"Bakit kasi wala akong kasama pauwi? Kung sana ay nandito si Shenna at Rin, may masisilungan ako at may kasabay pa mag lakad," ani ko at umupo nalang sa upuan doon na luma.

Laking-gulat ko ng may isang batang lalaki ang sumuplot kung saan. Magulo ang buhok at marungis na tumigil sa aking harapan. Sa wari ko ay ilang taon lang ang tanda nya sa akin dahil matangkad ito ng ilang pulgada.

Napakurap-kurap ulit ako. Sinuri ko ang kanyang payat na katawan, mula sa gusot at punit na damit hanggang sa mauling at may sugat na mga braso at mukha.

Napalunok ako ng tumama ang mata nya sa aking direksyon.

"A-ano... a-ahh k-kamusta?"

Gusto ko sanang agusin ako ng tubig papalayo sa kinaroroonan ko dahil sa sinabi ko.

'Teka nga?! Kilala ko ba sya?'

Napalunok ako ng pasadahan nya ako ng tingin. Hindi naman sya mukhang masama. Nakaka-awa nga ang itsura nya eh.

Nagulat ako ng may umagos na kung ano sa kanyang braso. Kasabay ng impit nyang daing ay ang pag kabigla ko dahil sa dugo ang umaagos ba iyon!

"A-anong nangyari sa iyo? S-saglit! Gagamutin kita," nagpa-panic na ako. Maraming dugo! Mabuti nga at hindi ko kasama ang aking pinsan. Paniguradong mahihimatay kasi iyon.

"Ano ba ang nangyari sa iyo? Sino ang may gawa nito?" Nag-aalala na ako. Paano kung makalawang na bagay ang naka sugat sa kanya?

Sa halip, hindi sya sumagot. Nakinig ko lang ang kalam ng kanyang sikmura. Tumama ang paningin nya at nagkasakubong ang aming mata. Napalunok ulit ako bago wala sa sariling binuksan ang bag na may lamang baunan.

"PSST BATA!"

Natatawa kong hinawakan ang buhok nya kaya naka nguso sya sa aking humarap.

"Mag palit ka ng tuyong damit. Papatila na ang ulan at kailangan mo ng tuyong pamalit 'diba?"

Tumango sya at binigyan ako ng tipid na ngiti. Isang oras na kami ditokaya patila na ang ulan ngunit pagabi narin. Malayo ang Central dahil kalagitnaan iyon ng lugar na ito. Lib-lib din at paniguradong padilim na pag maglalakad ako nag-isa.

"Uhmm uuwi narin ako,"paalam ko at sumulyap sa batang lalaki na naka suot na ngayon ng puting t-shirt ko. Nagulat ako ng tapikin nya ng mahina ang buhok ko ngunit hindi parin nag salita.

Maayos na ang itsura nya ngayon. Mas maayos na dahil pinapunas ko ang basa nyang damit sa mga uling at dumi nya. Bale, pang ibaba nalang ang basa sa kanyang suot ngunit maayos na ang kanyang katawan. May benda narin ang kaliwa nyang braso at sinuklay ko ang magulong buhok nya.

Ngumiti ako bago humakbang papalabas ng waiting shed.

Nakakatuwa. Mabait kasi sya at komportable na agad ako kahit hindi ko sya gaano kilala.

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon