Chater 29-Closure is the Cure.

247 18 0
                                    

WAY#29-[Closure is the Cure]

Winnie's POV

Ilang araw na ang nakalipas at masasabi kong okay na ang puso ko. Natauhan na kasi ako. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka move on sa huling sinabi ni Pao. Ginugulo pa rin ng mga salita niya ang utak ko.

Nung gabing sinabi niya 'yun, hindi ko siya pinansin kinabukasan. Ilang beses nga siyang nag attemp na lumapit sakin pero agad akong umiiwas. Hindi ko nga alam kung ba't ako nag iinarte ng ganito, pero dahil siguro sa hindi ko kayang tanggapin o paniwalaan ang nararamdaman ni Pao para sakin.

"Friend!" Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang boses ni Lyza. Uuwi na dapat ako dahil wala na akong klase.

"Oh friend?" Sabi ko nung makalapit na siya sakin.

"Uuwi ka na agad?" He inquired and I nodded.

"Pasabay na ako sayong maghintay ng taxi."

"Oh sige ba!" Sabi ko at sabay kaming naglakad palabas ng school.

Nung nasa waiting shed na kami, umupo lang muna kami sa isang bench dahil wala pang taxing dumadaan.

"Uy friend!" Napatingin ako kay Lyza. "Pansin ko hindi kayo nagpapansinan ni Pao. Wag mong sabihing nag away na naman kayo? Grabe ah. Para kayong mag jowa!"

"Jowa ka diyan! Mag hinay hinay ka nga sa mga sinasabi mo friend!" I hissed. Naalala ko na nanaman tuloy ang sinabi ni Pao.

"So nag away nga kayo?" Hindi ako sumagot.

"Bakit?"

"Wala! Anuba! Hindi kami nag away!" Sagot ko.

"Psh. Bahala nga kayo!" Hindi na ako umimik at sakto namang may taxi na huminto sa harap namin. inayos ko na ang gamit ko at sumakay na kami sa taxi.

Pagkarating ko sa bahay, dumeretso ako sa kwarto.

Dahil narin siguro sa pagod, napapikit ako. Pero makakatulog na sana ako nung bigla akong nakarinig ng ingay mula sa bintana ng veranda.

Napa'upo ako at bigla kong naalala si Pao, siya lang naman kasi ang kilala kong nambabato sa may veranda eh. lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon. Dahan dahan akong sumilip sa baba at ayun na nga, nakita ko si Pao na nakatingala din, nakatingin sakin. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya.

At hindi ko na namalayan na dinadala na pala ako ng paa ko pababa ng bahay at trinaydor ako ng kamay ko, dahil binuksan ko 'yong pinto at gate.

"Anong gina--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong niyakap.

"Miss na kita Winnie! Pansinin mo na ako uy!" Sabi niya habang ginagalaw galaw ang buhok ko. Tinulak ko nga.

"Umuwi ka na nga! Ano bang ginagawa mo dito ha?"

"May sasabihin lang sana ako sayo!" Tinignan ko siya ng masama dahil baka kung ano nanaman ang sasabihin nya.

Tinalikuran ko siya at papasok na sana ng gate ng muli siyang magsalita.

"Actually, good news ata para sayo 'tong sasabihin ko eh!" Tinignan ko siya at tumingin rin siya sa mga mata ko.

"Wag kang mag alala Winnie, magtratransfer na ako ng ibang school. Hindi na kita guguluhin uli!" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Siya? Magtratransfer?

"B-Baka naman sa katapat ng school lang 'yan?"

"Sa States." Sagot niya and he gave me a sad smile.

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon