Chapter 10-Closer

206 28 3
                                    

WAY#10-[Closer]

Winnie's POV

 "Class you will have your first activity this week! dahil nga mga soon to be business man and woman kayo, dapat you will first experience how to be an Entreprenuer! In other words, mag iisip kayo ng pwede niyong itinda sa street o pwede din dito sa School! You will provide a notebook kung saan irerecord niyo dun ang puhunan at income ninyo kada araw! Okay?"

 "Yes Ma'am!!" sagot naming lahat.

 "Okay, Each group will only have four members! hindi ako magrarami ng members kasi alam kong asahan lang ang magaganap! so okay, Start counting!" 

At ayun nag count na kami hanggang Ten. 40 kasi kami sa class kaya yun. Group 5 ako kaya hinanap ko na yong mga ka groupmates ko.

 "Winnie 5 ka?" biglang tanong sakin ni Pao. Tumango naman ako.

 "Great! 5 din ako eh!" Nakingiti niyang sabi.

 "Ah talaga? Mabuti naman!" ngumiti rin ako kasi syempre friends na kami diba? at mabuti yun na ka'groupmates ko siya kasi pwede ko siyang utos'utosan.

Si Jerby at Eden yong dalawa pa naming ka group. Actually hindi ko sila close kaya medyo hindi ko sila kinaka'usap. Pero hayaan na, alam kong magiging kaibigan ko din sila dahil sa activity namin.

Maya'maya nagplano na kami sa gagawin namin, napag planohan naming Burger ang ititinda namin! Actually ako ang nag suggest nun kasi favorite ko yun! kahit hindi marami ang bumili, edi ako nalang bibili lahat! hehe. ang daya ko. Una naming gagawin ay mag grogrocery syempre, at kami nlang ni Pao ang gagawa dahil sanay rin naman akong mag grocery on my own. Tagabitbit lang talaga si Pao actually.

Nagtext na ako kay Kevin para sabihin na kasama ko si Pao sa pag grogrocery para sa activity namin, mahirap na, baka mamaya may makakita samin tas mag sumbong kay Kevin at gawing exaggerated yong kwento. Naku baka mag away pa kami ng Babe ko! Ayokong mangyari yun nu!

 "Pao ikaw nalang yong bumili ng bun sa Pastries Area. ako nalang yong ingredients." sabi ko at binigyan ko siya ng pera. Sumunod naman siya agad. 

Kanina pa ako naglilibot pero hindi ko pa mahanap yong cheese. Tumitingin na nga ako sa taas para tignan yong mga signs kung saan mahahanap yong pang ingredients at dahil hindi nga ako tumitingin sa dinadaanan ko, nakabangga tuloy ako.

 "Ay. Sorry Miss!"

 "Sorry? Psh. What a clumsy girl!" mataray niyang sabi. aba ang arte nito ah? nagsosorry na nga eh!

 "Sorry naman! Hindi ko naman yun sinasadya eh!"

 "Watever!" sabi niya at nag rolled eyes pa! And take note, binunggo niya pa yong braso ko. Aalis na nga lang may pahabol pang ganun? Tss. sayang maganda pa naman siya pero yong ugali.. naku! nevermind! -_-

Pinagpatuloy ko narin yong paghahanap at finally, nakita ko din! -_- sakto namang dumating na si Pao.

 "Kanina pa ako ikot ng ikot! Nandito kalang pala!"

 "Nakipag hide ang seek pa kasi ako sa cheese na to eh!"

 "Ah ganun? Haha. At ako naman, nakipagpatintero sayo!"

 "Harhar. -_- Alis na nga tayo!" sabi ko at hinugot ko na siya palabas.

Pagkaalis namin sa Mall. sinabi ko kay Pao na sa Bahay nalang muna kami gumawa ng patty. gusto ko kasi kami ang gumawa. Wala lang, gusto kong magkalat sa kitchen eh.

Pagkarating namin sa bahay, As usual, naki chismis na naman si Mommy kung sino daw yong kasama ko. Akalain ba namang sabihin na nangangaliwa ako! Duh, never ko yong gagawin sa Babe ko nu! Naku si Mommy talaga!

 "Mommy ano ba yong ginagawa mo dito sa kitchen? Labas ka nga dito! Dun kalang muna sa sala, wag kang magulo!"

 "Bakit anak? Anong gagawin niyo ni Mr.Pogi na parang ayaw mong makita ko?"

 "Mommy naman eh! sinabi ngang gagawa lang kami ng patty!"

 "Eh bakit kayong dalawa lang?"

 "Aist. apat kami! parating na yong dalawa kong kagroup!"

 "Weeh??"

 "Ou nga!! Aist ang kulit!" sabi ko at kinaladkad ko nalang si Mommy palabas sa kitchen. At napatawa nalang si Pao.

 "Ikaw Mommy behave ka ngalang diyan sa sala!"

 "Baby talaga bang hindi mo other man 'yun? Gwapo din siya ah!"

 "Aist. Ewan ko sayo Mom!" sabi ko at naglakad na ako pabalik sa kitchen. Haist ganun talaga yun! Sadyang makulit ang mahal kong inay! Psh.

Pagkabalik ko sa Kitchen nagulat naman ako dahil nag aapoy na yong Pan. 

 "What have you done Pao?" sabi ko at  ini'off yung gas.

 "Malakas pala yong apoy! Nasunog yong patty! Hehe." Sabi niya sabay peace sign.

 "Hay naku! Hindi kaba marunog magluto?" tanong ko at umiling siya. sabagay obviuos naman eh!

 "Haist turuan na kita!" sabi ko at ako yong unang gumawa. Sinunod naman niya at nagluto pa kami ng marami. at dahil sa kakapraktis ni Pao. Ang dami dami na naming naluto! As in. Nag enjoy ang ugok! >__<

 "Now what?? Ang rami nito! Anong gagawin natin sa mga patty nato?"

 "Hmm, ibenta kaya natin ngayon! Sa labas ng bahay niyo!"

 "Hm, Good Idea! Exciting yan! tara!" sabi ko at excited kaming lumabas ng bahay. Yeeh! Mag eenjoy ako nito! 

**

Paolo's POV

 "Bili na kayo ng Burger! Masarap to promise! Hindi ako ng eechos!" kanina pa sigaw ng sigaw si Winnie niyan. Kinakarer niya talaga ang pagiging tindera at bagay sa kanya pfft.

 "Anubayan Pao! Kanina pa tayo nagtitinda pero dalawa palang yong bumili! Kapagod pala to!" reklamo niya.

 "Eh panu ba naman? ang mahal ng Burger mo! 45 pesos!"

 "Tss. eh special tong burger eh! May cheese, may vegetables at tayo pa ang gumawa ng patty! Oh worth it naman ah?"

 "Alam mo kasi Winnie, minsan mas mahalaga sa tao yong needs kaysa sa wants nila! Yong perang pambili nila nito, pwede na nilang ibili ng ulam nu!" sabi ko at umupo sa mababang upuan dun.

 "Sabagay! pero kahit na nu! Kahit naman-- Ui teka tignan mo, mga bakla! Baka bumili sila!" biglang sabi ni Winnie at napatingin naman ako sa sinasabi niya. Meron nga! Apat sila -_-

 "Mga pretty Girls! Baka gutom kayo! Bili kayo ng burger namin na talagang magpapadagdag sa beauty niyo!" sabi ni Winnie. aba dinadaan sa sales talk! Haha. nagsilapitan naman sila.

 "Talaga? Oh sabi ko sayo day! Maganda ako! Itchuserang frog ka talaga!" sabi nung isang bading sa kasama niya.

 "Naku hindi! Pareho kayong magaganda! Pero bili kayo ng burger! Baka gutom kayo, alam niyo na nakakabawas ganda pag gutom!" sabi ni Winnie.

 "Naku tama ka sisteret! Gutom na rin kami! Magkano ba yan?"

 "45 pesos lang!"

 "What? Ang mahal naman niyan day! Naku wag nalang! Sa kabila nalang kami, 15 pesos lang yong burger nila dun!" sabi nung isa at akmang aalis na sila. Aist sorry Winnie! Hindi effective ang sales talk mo! Haha.

 "Wait! Teka lang! Pag bumili kayo may bunos!"

 "Ano naman yun?"

 "Ah.eh, Ahm.." napatingin naman sakin si Winnie at pinatayo niya ako. nanlaki yong mga mata ng apat na bakla. at "May free Kiss sa kanya!" WHAT?? 

 "AYY TALAGA? ANG GWAPO NIYA BES! BILI NA TAYO MGA SIS!"

 "Teka Winnie bat naman-- ARAY!" aangal sana ako pero pasekreto niya akong kinurot sa tagiliran.

 "Wag ka nang magreklamo! Tumulong ka nalang!" bulong niya sakin at nagsimula ng gumawa ng burger. Ang lalagkit na ng mga tingin sakin ng mga bakla! AHHHH WINNIE!! Hahayaan mo lang akong marape? Huhu T__T

**

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon