Chapter 37

8 5 0
                                    

Chapter 37

"HINDI KO alam kung gusto tayo maka-bonding ni ate o gusto lang nya umiyak sa harap natin." Kinig kong ani Shenna.

Napanguso ako at tumungga sa hawak na alak at inubos ang laman niyon.

"Anong gusto umiyak? Akala nyo hindi ko kaya 'to ubusin?" Nagmamalaking usal ko.

Napailing nalang si Rin na hawak ang isang bote ng mineral water. Naka-high ponytail ang buhok nito at ang ilang hibla ay nasa mukha nya.

"Hindi naman 'yon ang ibig nyang sabihin," naiiling na aniya. Bently grabbed the wine glass from me making me whined and protest.

"Iinom pa ako. Malakas na ako ngayon," lasing na usal ko at sumisinok na pilit inaabot ang hawak ng binata. Kanina pa ako tumatagay. Nagsisimula na rin akong makakita ng stars sa paligid pero hindi pa ako lasing.

"Bently, sigurado ka ba na naka-move on na si ate? U-uhh hehe, mukha kasi syang ano... 'Yung dati? Na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa? Oo ganun." Naririnig kong ani ni Rin pero malabo na iyon sa pandinig ko. Umikot na ang aking paningin habang napasandal sa malambot na upuan.

"Sure ako dati day. Pero ngayon?" Lumingon si Bently sa akin kaya napahagikhik ako. "Hindi," usal nya.

"Nag-iinom 'din kami dati sa States kapag na-aawardan sya dahil sa galing nya sa fashion designing, pero bes ngayon na lang sya ulit ganyan." Humawak si Bently sa bewang at napakamot sa batok. Pinagmasdan nya ako at alanganing napa tingin kay Shenna.

"Iuwi na kaya natin? Mag-uumaga na oh. Maya-mayang alas-cingko ay magsasarado na ang Nightmare," ani Shenna.

Bumuntong hininga silang tatlo at lahat na napatingin sa akin.

"Naiihi ako..." I muttered sleepily. Humagikhik pa ako kapag kuwan.

"Jusko naman, Anna Marie." Halos-sabay nilang singhal.

Tumayo ako at tinuro ang CR.

"Pupunta muna ako 'dun..." Paalam ko sa kanila. Napakamot si Bently sa ulo at ininom ang laman nang hawak na baso sa kanang kamay.

"Hayaan nyo 'yan. Ang lakas mag yaya ng inom tapos hindi kaya? Akala ko ba kaya mo?" Untag nito sa 'kin.

"Kaya ko naman talaga! Kaya ko kaya huwag nyo ko sundan!" Angil ko. Madali akong tumalikod at pasuray-suray na naglakad.

Ngumuso ako.

Mga walang puso! Hindi talaga nila ako sinundan?

Dirediretso akong pumasok sa isang cubicle at napahawak sa noo ng manlabo ang paningin ko.

"Tama ba ako ng pinasukan?" Takang tanong ko sa sarili at lasing na napakurapkurap.

"What the fuck?!" bulalas ng kung sino sa mismong harapan ko. Napatingala ako at kinusot ang mata dahil nahihilo na talaga ako. Pakiramdam ko ay gusto ko masuka at sapakin ang sarili in the same time.

Naihilamos ko ang palad sa mukha para mahimasmasan ng kaunti at napasansal sa pader.

"What the fuck are you doing in a men's bathroom Miss Escyda?"

Napatulala ako saglit at dahan-dahang inangat ang tingin sa lalaki na nagsalita. My mouth opened wide as I realized where am I. Parang nawala bigla ang lasing ko ng magsalubong ang mata namin dalawa. Peke akong napangiti at hinawakan sya sa mukha, pabababa balikat at sa kanyang matipunong braso.

Nagha-hallucinate ba ako? Bakit pakiramdam ko ay si Angel ang nasa harap ko.

Malakas akong napatawa at sinampalsampal ang pisngi nya. Kinurot ko pa iyon at lalong tumawa ng malakas.

"Gago! Lasing na nga ako. May nakikita na akong demonyo."

Sumeryoso ang mukha ng lalaki at kumunot ang noo. "What the fuck are you saying? And answer me, Anna. Why are you exactly here? Do you know the meaning of privacy?" He asked me as he hold my hand, trying to stop me from pinching his cheeks.

Grabe, nananahinip na talaga ako. Pakiramdam ko ay totoo sya.

"Kakain ako ngayon," pilosopong sagot ko at inalis ang kamay nya.

"Stop joking," matigas na aniya.

"And stop asking me dumb questions. Ano bang ginagawa sa CR maliban sa dumumi at umihi? Bobo mo naman." Inis na dinuro ko sya at akmang pipisilin ang pisngi pero tinabig nya iyon. Natawa ako. "Bobo mo Angel," usal ko pa.

Lumabas ako at sinubukang maghanap ng ibang papasukang banyo. Nagulat ako ng may humawak na kamay sa aking braso at mahigpit akong hinila papalapit. Napa-igik ako ng tumama ako sa malapad nyang dibdib, suminghap ako at ilang segundong kinundisyon ang sarili dahil nahihilo na ako ng sobra.

"Let me guide you." He hold my waist as he walks with me palabas doon. Napatingin ako sa kamat nya na nasa bewang ko at pinakiramdaman iyon.

"P-para kang totoo," nakangusong aniko at sumabay sa hakbang nya

"Totoo ako. Sadyang lasing ka lang," seryosong ani nya. Napatango-tango ako at muntikan ng matumba dahil sa panghihina ng tuhod.

"Hindi ka totoo. Kasi hindi nga ako lasing." Proud na itinaas ko pa ang kamay at muntikan ng matumba ulit. Maagap nyang nasalo ang katawan ko.

"'D-di ba? Hindi pa ako l-lasing. Natutumba ako kasi ganoon ang new fashion." Humagikhik ako at umakbay sa kanya para kumuha ng lakas.

Hindi pa ako lasing.

"Oo nga, hindi ka lasing."

I gasped when he carried me in a bridal way. Angel stared at me before he walked and sighs afterwards.

"Bakit ka nag-inom?"

Tanong niya matapos na makapagbanyo ako. Naghugas ako ng kamay at naghimalos bago tuyuin ang sariling mukha.

"Alam mo ba? Nakita ko 'yung totoong Angel kanina," kunwaring tsismis ko at dinuro sya. "Kamukha mo 'yon pero mas gwapo."

He chukled playfully before looking at me with his handsome face. Ngumuso ulit ako.

"Pareho pala kayong gwapo. Kaso totoo 'yun, ikaw imagination ko lang." 

Angels eyes became dull as he examined me if I'm in the right state of mind. Ngumiti ako ng matamis at hinawakan ang mukha nya.

"Sana totoo ka rin no?" I look at him smiling genuinely. "Gusto ko sana kasi magtanong kung bakit mo ako tinulak papalayo nung panahong gusto kong malapit ako sa 'yo."

Tinapik ko ang balikat nya at lumabas na sa lugar na iyon. I left Angel dumbfounded. Malayo na ako ng lingunin sya pero naroon pa rin ito sa dating pwesto.

Ngumiti ako ng mapait bago suminok. Ilang lamesa na rin ang nabangga ko at nakailang sorry na rin sa mga taong nabubungo ko.

Gago, lasing na ba ako?

Reaching Stars [Central Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon