Chapter 16-Boys Problem_101

170 22 0
                                    

WAY#16-[Boys Problem_101]

Kevin's POV

 "Whoaw pare! Wag kang mag alala mag eenjoy ka dito! kami ang bahala sayo!" sabi ni Errick.

 "Siguradong marerelieve ang problema mo!" dagdag ni Ced.

Hindi pa kami nakakapasok ng bar pero rinig na namin ang malakas na tunog doon. Yep. nandito kami sa Bar. at hindi parin ako makapaniwala na napapayag nila ako na pumunta dito. Ang galing kasi mangumbinsi ng mga ugok nato eh..

-Flashback-

Pagkauwi ko sa Condo, tinawagan ko agad sila Ced na pumunta dito sa Condo. Kailangan ko kasi ang tulong nila dahil sa problema ko. Problema na halos magawa ko na kay Winnie.

 "Pare natural lang yun! lalake ka eh! dapat nga hinihingi mo na yun sa Girlfriend mo tutal ang tagal niyo na diba?" reaksyon ni Ced nung ikwento ko sa kanila yong nangyari samin ni Winnie kanina. 

 "Nah. hindi pa siya handa! at nererespeto ko yun!"

 "Pfft. respeto? uso pa pala ngayon yan? kung ako sayo pare banatan ko na bago pa ako maunahan!" sabi naman ni Errick.

 "Tss. hindi paninda yong girlfriend ko! Ayokong gawin sa kanya yun!"

 "Ang epal mo pre! eh panu ka niyan? Panu yang pangangailangan mo?"

 "I don't know." nagkibit balikat nalang ako.

 "Alam ko na, mag bar nalang tayo! Swak yun pre! madaming chicks!" suhestyon ni Errick. Psh. ayoko dun! baka malaman ni Winnie.

 "Kayo nalang!"

 "Tangna naman pare ang Kj mo! yun na nga lang ang sulosyun sa problema mo eh! isipin mo, kung makipag hang out ka sa ibang babae, hindi mo nayun hahanap hanapin sa Girlfriend mo! Oh diba? hindi mo na siya magagalaw!"

 "What? It sounds like I will cheat to her! Ayoko!" 

 "Psh. g@go ka pala eh! pinupunta mo pa kami rito pero hindi mo naman papakinggan ang advise namin!"

 "Eh wala ba kayong matinong sasabihin diyan?"

 "Wala na eh. Yun na ang pinaka matino! Pfffft!" Tss. wala pala tong mga kwentang kausap eh.

 "Ganito nalang pare, sumama ka nalang samin sa Bar! promise wala kang gagawin! iinom lang tayo para matanggal yang mga alalahanin sa utak mo!" sabi ni Ced. Napaisip naman ako.

Payag ako kung iinom lang kami. No Girls. pero panu kung malaman ni Winnie?

 "Relax pare! hindi naman to malalaman ng Girlfriend mo eh! kami ang bahala sayo!" pangungulit pa nila. eh ano pa nga ba ang magagawa ko? dalawa sila at isa lang ako eh? tsk.

-End of Flashback-

At hindi naman ito yong first time kong makapunta sa Bar nu! mahilig rin akong pumunta rito noong 2nd yr palang ako. Nakakapasok kami kasi may kaibigan akong may ari sila ng Bar. at inaamin ko, nakakaenjoy sa loob. It's just that, nagbagong buhay na ako dahil kay Winnie. Iba yong past ko sa present ngayon.

Pinapasok na kami ng bouncer kaya mas lalong nabingi ang tenga ko sa lakas ng tugtug. Marami ang tao sa loob at halata ang excitement sa dalawang mokong na kasama ko. Umupo na kami sa table na kasya ang apat.

Umorder na kami ng maraming drinks. Iinom ako para makalimutan ko ang ginawa ko kay Winnie. Aist! bumabalik na ba ako sa dati? Hindi dapat. 

 "Hi Hotties!" may tatlong babaeng lumapit sa table namin. 

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon