Chapter 49

9 6 3
                                    

Chapter 49

Noon, akala ko, kapag nakamit mo na ang mga bagay na gusto mo sa buhay, natagpuan mo na ang kulang sa pagkatao mo at naabot mo na ang matagal mo ng pangarap, sapat na ang lahat ng 'yon para magpatuloy ka sa buhay.

Pero ngayon? Habang nakatingin sa maliit na memorial na isinagawa nila Tito Rick para kay Rin, hindi ko mapigilang umiyak. Parang pakiramdam ko ay pinipira-piraso ang puso ko.

Ganoon na lang 'yon? Sa isang iglap ay wala na talaga sya?

Ayaw kong maniwala.

May parte sa pagkatao ko na umaasa na sana hindi totoo ang lahat... Sana nandito sya ngayon at tatawa ng malakas para sabihing prank lang ang lahat. Ngunit ng makita ko ang bangkay nya... Ang parehong damit, sapatos at ang paborito nyang kwintas ay sapat na para iguho ulit lahat ng pag-asa na nabubuo sa puso ko.

"Kumain kana wife. Ako na muna dito." Angel grabbed my right shoulder lightly. Ang gaan ng haplos nya. Parang kahit sa simpleng paraan na iyon ay inaalis nya ang sakit na nararamdaman namin ngayon.

Marahan akong umiling at tinitigan ang kabaong na nakasara dahil may mga bata ring dumadalo para sa kaniya. Hindi gusto ni Tito Rick na buksan ang kahon na iyon dahil alam kong nasasaktan rin sya para sa anak.

"H-hindi." Umiling ako at tinitigan si Angel na nag-aalalang tumingin sa akin.

"A-ako muna Angel. Baka rin magising ang anak mo roon kaya ikaw na muna ang magbantay."

He sighed heavily. Malungkot ang matang sinulyapan nya ang kinalalagyan ni Rin at ibinalik sa akin ang paningin. He's guilty. I know how much he blame himself for letting that happen to my sister pero hindi nya sa akin pinapakita. Angel's eyes are expressive. May pagkakataon na hindi ko sya mabasa pero kapag seryoso o nalulungkot sya ay sa mata ko sya tinititigan.

Pinanood ko ang pag galaw nya at ang dahan-dahang pagyakap sa akin. I let him. Hinayaan kong makulong ako sa init ng yakap nya.

"I-im sorry wife... "

Hindi ko namalayan ang unti-unting pagpatak ng luha ko habang nakasandal ang baba sa balikat nya.

"Ang tanga ni Rin..." I tried to stop my tears from falling pero nang mabaling ang mata ko sa inuupuan nila Bently at Shenna ay hindi ko na 'yon m
nagawa.

"H-hindi pa nga ako nakakasal eh." Shane fake a laugh before smiling painfully. "H-hindi nya natupad 'yung promise nya..."

Bently leaned his shoulder to Shane as she cried silently. Bawat hikbi nya ay ramdam na ramdam ko kung paano sya nagluluksa sa pagkawala ng kaibigan.

"Rin was fighting her own battle," Bently said afterwards. Hindi inaalis ang tingin sa kinaroroonan ng dalaga. "She's loud, yes. Pero ni minsan... I never heard her share a single problem." Bumuntong hininga si Bently at napalunok.

"Rin loves children..." ani pa nito at ngumiti. "H-hindi na ako nagtaka kung bakit nya 'yon ginawa."

Alam rin namin 'yon. Alam namin ang bawat ikot ng bituka ng isa't isa pero ang sakit na pinagdadaanan ay hindi.

I told Angel to took care of our son. Dwyne needed rest. Malaki ang pinagbago nya simula ng mangyari ang trahedyang 'yon. Ang dating kulit ng anak ko ay naglaho na parang bula. Takot na sya sa mga sasakyan at malabong mapasakay roon kung hindi kami ng papa nya ang kasama. Pina-check ko na sya sa doctor at ayon sa kanila, Dwyne is traumatized. Maaaring mawala rin naman 'yon ngunit nakatatak na sa isip ng bata ang karahasang nakita at naranasan nya. Hindi maiwasang kumirot ng puso ko.

Bakit kailangang mangyari 'to? Can't we just live a normal life?

My son is too young to suffer from a horrible experience.

Pinahid ko ang luha at umupo sa bangko na nakalaan para sa mga bantay na naroon. Shane were sitting in the middle while Bently is in the right side. Tulala ang mga ito na parang malalim ang iniisip.

"Kumain na muna kayo," I said as I noticed how deep they're drowning in their own thoughts. Umiling si Shenna. Sumandal sya sa akin habang naroon ang tingin at mabigat ang hiningang pinakawalan.

"A-ate..." nag-uumpisa na namang mangatal ang tinig nya. Malungkot na isinandal ko ang ulo sa ulo nya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.

"Does Rin knew that we love her?"

Tumango ako at bahagyang pinisil ang kaniyang palad. Ramdam ko ang pagpipigil nya ng luha at hikbi habang nakasandal sa akin.

"Alam nya 'yun," sabi ko at hinayaan syang kumalma sa akin.

"I never told her how lucky I am to have her. B-baka hindi nya alam..." She said sadly. Tumikhim si Bently kaya napalingon ako sa kanya.

"Alam nya 'yon. At umayos nga kayong dalawa. Pinagtatawanan na siguro tayo ngayon ni Rin kasi ang drama natin." Bently tried to crack a joke. Napangiti ako ng makita syang palihim ng nagpunas ng luha.

"Bitch. If you're laughing at me right now gusto kitang sampalin." Kausap nito sa dalaga.

Napatingala ako para pigilan ang luha at pilit na nilabanan ang hapdi sa dibdib.

Nakita ko kung paano ihilamos ni Bently ang palad sa mukha at puno ng sakit na tumitig sa kinaroroonan no Rin.

"Ang gaga mo talaga. Kung kaya mo magligtas ng iba dapat niligtas mo rin ang sarili mo." Bumuntong hininga si Bently at napatingala.

"Tanginang 'yan. Ang sakit mo Rin." He said sobbing.

"Sa sobrang pagmamahal mo sa mga nakapaligid sa 'yo. Wala ka na namang itinira sa sarili mo." Tuluyan ng nabasag ang boses nya at hinang-hina na napatingin sa kinaroroonan ng kaibigan. I sobbed quietly.

Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Gusto ko sampalin si Rin. Gusto ko syang pabangunin sa kinaroroonan nya at pagsasampalin sya dahil napaka selfish nya. Pero mas gusto ko syang yakapin ngayon. Mas gusto ko marinig ang mga malakas na tawa nya. Gusto ko makita ang mga wirdo nyang pananamit gusto ko marinig ang mga biro nya na nakakapag-pangiti sa 'kin. I missed her so much... Gusto kong mag-sorry ng ilang ulit sa kanya dahil wala akong nagawa para protektahan sya.

"I miss you Rin."

Binasag ng boses ni Shenna ang sandaling katahimikan. Mahigpit ang kapit nya sa kamay ko at ramdam ko ang pag-uga ng balikat nya.

"I missed those days that you never leave my side... Kasi sabi mo kahit umalis silang lahat sa tabi ko, mananatili ka." Mapait syang ngumiti at pinahid ang naglalaglagang luha.

"You are so selfish." She sobbed continuously. "Natatandaan ko 'yung sinabi mo na ayos lang na mawala ka kasi wala namang makakamiss. B-bakit miss na miss ka na namin ngayon?"

I wiped my tears as I heard how hurt they are because of her death.

"Ikaw 'yung nakakatangina kapag nandiyan pero nakakagago kapag wala." Natawa ng bahagya si Bently.

"Fvck. Can you believe this? Iniiyakan na kitang bruha ka..." tumigil sya ng bahagya at napayuko. "R-rin—tangina naman eh," lumakas ang hikbi niya kaya ganoon nalang din ang pagpipigil ko na sumabay doon. I can't be weak right now... Alam kong nakikita ni Rin na nandito kami at hindi sya matutuwa kung sinusubaybayan man nya kami ngayon.

"Wala man lang akong nagawa para protektahan ka." Madiin na kumuyom ang kamao ni Bently.

Mapait akong napangiti.

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon