WAY#6-[Assurance]
Kevin's POV
Pagkatapos kong ihatid si Winnie sa room niya, agad akong pumunta sa Room. Tumakbo pa nga ako kasi late na ako. Panu ba naman, ang layo ng building nila sa Med building, eh sa nag insist ako na ihatid siya eh. Wala lang gusto ko lang sya makasama! ang chezzy mo talaga Kev.
Pawis na pawis akong umupo sa upuan ko, saktong dumating yong proof namin. Mabuti nalang nauna ako ng ilang segundo kay Sir.
"Pare san ka galing? Ba't ka nalate?" tanong ni Ced na nasa tabi ko.
"Ah hinatid ko yong girlfriend ko sa room niya eh!" sagot ko.
"Ah ganun? may sasabihin sana kami kanina sayo eh!"
"Ano naman?"
"Mamaya nalang pagkatapos nang klase! baka tayo marinig ni Sir!" tumango nalang ako bilang sagot. hindi na kami nag'usap at nakinig nalang kay Sir.
**
Lunchbreak..
"Pare punta tayo sa bahay nila Alexa sa sabado!"
"Hah? ayoko nga!" Tanggi ko.
"Sige na! May party sila eh! Invited tayo! Welcome party yun, para makilala mo naman yong ibang mga students dito sa Hillson University!"
"Eh, pwede bang kayo nalang?"
"Pare naman eh! harus kilala na namin yong mga students dito kasi sa Hillson Academy din yong iba nag highschool! eh ikaw? bago kalang dito kaya dapat ka talagang umattend!"
"Tss. ou na! sige na!" sabi ko nalang para tumigil na sila sa pangungulit.
"Yes! thanks bro!" sabi ni Errick at tinapik ako sa balikat.
Umalis na ako para puntahan si Winnie. Sabay lang muna kami ngayon habang hindi pa ako busy. Nasa tapat na ako ng room nila pero hindi ko pa sya nakikitang lumabas. nagtanong ako sa kaklase niya at sinabing nasa loob pa daw. Sumilip ako sa loob at nandun pa nga siya. Meron siyang sinusulat sa notebook niya.
Lumapit ako pero hindi niya parin ako napapansin. Napangiti nalang ako. Umaandar na naman ang pagiging brain wizard niya.
**
Winnie's POV
Kainis naman! ba't hindi ko to nakukuha! ngayon lang ako nahirapan ah!
"Ay Ewan! Winnie tama na yan! Lunchbreak na oh! ang hirap hirap i'compute ng sales! kain na lang tayo! nakakasakit lang yan sa ulo eh!!" reklamo ni Shane, kaklase ko siya.
"Ah sige mauna kana! hindi ko to tatantanan! haha!" sabi ko.
"Haha sige bahala ka! tutal matalino ka naman, kaya yan ng brain mo! sige una na ako sayo."
"Sige Happy lunch nalang!" sabi ko at kumaway na siya at lumabas na ng room. naglalabasan na rin yong mga kaklase ko pero ayoko pang lumabas hanggat hindi ko to nasasagutan! Tch.
"Hoy Winnie tama na yan!!" napatingala na naman ako sa istorbo.
"Anuba?? kung aalukin mo ako para mag lunch para sabihin ko sayo, MAUNA KANA!!!"
"Ang taray mo talaga sakin!" sabi nalang ni Pao.
"Cheh istorbo ka kasi eh! Alis ka na nga! Chupe!"
"Ou na Ms.Taray!!" sabi niya sabay pout at umalis na sa harap ko. Asus pacute pah! porket gwapo! Cheh! Mas gwapo yong babe ko nu!
Sinagutan ko na ulit yong test namin. isa nalang at makukuha ko na yong total sales. Pag may mang istorbo pa talaga, bubugbugin ko na!
"Miss anong ginagawa mo?" sabi ng isang husky na voice. Sabi ng ayaw ko ng istorbo eh! bubugbugin ko talaga ito, pero pag tingala ko ulit..
"Babe!!?? Hehe." biglang nag'iba yong ekspresyon ng mukha ko ng makita ko siya, from nakabusangot to smiling face HEHE. Isinabit ko yong dalawa kong kamay sa leeg ni Babe at kiniss ko yong cheeks niya ng maraming beses.
"Uy? Haha. anyaree? bat ang sweet ng babe ko?"
"Eh kasi sinabi ko kanina na kapag may mang istorbo pa sakin, bubugbugin ko! kaso ikaw eh, kaya binugbug nalang kita ng halik! Hehe!"
"Ay asus ganun ba yun? Haha." tumango lang ako at ginulo niya yong buhok ko. "Oh sya kain na nga tayo ng lunch, tama na yan at gutom na ako! baka mamaya ikaw pa yong kainin ko! Haha."
"Sira!!" at hinampas ko siya sa braso niya. Tinulungan niya akong ayusin ang gamit ko at lumabas na kami sa room.
**
Sa Cafeteria..
"Babe may ipagpapa'alam sana ako sayo!" sabi ni Kevin habang kumakain kami.
"Anu yun babe?"
"Eh inimbitahan kasi ako sa isang welcome party! para daw makilala ko pa yong ibang mga students dito, alam mo na bago palang tayo dito!"
"Oh? mabuti yan babe para dumami pa yong friends mo! Asan yong venue?" sabi ko habang kinakain yong spaghetti. yum! yum!
"Ah sa bahay nila Alexa!"
*cought* *cought*
"Babe ok kalang? tubig oh!" at inabut niya sakin yong tubig. anubayan! nabubulunan pa tuloy ako sa sinabi niya! pero teka? sa bahay nila Alexa? Yong mukhang clown na babae dahil sa kapal ng make up?
"Ba't naman dun babe?" yun nalang ang nasabi ko.
"Eh siya daw kasi 'yong nag oorganize ng party eh!" Tsh. anu papayagan ko ba to? May tiwala naman ako sa babe ko eh. At isa pa, hindi ako selosa! At ayoko namang mafeel ni Kevin na parang sinasakal ko siya. kaya sige na nga lang!
"Hmm, sige na nga! Basta behave ka lang dun ah!"
"Haha oo naman babe! bilib talaga ako sayo! Hindi ka selosa! Pero may ideya ako.."
"At anu naman yun Mr.Villaruel?"
"Hmm, kung isama kaya kita sa party!"
"Anu?? ayoko nga!! Hindi ako invited nu!"
"Tss. anu ngayon?? eh invited naman si Mr. Kevin Villaruel kaya parang invited na rin yon si Mrs.Winnie Stella Villaruel!" nakangiti niyang sabi. ai naku ang chezzy talaga ng babe ko!
"Sige pag hindi mo ako samahan, hindi nalang ako pupunta dun!" sabi pa niya.
"Aist wag naman! pumayag ka na ata sa kanila eh! rude naman kong bawiin mo pah!"
"Eh yun na nga eh! samahan mo na ako!"
"Tsh. ou nah! pasalamat ka malakas ka sakin!"
"Yes! sa wakas hindi na ako mabobored dun!" sabi niya at ngumiti sakin ng pagkatamis'tamis. Haist! Kainlab naman tong boyfriend ko! Kainis! Haha.
***

BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Roman d'amour"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...