Chapter 34
SABI NILA, life is full of surprises. Hindi sa lahat ng oras mararanasan natin 'yung sakit na akala natin, hindi natin masu-survive. Natatandaan ko na may nagsabi sa 'kin na life is not just about waking up and making mistakes for the whole day. Kasi once na nagkamali ka, bago ka matulog at ipikit 'yang mga mata mo, may lesson kang natutuhan.
Life is surprising indeed. May mga taong darating sa buhay mo ng hindi mo inaasahan at may mga aalis. But that doesn't mean that wala na at hihinto na ang pag-ikot ng mundo mo.
When Dwyne comes to my life, he changed and he keeps on changing everything. Sya 'yung pinanghuhugutan ko ng lakas sa panahong gustong-gusto ko na sumuko.
Angel deed break me, gazillion times. But when our son comes to my life? Dwyne is the one who make it colorful and strong again.
"I'm so proud of you, ate."
Naiangat ko ang ulo para salubungin ang tingin ni Shane. Her smile widened before walking towards me. Sumandal din sya sa lamesa na kinakasandalan ko habang nakatingin sa dalawang kaibigan na naghahanda ng pinggan para makakain.
"Nakita ko kung paano ka madurog pero, here you are, a very famous and a beautiful mom, slash fashion designer," aniya at sumulyap sa gawi ko.
Natawa ako at umiling-iling.
"Ikaw rin naman ah? Proud ako sa 'yo kasi kahit hindi kita nasamahan sa panahong kailangan mo ng ate, nagpakatatag ka para sa anak mo."
Napatungo ako at sandaling natulala.
"Hey, it's fine. Don't feel bad about leaving us because if going away to escape that pain you've been through? We are here to support you, always," she replied. Niyakap nya ako ng mahigpit bago ako pakawalan.
"After how many years... How is it going? Anong balita?"
Napatungo ako bago gumuhit ang isang tipid na ngiti sa labi.
"Well, I survived? Nandiyan naman ang anak ko na dahilan kung bakit ako masaya ngayon." Huminga ako ng malalim. "Bently offered me that sya na ang hahanap ng engineer para sa design nya. May kilala raw sya." Kibit-balikat ko.
"I'm so exited ate. Fan na fan si mommy ng mga designs mo," natutuwang aniya. I chuckled softly.
"Nakikita ko nga sa mga post nya. Lagi pa akong naka-tag."
Napalingon kami sa gawi ni Dwyne at Cloud ng lumapit ito sa amin.
"Tito Bently said that kakain na raw po." Cloud said. Umayos ako ng tayo at binuhat ang anak ko.
"Eat na po sabi ni Daddy," nakangiting anito at yumakap sa akin. Shane come near us and pinched my sons cheek making Dwyne giggled.
"Binantayan mo ba ng maayos si Dwyne, anak?"
Tumango ang binata at inakbayan ang ina.
"Ang laki na ng anak mo. Parang kailan lang nung nalaman kong may anak ka pala." Natatawang usal ko.
Shane responded with a giggle.
Sabay-sabay kaming tumungo sa kusina para kumain. Nadatnan namin na maayos na ang lamesa habang ang dalawa ay masamang nakatingin sa isa't- isa.
"Tingnan mo 'tong bruhang 'to Anna Marie, kararating lang natin kung ano-ano ng sinasabi," ani Bently at umirap kay Rin naka halukipkip.
"Masama bang sabihin na pinagpalit ka sa malapit? Totoo naman."
"Ang tabil ng bunganga mo. Buti at hindi ako napatol sa babae."
"Akala ko sa lalaki ka napatol."
Napasapo ako ng noo at inupo si Dwyne sa pagitan nila. Agad naman na doon nabaling ni Bently ang paningin nya.
"Nasa hapag-kainan na. Huwag kayo magtalo dito."
Nanahimik silang dalawa bago magsimula ang kainan. Sinusubuan ni Bently si Dwyne habang nag-uusap kaming tatlo nila Rin. Cloud remained silent as he eat. Pansin kong hindi sya pala salita, siguro ay mana sya sa ina.
*
Matapos kumain ay si Rin ang nag-alaga kay Dwyne. Umalis sila kani-kanina lang dahil ipapasyal daw muna nya ang pamangkin kasama si Cloud.
Iminaniobra ko ang sasakyan bago i-pinarada 'yon sa isang parking space. Taas noo akong naglakad at tinanggal ang salamin na nakatabing sa aking mata.
I look at the store as a memory hit my mind. Napailing ako at napangiti. Natigil pa ako ng matanawan ang bench na hanggang ngayon ay naroon pa rin. The bench that I sit on when I spilled a hot coffee in his arms. I remember how his facial expression doesn't change, just like how he looked at me when he said that he don't love me and I'm just a job.
Pumasok ako at inilibot ang paningin para mamili. Lumaki ang establisyementong 'yon. May mga food cart na rin sa loob at sa kaliwang parte ay pamilihan.
Napako ang tingin ko sa hanay ng stick-o na may kataasan. Naisipan kong tumingkayad at abutin iyon pero hindi ko maabot. I whined as I look at the small container with my son's favorite food inside it.
Nagulat ako ng may biglang umabot noon at ibinigay sa akin. Bumakas ang pagkagulat ko nang salubungin ko ang mata nito dahil natatakpan ng tela ang kaniyang mukha.
Saglit akong natulala bago sya tumalikod kaagad.
That eyes... I've seen that before.
Nagtagal ang tingin ko sa stick-o na aking hawak bago napailing.
Mali naman 'yung flavor! Tsk!
Inilagay ko nalang 'yon sa cart at kinuha ang akyatan na naroon bago kumuha ng limang garapon. I decided to keep the other one, chocolate kasi 'yon at ako lang naman ang kakain, samantalang si Dwyne ay 'yung strawberry ang favorite.
Binayaran ko sa cashier ang mga pinamili na pagkain. Bumili na rin ako ng pagkain ni Bently at Rin dahil magtatampo ang dalawang 'yun. Nang napadaan ako sa bookstore ay pumili ako ng science books at ilang novels para kay Cloud dahil mahilig daw ito magbasa. Ini-spoil nga raw
ito ni Rin dahil pareho ang hilig ng dalawa.Agad akong napabalikwas ng mapansin ulit ang lalaki na nasa gilid at namimili rin ng aklat. I sighed when he didn't notice me staring at him but when I about to turn my back, nahulog ko ang hawak kong mga aklat.
"Let me help you."
I shivered at his voice. Naestatwa ako bago tarantang pinulot ang mga nahulog na libro.
"A-ahh uh—salamat," I stuttered. His eyes look at mine as I averted my gaze in the book I'm holding
Nagtama ang mata namin. Hindi ko maiwasang mapatingin dito bago pilit alalahanin kung bakit pamilyar ang matang iyon.
"I like your eyes..." Wala sa sariling usal ko.
I heard him chuckled before turning his head sideways. Natulala ako ng maramdamang sumikdo ang tibok ng aking puso.
Could it be him?
I shake my head afterwards before meeting his stares again.
"Your eyes... It reminded me of someone." Tumigil ako at napangiti ng bahagya.
"Someone special, I guess?"
Ilang ulit akong napatango.
"Someone very special," usal ko. Napatigil sya at bahagyang nanlaki ang mata.
"Anyway, thanks for helping me." Saad ko.
Tumalikod ako at naglakad papalayo para bayaran ang mga libro.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...