Chapter 40
BANDANG alas-siyete ng gabi ay nakarating na kami sa Central. Magaan lang kasi ang traffic at hindi hassle ang byahe kaya tuloy-tuloy ang daloy ng van na sinasakyan namin. Sa daan ay napansin ko na maayos na ang ibang mga establisyemento na dati ay hindi pa gaano naayos. Hindi na rin bako-bako ang daan dahil maganda na ang mga kalsada roon.
I hummed as the cool air touched my skin. Nilipad ang buhok ko na nakaladlad at ang iba noon ay pinapayad sa mukha ko. Napakasariwa ng hangin.
"Mamaya nalang natin ipababa kay manong ang mga 'yan," ani Rin at inilakbay rin ang paningin sa lugar.
Hindi ko napigilan mapangiti ng makita sila mama na nag-aabang na sa gate. After five years, hindi ko lubos na maisip na nakabalik na ako. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap habang ang mga kaibigan ko naman ay nagmano. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang anak ko na patakbong yumakap sa akin.
"Mama!" He shouted exitedly and hugged me tightly. Ramdam ko ang higpit nito kaya maingat ko syang kinarga at hinalikan sa pisngi.
"I missed you, mama. So much." He cutely looked at my face and examined me like it was months that I'm far away from him.
"Miss na miss din ng mama ang baby ko na 'yan," nakangiting ani ko at pinupog ng halik ang pisngi nya.
I never expected that my heart will burst in so much joy once I stepped in this town again. Ang akala ko noon, hindi ko magugustuhan na manatili sa lugar na 'to. But now? After seeing my family once again, pakiramdam ko hindi ko na kayang malayo sa kanila.
"May hinanda ako sa loob. Pumasok kayo at maghapunan."
Agad na sumunod ang nga kaibigan ko sa sinabi ni mama.
"Anong ulam tita? Adobo po? Talaga? Mahal nyo talaga ako."
"Pero paborito rin 'yun ng anak ko iho."
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Bently dahil sa sinabi ni mama. Parang tuta syang tumingin sa 'kin at napailing-iling. Natatawang tinulak ko sya papasok sa bahay.
"Assumero ka kasi," pang-aasar ko.
Marami kaming napagkwentuhan bago mapagdesisyunan na tumuloy sa isang malapit na pahingahan doon.
"Good night, ate. Good night pamangks." Rin kissed my son's cheeks. "Antok na ang tita. Sleep well baby," she said sweetly.
My son kiss her goodnight too before she headed in her room. Isang simpleng bahay iyon na hindi kalayuan sa bahay nila mama. Naisipan nila ipatayo para raw sa mga kaibigan ko na magpapalipas ng gabi. Apat ang kwarto na naroon na sapat para makapag pahinga ng maayos.
After Bently, Shane and Cloud said goodnight. I tucked my son in and sang him a song hanggang sa unti-unti syang makatulog. Napangiti ako at niyakap ang anak ng mahigpit bago dalawin ng antok.
*
"Aba'y kayo bang magkakaibigan ay gusto mag-swimming sa dagat?"
Napatayo si Bently sa pagkain ng buko na kanina ay prenteng nakaupo sa damuhan. Nakasuot sya ng jogging pants at hawak ang balat ng buko na ginawang kutsara.
"Saan po 'yun kuya? Malapit lang ho ba dito?" Gagad na tanong nya. Napangiti si manong na hawak ang isang mangawit ng buko at ang itak na pangbukas ng murang niyog. Magaan ang awra ng mukha nya at mukhang friendly kaya naman habang kumakain ng buko ay nakikipag kwentuhan na rin kami sa kanya.
"Aba'y malayo-layo sa Central iho. Kalimitan kasing sasakay muna sa tricycle o jeep kung gusto mo talaga sa magagandang dalampasigan," ani manong.
"Wala ho talagang malapit manong? Like mga ilang tumbling, ganurn?"
Natatawang umiling si manong sa kakulitan ni Bently.
"Dito ho sa Guinayangan ay merong Busay Falls na tinatawag. Malamig rin ho ang tubig dahil kadugsong ng resort nila ma'am Rin. Maliit lang ho ang gastos pero kung gusto nyo sa dagat ay sa babyahe ho tayo ng tricycle or jeep," paliwang nito.
Napatango-tango ang mga kaibigan ko habang ako ay abala na sinusubuan ng buko ang anak.
"Ano? Game?"
Nagkatinginan kami bago matawa sa isa't isa.
"Basta libre nyo, why not?"
Nagsukatan ng tingin si Bently at Rin."Kaya ayaw ka nila jowain eh. Masyado kang buraot." Bently said. Rin laugh before throwing some small stone towards him.
Tumingin sila sa akin kaya napanguso ako at tumango na lang.
"Nice! Libre!"
Shane glared at Rin.
"Puro ka libre pero 'yung utang mo na sampo sa 'kin nung collage ka hindi mo pa bayad." Nanlalaki ang mata na itinuro ni Bently si Rin bago tumawa ng malakas.
"Hoy 'yang gagang 'yan, may utang rin sa 'king bente dahil wala raw pambili ng fish ball! Ano na Rin? Bayad mo!"
Tumawa lang ang dalaga na parang hindi kumain ng ilang linggo dahil punong-puno ang bunganga ng buko.
"Kasalan ko ba na nagpautamg kayo? Wala akong pera ngayon, si ate muna ang magbabayad." Turo nito sa akin. I fave palmed when Shane and Bently opemu their hands infront of me. Napa-iling iling ako.
"Ambag nyo na lang sa pamasahe natin sa jeep," I said smiling.
Ngumuso ang dalawa at binaling ang sama ng tingin kay Rin.
"Hindi counted 'yun. May utang ka pa Rin samin," reklamo ni Bently bago tumayo.
Natapos ang araw na iyon na puro pag-uusap tungkol sa utang ni Rin sa kanilang dalawa. Kung tutuusin, umabot na sa isang libo ang nahihingi ng buraot na dalaga sa 'kin kakalimang piso nya noong panahon na nag-aaral pa kaming tatlo. But I kept silent about it kasi hindi naman talaga nya 'yun babayaran kahit na anong gawin ko.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...