Chapter 12

17 7 0
                                    

warning: matured content.

"ASAWA na kita ngayon."

Napalunok ako ng ilang ulit bago lingunin ang lalaking nasa likuran ko na diretsong nakatingin sa akin.

"H-hehe," umubo ako dahil pakiramdam ko ay nasamid ako ng sarili kong laway. "Oo nga asawa mo na ko... Ang galing." Pilit kong ini ngiti ang labi ko.

Ninenerbyos ako. Parang tanga lang. Pakiramdam ko ay kada salubong ng paningin namin ay may kuryente na dumadaloy doon. Iniisip ko kung anong pwede naming gawin ngayong gabi para hindi maging awkward sa isa't isa.

Sinaway ko ang sarili. Ano ba ang ginagawa ng mag-asawa sa gabi? Syempre tutulog! Tutulog lang at wala ng iba.

Umingos ako bago ipagpag ang malambot na unan na may puting punda. Inabala ko ang sarili para hindi magsalita ng kung anu-ano dahil sigurado naman ako na walang kwenta ang lalabas sa bibig ko.

Nang matapos ang kasal ay dumeretso kami sa isang magarbong reception. Napanganga pa nga ako dahil mukhang malaking pera ang ginastos para lamang sa desenyo niyon, paano nalamang ang gastos sa pagkain? Hindi maipagkakaila na kilalang tao sa Central ang aking magulang at mas lalo namang kilala ang mga Trinus dahil sa maipagmamalaking mga negosyo nito, kasama na ang LUXURIOS, ang hotel na kumakailan ko lang nalaman na pagmamay-ari nila.

Sabog ako kanina pa hanggang makarating sa space na pansamantala naming tutuluyan. Solo lang namin ang simpleng apartment ngayong gabi dahil hindi pumayag ang magulang ko na roon kami sa bahay magpalipas ng gabi. Kinailangan tuloy na magpanibago ng bayad pero luluwas na rin kami bukas sa siyudad.

May bumabagabag din sa akin ng nagsimula ang kasal. Napansin ko kasing walang magulang na katabi si Angel kanina. Nakaramdam ako ng lungkot. Kung gann'n, wala na ba syang magulang? Kung sabagay, nang matapos kasi ang reception kanina ay wala man lang nabanggit si Kapitan na ama ni Angel. Kalimitan kasi ay pinagtatabi sa isang lamesa ang mga magulang ng ipinakasal para makapag-usap at salu-salong kumain.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi nya sa aking balat dahil sa palarong pinangunahan ni Kapitan. Kasayahan lang daw iyon pero nag-iba ang tempertura aking katawan nang iangat ni Angel kanina ang garter gamit ang labi mula sa aking hita. Kasabay ng pamumula ng  mukha ay sigawan ng mga hinayupak kong kaibigan.

Napaiktad ako ng may humawak sa baiwang ko at hapitin ako sa isang mahigpit na yakap.

"A-angel," bulalas ko at sinalubong ang tingin nito.

Ngumiti sya at hinawakan ako sa pisngi, kinurot-kurot pa niya iyon kaya sumama ang tingin ko rito bago inguso ang tambak ng regalo sa gilid ng kama. Kanina, sa reception ay may binuksan din na regalo. Ang kaso nga lang ay hindi nilahat dahil sa sobrang daming tao ang dumalo ay ang dami rin naming natanggap na regalo.

Sinulyapan ni Angel ang parteng iyon ng kwarto at ngumiti sa akin.

"Can I open one wife?" tanong nya.

Tumango ako at ngumiti bago abutin ang isang malaking box na nakabalot sa isang wedding gift wrap. Pinigilan kong hindi matawa ng makita na nahihirapan sya sa pagbubukas ng isang kahon doon.

"Tulungan nga kita! Para kang bata Angel. Ang dalidali lang nyan eh," natatawang ani ko at pinunit ang papel na nakabalot doon.

Exited naming binuksan ang kahon ngunit ganoon nalamang ang awang ng labi ko habang ang mukha ni Angel ay binalot ng kyuryusidad.

"S-shuta?! Kanina galing yan?" My lips parted and move a step, away from the gift we just opened.

Kinuha naman ni Angel ang isang papel na nakalagay sa gilid noon.

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon