Chapter 16

15 7 0
                                    

Ngumuso ako dahil sa kadaldalan ni Angel. Kanina pa nya kinikwento sa akin ang napanood nya na p*rno nung nakaraan at may scientific explanation pang nalalaman ang gago.

"I want to try that position wife. I researched about that and the article said that its breathtaking and amazing. Of course it can make you come multiple times. The good thing about that is you're on top of me and you'd be moaning lou—"

"Shuta Angel manahimik ka!"

Napahinto ito sa pagsasalita at pagmamaneho bago tumingin sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin at ilang beses na hinampas ang braso kaniyang braso.

"'Yang bunganga mo Trinus! Sabi ko na huwag ka na manonood ng tungkol doon 'di ba?" angil ko at isinandal ang sarili sa kotse. Nainis ako nang ngumisi sya sa akin. Pakiramdam ko ay lalo nya akong inaasar.

"Huwag ka nga ngumiti! Naiinis ako sa 'yo! Ang pangit ng dimples mo at ang pangit mo! Mag-drive ka nalang!"

Hindi nya ako sinunod. Nakangiti lang talaga sya kaya lalong uminit ang ulo ko.

"Sabi ng huwag ka ngingiti eh! Ang pangit mo Trinus! Huwag ka sa 'kin titingin! Ilayo mo ang mukha mo at tatadyakan kita!" I look at him angrily. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang init ng dugo ko sa kanya. Ang pangit nya sa paningin ko at gusto ko dukutin ang mata nya.

"Wife... I'm just sharing what I've research. Walang masama roon," mahinahong usal nya at inilapit ang sarili sa 'kin.

Kaninang umaga habang naliligo ay nakaramdam ako ng panghihilo. Gusto ko sana umabsent kaso ay hindi pwede dahil ngayon ang sched ng gowns and dress delivery sample para masimulan na gumawa ng copies.

Hindi nawala ang busangot sa mukha ko at inilayo ang mukha nya gamit ang kamay ko at inamba ang kamao.

"Layo! Susuntukin kita eh!"

Naiinis ako sa kanya. Parang kanina lang ay gwapong-gwapo ako sa kanya at sa mga abs nya, ngayon ay nabi-bwiset ako. Ang daldal nya rin at naiinis din ako doon.

He looked at me confused then pouted a second later. Tumingin sya sa daan bago ibalik ang tingin sa akin.

"Come on. Don't be like that w-wife. May nagawa ba akong mali?"

His eyes looked so sad while he reached for my hand and hold it tightly. Nag-iwas ako nang tingin.

"W-wala. Huwag ka sa 'kin tumingin," wika ko at inayos nalang ang seatbelt na suot. Narinig ko syang bumuntong hininga at sinimulan na mag-drive ngunit ang isang kamay ay nasa palad ko pa rin.

Maya-maya ay humikbi ako. Sa loob-loob ko ay naguluhan ako sa sarili. Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala namang nakaka-iyak kay Angel.

Humarap si Angel sa akin at mabilis na napalitan ng pag-aalala ang emosyon sa kanyang mukha.

Ipinarada nya agad ang sasakyan sa gilid ng kalsada at agad na bumaling sa akin.

"W-wife! Why are you crying? Is it about the positions? I will not do that again. S-stop crying." Nanlalabo ang matang tinitigan ko sya.

"A-angel! Naiiyak ako! Ang pangit mo na sa paningin ko, shuta ka! Gwapo ka naman dati! T-tapos... Tapos ang pangit mo na! Tanggalin mo yang mata mo. Ang pangit mo gago ka," atungal ko at sunod sunod ang patak ng luha sa aking mata.

Angel stilled in his sit. Awang ang labi at nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"Y-you want me to take out my orbs? Seriously wife?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

Suminghap ako.

"H-hindi. Huwag na pala." Pagkuway bumusangot ako.

He breathe out frustratedly while combing his hair with his slender finger.

"Come on wife. Ako na ang bahala sa work mo. I'll talk to Catherine later. We're going to buy you some foods," anito bago tumalima at paandarin ang kotse.

Kumalma na ako. Gusto ko sabunutan ang sarili. Ano bang nangyayari sa akin? Siguro ay dadatnan na ako kaya napakawirdo ko na naman. Sanay na sila Shane at Rin sa akin sa tuwing magkakameron ako kaya siguro ay naninibago ako at si Angel ang kasama ko.

*

Angel parked his car first before going outside and opened the door for me. Dinala nya ako sa isang restaurant na mukhang mamahalin. Bumaba ako at inayos ang sarili bago titigan ang asawa sa pagalalay sa akin. Nakaramdam ako ng guilt ng tingnan nya ako na parang naiintindihan nya ang kagagahan ko.

"Wait for here wife. I'll order some delicious food for you." Angel whispered at my ear when he  finished to guide me in the table. Ngumiti ako ng tipid.

The restaurant is elegant. Magmula sa mga furnitures at mga design noon ay ang ganda tingnan.

Binasa ko ang nakasulat sa cover ng menu at nagtinging-tingin doon.

'Ferrer Restaurant'

Looks like kilala ko ang may-ari kaya umismid nalang ako at hinintay si Angel na kinakausap ang isang babae na naka-uniporme at malapad ang ngiti sa asawa ko.

Napairap ako at napasinghal bago senyasan ang isang waiter na naka-black and white para sana makainom ng tubig. The waiter look so manly. Pe-pwedeng maging model sya ng mga gawa ko para sa mga lalaki. He had a look that girls dig kaya siguro natutuwa ang mga customer sa kanya. Napailing ako. Mas gwapo pa rin ang asawa ko. Nakangiting lumapit ito sa akin. Hawak ang isang tray na may lamang baso ng tubig at diretsong tumungo sa direksyon ng inuukupang upuan namin ni Angel.

"Miss p'wedeng akin na muna 'yung tubig? Nauuhaw na talaga ako eh." I glanced at the woman whose wearing a ragged and dirty clothes, pleading me to gave her the glass of water.

Ngumiti ako at tumango.

"P-pero sa inyo po ang tubig na 'to ma'am—"

Mahinahon kong pinutol ang pagsasalita nung waiter at sinensyasan si ate na uminom nalang. Tutal ay mukhang uhaw na uhaw na sya. Sigurado naman ako na may dalang tubig o juice man lang si Angel pagbalik.

"Okay lang kuya. Hindi naman ako gaanong nauuhaw," wika ko at sinenyasan si ate nankuhain na ang baso. "Sige 'teh, inom na."

Ngumiti ang babae at kinuha ang nasa tray na baso bago inumin 'yon. Nahagip ng paningin ko ang waiter na nag-iba ang ekspresyon bago hintayin na ibalik ni ale ang baso sa tray nya. Parang na-conscious ito. Sa palagay ko ay bading talaga ang waiter dahil kanina pa sya nakatingin sa babae o hindi kaya type nya si ate.

Nagpasalamat ang babae kaya sinuklian ko ito ng tipid na ngiti ngunit ganoon nalang ang gulat ko ng bumagsak ang babae sa sahig. Naghiyawan ang mga tao at nagkagulo ang mga etchosera sa paligid.

Awang ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ako maka-alis sa pwesto ko habang ang waiter na kanina lang ay nasa harap ko ay nawala ng parang bula.

Nanginginig ang labi na napa-atras ako at malakas na humiyaw.

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon