Chapter 48
"NAALALA nyo pa ba 'yung sinampal ni Rin si Anna Marie? Gago laugh trip talaga!" Nasundan ng malalakas na tawa ni Bently ang sinabi nyang iyon kaya napangiti na rin ako.
"Kinabahan ako noon dahil nang tawagan ko si Rin at sinabi sa kaniya na hindi ka pa bumabalik ay tinanong nya agad kung may nasabi raw ba ikaw sa 'kin. Sabi ko ay buntis ka noon at heartbroken." Matipid na ngumiti si Shenna kaya natawa naman kami ni Bently.
"Tinawagan nya ako noon! Sabi pa nya ay kung nasa bahay ka raw ba! Jusko Anna Marie! Mabuti nalang at on ang location dyan sa cellphone mo dahil wala talaga kaming clue kung nasaan ka na!"
Lumakas ang tawa namin kaya bahagyang gumaan ang nararamdaman ko. Hindi pa rin maalis ang takot dahil sa ilang oras ay wala man lang silang tawag at hindi pa sila bumabalik.
Mahigit dalawang oras na. Kahit nakikipag usap ako sa kanila ay alam kong ramdam din nila ang kaba at takot ko.
"Shit!"
Agad na napalingon ako kay Shane ng makitang nakaluhod sya sa sahig para pulutin ang kung anong bagay na nahulog.
"Ano bang nangyari?" gagad kong tanong at lumapit sa kanya.
"Nadulas sa kamay ko ate." Agad na pinindot nya ang buhayan ng cellphone at bagsak ang balikat na ipinakita sa amin ang screen ng cellphone nya.
"Ang tanga mo naman day! Tingnan mo! May terminal disease na agad 'yang cellphone mo! Ganda nyo pa naman ni Rin sa lockscreen!"
Hindi ako nakapagsalita at napatitig ng ilang minuto sa litrato nilang dalawa.
"Ang ganda pa naman namin dito!" Shanes eyes look so sad while trying too open her phone.
Lumapit si Bentley para i-check kung ayos pa ito samantalang ako ay napako sa kinatatayuan habang malakas ang kabog ng dibdib. Naikuyom ko ang kamao at pinigilan na mag-isip ng masamang bagay.
"Ate ayos ka lang?"
Napamulat ako ng magsalita si Shenna at lunapit sa gawi ko.
"Namumutla ka mars. Anong nangyari sa 'yo?"
Umiling ako at sinubukang alisin ang negatibo sa isipan.
"Stop worrying to much ate. Ipahinga mo muna ang sarili mo okay?" Shane hugged me before leading me to sit in the couch.
Sinunod ko ang payo ni Shenna. Sinubukan kong mag-isip ng maayos ngunit ang pakiramdam ko ay lalong binabagabag ng katotohanang maating nasa panganib ang buhay ng anak ko at ni Rin. I tried dialing Rin's phone. Shane and Bently immediately noticed my unwell behavior at kahit hindi nila sabihin ay alam ko na nag-aalala rin sila.
Naka-ilang contact na ako ngunit laging unattended ang line ni Rin.
Mabilis akong napatayo ng may marinig kaming pag parada ng sasakyan sa hindi kalayuan. Malakas ang kutob ko na sila na iyon kaya halo mabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng makita ko ang anak na bumaba sa sinasakyan nila Angel.
Mabilis ang hakbang na niyakap ko si Dwyne na ngayon ay umiiyak sa balikat ko.
"M-mama..." My son's sobbed break my heart little by little as he buried his head in the hollow part of my neck.
Hinaplos ko ang likod nya at mahigpit syang niyakap. Dama ko ang takot nya at ang mahihinang paghikbi na lalong dumudurog sa akin.
"S-sorry nak. Sorry... Shhh tahan na. Hindi na ulit mangyayari 'yon baby."
Hindi ko mapigilang mapahikbi ng lalong lumakas ang iyak nya. Hindi ko na alam ang gagawin kung hindi patahanin at ulit-ulit na mag-sorry dahil guilty na guilty ako.
BINABASA MO ANG
Reaching Stars [Central Series #1]
ActionR-18 [Completed] After a series of heartbreaks, Anna Marie Escyda finds herself not wanting to fall in love again, until her parents arrange her in a marriage to a man she doesn't even know. Wanting to please her parents and play the part of being...