Chapter 35
"Anak, buti naman at pumayag ka na isama ang apo ko sa Central," ani mama at alanganing napatingin sa akin. "Sure ka ba 'nak? Natutuwa kasi ako dahil sa lumipas na taon ay makakasama na namin ng papa mo ang gwapo naming apo. Eh talagang gusto namin ipasyal ang batang ito eh," nangingiting anito.
Niyakap ko si mama at hinalikan sya sa noo bago ibigay sa kanya ang kamay ng anak ko.
"Sure po ako mama. Alam ko naman po na miss nyo na ang apo nyo. And sa susunod na araw po ay uuwi rin ho kami sa Central. Para may alone time naman po kayong mag lola at mag lolo," nakangiting ani ko. My mom smiled at me genuinely. Bumisita sya sa amin kahapon ng madaling araw at laking gulat ko dahil hindi man lang sya tumawag. I totally freaked out but I can't deny that I missed my mom so much.
Bently appeared at my side holding Dwyne's bag and things.
"Be good to lola, Dwyne. Susunod rin naman kami doon ng mama mo." Umakbay sya sa akin at ngumiti sa direksyon nila mama.
My mom hugged me once more before I kissed and bid goodbye to my son.
"Mag-eenjoy ka sa lugar na 'yon anak. I love you! Huwag magpapasaway kay lola hmm?" mahinahong utos ko.
Tumango-tango ang anak ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Take care mama. I love you too!"
Bandang alas dose na rin ng makaalis sila sakay ng personal driver namin na si Mang Toto. Hindi na raw nakasama si Papa dahil sumakit ang kasu-kasuan noong isang araw kaya I decided to let Dwyne enjoy just for a little while. He is so exited when I told him that he'll stay there for a while until I came there for my latest project.
"You do know that he'll be exited." Napamaang ako na napatingin kay Bently nang magsalita sya. Iniangat nito ang mukha ko kaya ngumuso ako at umiwas ng tingin.
"Alam ko," simpleng ani ko at tinanaw ang kotse papalayo.
He raised his eyebrow before chuckling.
"Eh bakit mukha kang problemado dyan? Nakita mo naman siguro na masaya ang nanay mo na makasama ang apo nya."
Umirap ako sa hangin at tumalikod.
"Syempre ngayon lang naman malalayo ang anak ko ng ilang araw. Mamimiss ko sya."
Patalikod na naglakad si Bently at natatawang nilagay ang kamay sa bulsa.
"Come on, ilang araw lang mawawala ang anak mo sa paningin mo. Para ka ng depress dyan."
Hindi ko na ito pinansin at dire-diretsong tumungo sa loob ng bahay para makapag-pahinga.
*
I yawned as I burried my head in the pillow. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa ring magandang idea ang pumapasok sa utak ko. Nagkalat ang mga lapis at papel na naka gusot at magulo na rin ang aking buhok.Inayos ko ang suot na salamin at nagmamadaling tumungo sa banyo bago maglinis ng katawan. I fixed my hair and picked a red jackie dress before putting a light make up on.
Nagmamadaling inayos ko ang mga sketches ng gown ng mga brides maid. Hanggang ngayon ay naka-tengga pa rin ang para sa wedding gown.
Kailangan ko ng refreshments! At kapag kailangan ko ng refreshments, kailangang mambulabog!
Excited na ini-lock ko ang pinto at patakbong tinungo ang kwarto ni Bently. Kinatok ko iyon ng ilang beses ngunit ng walang sumagot ay pumasok na ako ng diretso.
Nagulat pa ako ng bahagya dahil ngayon ko lang napag-alaman na hindi pala s'ya naglo-lock ng pintuan.
Umawang ang labi ko ng makita na naka-display ang katawan nya sa kama. Wala si Bently na saplot pang-itaas at tanging maluwag na short ang suot pang-ibaba.
Naduduwal na napa-atras ako kaya nabasag ang vase na disenyo sa gilid ng kaniyang kwarto.
"W-what the effin fvck!"
"Luh OA."
Gulat na napamulat ang singkit niyang mata bago tumama ang titig sa direksyon ko. Nakagat ko ang labi at nag-piece sign bago nagtatakbo palabas dahil inambahan nya ako na babatuhin ng unan.
"How dare you, Anna Marie!"
Natatawang nagpahabol ako sa kanya na nagpupuyos ng galit. Sa lahat ng ayaw nya ay iniistorbo sya sa kanyang tulog kaya ganoon na lamang ang inis nya at malakas akong binato ng unan. Nasangga ko iyon at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
"Y-you witch!" Napatitig pa sya sa akin ng ilang minuto bago may mapagtanto.
"Why the hell are you wearing a dress?"
Ngumuso ako bago ngumiti ng matamis.
"Gorl! Punta tayo sa bar!"
Itinaas ko ang kamay sa ere.
Kumunot ng malalim ang noo nya at kumuyom ang kamao bago malakas na sumigaw. "It's fucking 2:34 in the morning and you wanna go to a freakin bar?! Bruha ka talagang babae ka!"
Patakbo akong bumalik sa kwarto ko at automatic na ini-lock 'yon.
"Hindi ko kasalanan na hindi ako makatulog okay? At tyaka... Sige na, bakla, tatawagan ko rin sila Shenna," nangumgumbinsing ani ko sa kabila ng malakas na katok nya sa pinto.
"I swear, Anna Marie! I'll effin' wring your neck! Bruha ka talaga! Siraulo ka ba? How dare you disturb while I'm in a deep slumber!" Ulit-ulit na anito hanggang sa tumalikod at pumunta sa sariling kwarto. Tagumpay akong napangiti at nag simulang mag video call sa gc.
Agad na singhal ni Bentley ang narinig ko kaya napangiwi ako sa itsura nya. Nakahiga na ito sa kama at walang pake na idinis-play ang katawan sa camera.
"Shet, may sugar daddy," ani Rin na mukhang high dahil sobrang gulo pa ang buhok. Sunod na lumitaw ang mukha ni Shenna na halatang antok na antok. Nakadapa ito sa kama at naka sandal ang baba sa unan.
Inayos ko ang naka messy bun na buhok at ngumiti ng matamis sa camera.
"Nightmare clubs guys. Let's grab some drinks," usal ko na umani ng iba't ibang reaksyon buhat sa kanila.
"Ganyan na ba 'pag yayamanin? Kagagaling mo lang sa States nang iistorbo na ng tulog?" Rin pouted her lips before looking at me. "For your information ate, isang oras lang ako natulog," ani pa nito.
I glanced at the screen when Bentley's camera suddenly turned off.
"Wow ha? Natulog ako? Sino ba kasi sa atin ang nagpapa-rush ng ideas sa design ng gown? Ako ba?" sikmat ko at binalingan ang kaliwang bahagi ng screen. Umirap si Shenna at tumayo mula sa pagkakasubsob sa unan.
"Edi dapat nag-iisip ka ngayon ate! Hindi tumatawag ng madaling araw para uminom." Rin look so pissed but I just laugh at her reaction.
"You know me, Rin. I can't think properly when I'm this stress. Please, samahan nyo na ako."
"Hindi ba dapat pagod ka? Tibay mo naman," I heard Bently on the screen.
"Hindi, t'yaka wala ring papasok sa isip ko lalo na sa mga design para sa mga maid of horror at bridesmaids. Ngayon na lang 'to! Bonding na rin," wika ko.
Ngumuso si Rin at parang tangang inilapit ang mukha sa camera.
"Naisip mong mag bonding ng ganitong oras? Bruha ka talaga Anna Marie!" Pang-aasar ni Rin kaya pinakita ko sa kanya ang gitnang daliri at sarkastikong nginitian.
"Yeah right." Umirap si Shane at bumuntong hininga. "Oo na. We will be there na okay? Just wait for me 'cause I have something to do pa," wika nito at ibinaba ang tawag.
Rin giggled as Bentley's camera finally showed again. Hindi katulad kanina na mukhang macho dancer sa gay club ay nakasuot na ito ng T-shirt at maong pants.
Binalingan nito ng tingin si Rin at sinamaan ng tingin. "Ikaw? Hindi ka sasama?" saad nito at itinaas ang cellphone sa mas maliwanag para mas makita sa camera ang pagmumukha nya.
Agad na binantaan ko si Rin nang tingin na agad nawala sa harap ng camera.
"Sasama! Wait lang! Bihis muna ako!"
Namatay ang tawag kaya napagdesisyunan ko na rin lumabas at tumungo sa kwarto ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
AcciónR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...