Chapter 25-Letting Him.

207 16 0
                                    

WAY#25-[Letting Him]

Winnie's POV

Pumasok ako sa school na walang ka'ener-energy. Ayoko sanang pumasok dahil masama ang pakiramdam ko kaya lang ay balik sa normal na ang klase namin dahil tapos na ang School fair. Wrong timing!

Nakatingin lang ako sa prof namin habang buka ng buka ang bibig nya pero wala akong maintindihan. Nasa Mercury drug ata ang isip ko. Buti nalang at hindi nya napapansin na hindi ako nakikinig.

Natapos ang morning class namin at lunchbreak na. Palabas na sana ako ng Room ng may humarang sakin sa pinto.

"Winnie sorry na? Wag mo na'kong iwasan please?" Sabi ni Pao habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ba't kaba nagsosorry? Wala ka namang ginawa!" Sabi ko at humakbang ako sa left nya pero hinarangan nya parin ako.

"Alam kong galit ka sa mga sinabi ko nung isang araw. Sorry? Joke ko lang yun." Tinignan ko sya ng masama. Kung biro lang yun, tyak na sapak ko na sya pero alam ko rin sa sarili ko na parang totoo ang sinabi nya.

"Fine."

"Talaga? Hindi kana galit?" Nag nod ako bilang sagot.

"Yes! Tara i'libre kita ng lunch!" Masigla nyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Aist. Pag kaming dalawa lang talaga ang magkasama, palangiti sya. Pero pag kasama namin si Vyannie, nag iiba ang timpla ng ugali nya. Ewan ko ba! Baka naman may gusto sya kay Vyannie? The more you hate, the more you love yata ang drama nya.

Matapos naming mag lunch ni Pao, afternoon class naman. Hanggang sa nag'dismiss at nag uwian na ay lutang na lutang parin ako.

Tumambay muna ako sa waiting shed at hindi ko alam kung bakit. Parang gusto kong abangan si Kevin pero hindi ko naman alam ang gagawin at sasabihin ko kung makita ko na sya. Parang hindi ko kayang itanong sa kanya kung sino yong babaeng sumagot ng cellphone nya nung isang araw.

Bigla akong napatayo nung lumabas sya ng gate. Mabuti nalang at mag isa lang sya kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan sya.

"Kevin!" Napalingon siya at nagtaka nung makita ako.

"Uuwi kana?" Tanong ko.

"May pupuntahan pa ako eh." Sagot nya ng hindi nakatingin sakin.

"Ganun ba? Ahm, p-pwede bang ihatid mo muna ako bago ka umalis?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin 'yun.

"Pero kaylangan ko na talagang--"

"Kahit ngayon lang Kevin." Putol ko sa sinasabi nya. May karapatan pa rin naman akong mag demand kasi girlfriend nya parin ako. Napabuntong hininga sya at tumingin sakin.

"Fine. Tara." Sabi nya at naglakad sya sa parking. Sumunod ako at pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya.

Habang nasa loob kami ng kotse ay walang nag attemp na magsalita. Kahit ako ay parang nawalan ng sasabihin. Bakit ganito? Bakit biglang naging aukward at malamig ang samahan namin? May nagbago na talaga. Hindi ko alam kung ako o siya?

Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ay wala parin kaming imikan. Bago ako lumabas ng kotse ay hinawakan ko ang braso nya.

"Kevin pumasok ka muna sa bahay. pls? Pagbigyan mo na'ko kahit ngayon lang."

"Tss. Oo na." Sabi nya at sabay kaming bumaba ng kotse nya. Pinaupo ko sya sa couch at iniwan ko muna sya para gumawa ng juice. Wala si Mama sa bahay kaya wala akong mautusan.

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon